Isang gabi, nahuli ni Roxanne Guevarra ang kanyang asawa na si Jameson Delgado na nakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Hindi siya nagdalawang isip na hiwalayan ito ngunit papaano kung ayaw siya nitong bitawan? Nakahanap naman siya ng kakampi at iyon ay ang nakakatandang kapatid ng asawa, si Devon Delgado na tutulungan siyang makatakas ngunit hindi iyon magiging madali. *** "Bakit mo ba tinutulungan ang asawa ko? Balak mo bang agawin siya sa akin ngayong nagkakalabuan na kami?" Napangisi si Devon sa kabilang linya, "Hmm...hindi ako mahilig mang-agaw pero binibigyan mo ako ng rason na agawin siya sayo." Kumuyom ang mga kamao ni Jameson na marinig ang sinabi nito. "Subukan mo lang." "Why not? Kasi kung hindi ka magbabago, at patuloy mong sinasaktan si Roxanne, then prepare yourself. Mawawala siya sayo sa isang iglap." Babala ni Devon. "You can't do that to me. Maraming babae sa paligid na pwede mong pulutin pero si Roxanne, pag-aari ko 'yan. So don't you dare!"
view more"Saan tayo magkikita?" Tanong pa ni Devon."Pupuntahan na lang kita sa opisina mo pagkatapos ng trabaho mamayang gabi."Pagkababa ng tawag, huminga nang malalim si Roxanne, kinuha ang kanyang telepono at pumasok sa kwarto para maligo at magpahinga.Kinabukasan ng gabi, matapos ang trabaho sa laboratoryo, dumiretso si Roxanne sa pinaka-itaas na palapag para hanapin si Devon.Nauna nang nakatanggap ng utos si Secretary Kenneth, at nang makita si Roxanne, agad siyang lumapit. "Miss Roxanne, hinihintay ka na ni Mr. Devon sa opisina. Sasamahan kita.""Sige, salamat sa abala."Matapos samahan si Roxanne sa opisina, agad na umalis si Secretary Kenneth.Ibinaba ni Devon ang hawak niyang dokumento, itinaas ang paningin at tumingin sa kanya. "Umupo ka muna, lalapit ako pagkatapos kong pirmahan ito."Umupo si Roxanne sa sofa at naghintay ng ilang minuto. Tumayo si Devon mula sa lamesa at umupo sa tapat niya."Ano ang gusto mong pag-usapan natin?"Pinag-ipit ni Roxanne ang kanyang mga labi. "Pin
Walang nangangahas na magsalita sa company group, pero sa mga pribadong group chat na walang leader, sumabog ang balita.“Hindi ba ako namamalik-mata? Sinabi ni Mr. Devon na nililigawan niya si Roxanne?”“Ni ako hindi makapaniwala, pero ‘yon talaga ang nakasulat sa pahayag ni Mr. Devon.”“Nainggit naman ako…”May ilan sa mga matatagal nang empleyado sa Pharmanova na hindi napigilang magtsismisan.“Actually… ilang taon na ring bukas ang loob ni Mr. Devon sa kanya, pero nahulog siya noon sa dagat, at lahat akala patay na siya. Hindi inaasahang bigla siyang lilitaw ulit pagkatapos ng limang taon.”“OMG? So nagpalita lang siya ng pangalan. Nagulat ako nang una ko siyang makita, kasi halos kamukhang-kamukha nila. Posible kayang nagpa-retoke siya para lang magmukhang si Roxanne at akitin si Mr. Devon?”“Ewan ko rin, basta tayo, kain lang ng tsismis.”“Sige na, tama na ‘yan. Kapag kumalat ‘to, siguradong paninindigan ni Mr. Devon ang sinabi niyang may matatanggal sa trabaho kapag may nakiala
"Sumasakit ba ang tiyan mo? Hindi ka ba kumain ng hapunan?""Ang dami kong meeting kanina, sobrang naging abala ako kaya nakalimutan ko. Nangyari na rin ito dati, mawawala rin ito maya-maya."Nakita ni Roxanne ang walang pakialam na itsura ni Devon kaya siya’y napakunot-noo, "Paano mo nasasabi 'yan? Kung palagi kang ganyan, magkakaroon ka talaga ng sakit sa tiyan. May botika sa unang palapag ng kumpanya, bibilhan kita ng gamot para sa pananakit ng tiyan mo."Pagkasabi niyon ay mabilis siyang naglakad papunta sa elevator.Hinawakan siya ni Devon, tila ba walang magawa, "Ay huwag na, sanay na ako."Hinampas ni Roxanne ang kamay ni Devon at malamig na sinabi, "Anong sanay? Sanay sa pananakit ng tiyan? Kung hindi mo aalagaan ang katawan mo, lalo lang itong lalala."Nang hindi siya sumagot, bahagyang ibinaba ni Roxanne ang boses niya, "Hintayin mo ako ng limang minuto."Ngayon, hindi na siya pinigilan ni Devon, pero ang maitim niyang mga mata ay patuloy na nakatingin sa papalayong likuran
Sa pagbabalik nila, patuloy lang na nakatingin sa bintana si Roxanne, waring wala sa sarili at hindi alam kung ano ang iniisip.Ilang beses siyang tiningnan ni Devon, at sa huli ay hindi na ito nakatiis. “Anong problema? Naistorbo ko ba ang date mo kanina?”Lumingon si Roxanne sa kanya, saka ibinaba ang tingin. “Nakipaghiwalay na ako sa kanya.”Biglang prumeno si Devon, at sumayad ang gulong sa kalsada, naglikha ng nakakabinging tunog.Nagulat si Roxanne at dali-daling lumingon kay Lance sa likod. Nang makitang ayos lang ito, saka lang siya nakahinga nang maluwag.“Anong ginagawa mo? Paano kung mahulog si Lance sa upuan?”Tiningnan siya ni Devon at napakunot ang noo. “Bakit kayo naghiwalay?”Limang taon na silang magkasama ni Donovan, at sa mga nakaraang pagkikita nila, ramdam ni Devon na talagang mahal ni Donovan si Roxanne. Paano naging madali lang ang hiwalayan?Pumikit sandali si Roxanne at nagsalita, “Devon samin nalang ‘yun. Wala naman yata itong kinalaman sa’yo.”“Paano magigin
Dahil hindi niya talaga kayang mahalin ito, mas maayos nang umalis siya habang maaga.Tahimik lang silang dalawa. At parang nilamon si Roxanne ng pagka-guilty. Nasaktan niya ang taong walang pinakita sa kanya kung hindi kabutihan.“Roxanne, hindi mo kailangang ma-guilty. Kahit hindi tayo magkatuluyan, magkaibigan pa rin tayo. Yung nakaraang limang taon ay mahalaga sa’kin, ayaw kong basta nalang ‘yun itapon.”Isang malaking biyaya na nakasama niya si Roxanne at si Lance ng limang taon.Yumuko si Roxanne, ngunit namumula pa rin ang kanyang mga mata. “Donovan, I’m so sorry.”Habang mas mabait ito, mas nadaragdagan ang guilt na nararamdaman niya. Sana nga lang kaya niya itong mahalin.Napahinto si Donovan sa narinig, saka ngumiti at tumayo, “Tara na, ihahatid na kita pauwi.”Tahimik lang silang dalawa habang pauwi. Mabagal naman ang takbo ni Donovan, pero gaano man kabagal ang biyahe, may dulo pa rin ito.Pagdating sa tapat ng bahay ni Roxanne, lumingon si Donovan sa kanya at mahinang sin
Dahil makakasama na niya si Donovan, sinubukan talaga niyang seryosohin ito at alamin kung kaya ba talaga niyang tanggapin ito. Kung talagang hindi niya kaya, mas mabuting maghiwalay na sila agad, para na rin sa ikabubuti nilang pareho.Kinabukasan ng hapon, nakatanggap ng tawag si Devon mula kay Manang Lucille. “Sir, dinala po ni Miss Roxanne si Lance dito kanina.”Kalma lang ang ekspresyon ni Devon. “Sige.”Tahimik sa kabilang linya nang ilang segundo, saka muling nagsalita si Manang Lucille, tila may pagkaalangan. “Sir, hindi n'yo ba tatanungin kung bakit dinala ni Miss Roxanne si Lance ngayon?”“Ano bang meron?”“Narinig ko po kay Lance, manonood daw ng sine mamayang gabi sina Miss Roxanne at Mr. Donovan kaya dinala siya rito.”Napasingkit ang mata ni Devon at nagsalita sa malalim na boses, “Sige, naiintindihan ko. Salamat.”Pagkababa ng tawag, nag-isip siya sandali bago pinatawag si Secretary Kenneth.“Tingnan mo kung saan manonood ng sine sina Roxanne at Donovan, at bumili ka ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments