Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
view moreMadilim pa ang langit kinabukasan subalit nakagayak na kaagad si Paige. Sa katunayan, halos hindi rin siya nakatulog nang maayos sa nagdaang gabi. Iniisip niya ang mga mangyayari sa araw na iyon—ang isang buong araw na ipinangako ng dalaga kay Marco.Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Pa
“A-ano? Naririnig mo ba ang sarili mo, Marco?” hindi makapaniwalang sabi ni Paige.Alam ng dalaga na hihiling ito nang kung ano-ano sa kanya ngayong siya mismo ang nakiki-usap dito. Ang inaasahan lang niyang hihilingin ni Marco ay ang bigyan niya ito ng oras para magpaliwanag. Hindi ang isang buong
Kanina pa nagsasalitan sa pagbuntong-hininga sina Paige at Natalie habang nakaupo sa sala at nag-iisip ng paraan kung paano malulusutan ni Natalie ang imposibleng task na pinapagawa ng may-ari ng isla. Pasado alas tres na ng hapon, kailangan nang lumabas ulit ni Paige at magtungo sa site. Subalit ka
Napakurap si Paige, pilit iniwasan ang malalagkit at nakakalokong tingin ni Marco. Hindi malaman ng dalaga kung masaya ito at sadyang may kapilyuhang naiisip.At bakit ba hindi pa ito umaalis sa Isla Del Sol? Kagabi pa tumila ang ulan a. Dapat umalis na ito roon. Tutal naman ito pala ang may-ari ng
“Sir, tumila na po ang ulan. Gusto niyo po bang tumuloy na tayo sa Isola Bella?” pukaw ni Luther kay Marco na noon ay nakatanaw sa bintana nang nakuha nitong silid sa resort. Nakaharap ang bintana sa may employee’s quarter ng resort. Hindi agad sumagot si Marco, nanatili lang na nakatanaw sa labas
Agad na nahindik si Paige sa sinabi ni Marco, sandaling naguluhan, napuno ng katungan ang isip.Bakit ito naroon? Paano siya nito nahanap? Talaga bang si Marco ang kaharap niya o imahinasyon lamang niya ang lahat ng ‘yon?“P-Paige, you’re pregnant. Are you pregnant with my child?” ani Marco sa hirap
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments