Papunta ako ngayon sa office ni Sir Denver ang boss ko at ang CEO ng Thompson Corporation, dahil balak kong mag-resign na sa trabaho, bago pa lang ako sa trabaho pero hindi ko na nais na tumagal pa. Puno ng galit ang kalooban ko at nasusuklam matapos malaman na siya ang dahilan kung bakit namatay si Kuya Simon.
Tumawag kanina si Kuya Steve, ibinalita niya sa akin ang nalaman niyang information sa kakilala niyang pulis tungkol sa pagkamatay ni Kuya Simon. Nakahanda na rin ang resignation letter ko. Nauna na rin kasi na umalis sina mama at kuya papuntang Bulacan sa probins:ya kung saan kami lumaki. At balak kong sumunod sa kanila. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. “Sir Denver, I'm going to resign,” sabi ko saka iniabot ang resignation letter. “Why? Did I do something wrong?” he asked. “Oo, malaki. Malaking malaki!” ani ko sa panggigigil na tono. "Tell me, what did I do for you to resign?" he asked, standing up from her seat. “Ikaw lang naman pumatay sa Kuya Simon ko 4 years ago!” Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. "What are you talking about?" he asked, confused. "I didn't kill anyone," he insisted firmly. “Huwag ka na magkaila, alam ko na ang lahat. Pati na rin kung paano mo ginamit ang kayaman mo para makatakas sa kasalanan mo!” nanggigil na saad ko. "Please, Sienna, I'll explain," he said, stepping closer to take my hand. “Wala ka na dapat ipaliwanag, hindi mo ako maloloko.” Kaagad kong tinabing ang kamay niya na papahawak sa akin. “Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay! Lalong lalo na ang mama ko, halos hindi na siya makapagtrabaho nang maayos. Hindi namin alam kung anong gagawin, kung paano hahanapan ng hustisya ang pagkamatay ni kuya. Dahil wala ni ina sa mga pulis ang nagpatuloy sa imbestigasyon.” Tuloy tuloy na luha ang pumapatak sa aking mga mata. “I'm sorry, I'm really sorry Sienna,” nakayukong saad niya. “Sorry!? Talaga ba!? Sa tingin mo maibabalik ng sorry mo ang buhay ng kuya ko!? Sa tingin mo mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kuya ko sa sorry na yan!?” nanggagalaiting tanong ko. “Hindi kita mapapatawad, hinding! hindi!” Sa taong tulad nito, wala kaming laban kung itutuloy pa namin ang kaso, dahil sa mayaman na meron siya para lang kaming basura na itataboy ng mga pulis. “Please Sienna makinig ka man lang,” pagpupumilit niya at hahawakan na naman ang kamay ko ng binigyan ko ito ng malutong na sampal. “Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!” inis na ani ko. “Kung ano man ang paliwanag mo o kasinungalingan na sasabihin mo hindi ako maniniwala,” ani ko. “Pare -parehas kayong mayayaman, pare-parehas lang ang tingin at trato ninyo sa aming mahihirap. Para sa inyo isa lang kaming basura na pwede ninyo itapon o tapak tapakan lang,” dagdag ko pa. Nagmamadali akong lumabas ng opisina niya, hindi ko na hinintay na magsalita siya. Hindi naman namin kayang ilaban pa ang kaso kaya kami na lang ang lalayo. Mas pipiliin ko pang bumalik sa Bulacan para roon lumugar, tutal naman doon kami lumaki. Natiis lang naming tumira sa bahay ng stepsister ni papa na ginawa lang kaming alipin. Dahil naman kay papa kung bakit kami nagkaganito kasalanan ng bisyo niya at nagkautang kami ng malaki. “Sienna, ano nangyari?” tanong sa’kin ni Faye nang makasalubong ko ito sa hallway. “Nagresign na ako, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa office ko,” tugon ko at iniwan na siya. Habang nagliligpit ako ng mga kagamitan ko. Bigla ako nakatanggap ng message sa hindi kilalang numero. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagliligpit ng mga gamit. Kailangan ko na makaalis sa lugar na ito. “Sienna, papasok ako ah.” Si Faye pala. “Sienna bakit ka nag-resign? Okay lang kung hindi mo sasabihin,” aniya at lumapit sa akin. “Faye, pwede pakibigay ito kay Mr, Denver. Hindi na kasi ako roon makakapunta sa office niya kaya ikaw na lang ang magbigay,” ano ko ay iniabot sa kaniya ay mga papers na kailangan ni Denver sa meeting niya bukas. “Per-” Kaagad ko siyang pinutol. “Pakiusap, Faye, nagmamadali kasi ako,” mahinahong saad ko sa kaniya. Tumango lang ito at lumabas na ng office. Akala ko ay mangungulit pa siyang malaman kung bakit ako aalis dito. Sana ay maging maayos siya rito. Binilisan ko na ang pagliligpit para makauwi na kaagad, mag-eempake pa ako ng mga gamit ko sa mansion ng evil tita ko. Hindi ko rin matiis na tumira pa roon nang matagal. Pagkatapos ko mag-ayos ay, ch-in-eck ko muna kung may naiwan ako ng makasiguradong ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng office ko. Pagkalabas ko ay nabungaran ko si Denver na nakatayo sa harap ng pinto, kanina pa ba siya rito? “Please Sienna-” hindi siya matapos ng magsalita ako. “Hindi mo na ako mapipigilan Denver, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kuya ko. Buhay niya ang nawala at hindi mo iyun maibabalik pa,” ani ko at nilagpasan na siya. Sumakay na ako ng elevator dala-dala ang mga gamit ko, hindi ko na siyang sumunod pa sa akin, mas mabuti na rin iyun. Habang palabas na ako ng building ay chineck ko ang nag-message. Hindi na ako nagulat sa nakita ko. Video ni Oliver na may ka-sex na babae, siya na ang ika-7 ni Oliver. Kaagad ko siyang t-i-next, ayaw kong magsayang ng laway o lakas para kausapin siya. *Love* :Mag -Break na tayo, sawa na ako sa paulit-ulit na panggagago mo sa’kin, magpakasaya ka sa babae mo. SENT Pagka-Send ng message ko ay kaagad ko siyang bl-in-ock. At inalis siya sa lahat ng account ko pati na rin mga larawan namin sa phone. Isa na lang siyang nakaraan, pangako ko sa sarili ko na hindi na ako maghahamal pa. Nakasakay na ako sa bus at papunta nasa mansion ng tita ko na isa pang salot. Makakaalis na rin ako sa bahay na iyun na puro kalupitan lang ang nakukuha namin.“Bibigyan kita ng 10 million, layuan at iwan mo si Denver,” saad ng tatay ni Denver habang marahan niyang inilalapag ang tasa ng kape sa mesa. Nakatitig siya sa akin—diretso, walang emosyon, pero mabigat ang tingin. Parang sinusukat ang halaga ko gamit lang ang mga mata niya.Sandali akong hindi nagsalita. Tinitigan ko lang siya pabalik, hinahayaan siyang makaramdam ng kabiguan sa kanyang unang hakbang.Matatag kong sinabi, “Hindi ko matatanggap iyang pera niyo.”He let out a short, dry laugh. “Of course you'd say that. At first.”Bahagya siyang yumuko, dumukot ng isang puting envelope mula sa coat pocket niya, at inilapag ito sa mesa sa pagitan namin. “How about one hundred million? That should be enough to make someone like you disappear quietly.”Tiningnan ko lang ang envelope. Hindi ko man ito nahahawakan, pero ramdam ko ang bigat ng laman. Sa tono niya, hindi ito offer—kundi utos na may pambalot na pera.Mas lalo akong tumatag. “Kahit gaano pa po karaming pera ang ialok ninyo, h
★Third Person POV★Pagkalipas ng tatlong araw mula nang nilagnat si Denver, bumalik na sila ni Sienna sa kumpanya. Tatlong araw na ring hindi umuuwi si Steve, kaya nag-aalala si Sienna sa kuya niya. Ni tawag ay hindi siya nakatanggap — ano kaya ang nangyari sa lalaking iyon?Gusto niyo bang malaman?Okay (✷‿✷)★The Day Steve Left★"Hindi ko na kaya. Kailangan kong ilayo si Sienna kay Denver," bulong ni Steve sa sarili habang nakaharap sa salamin. Nakasuot siya ng itim na jacket, seryoso ang titig, malamig ang mga mata.May damdaming matagal nang kinikimkim si Steve — damdaming bawal, damdaming itinago niya sa likod ng pagiging “kuya.” Ngunit ang totoo, alam niya ang katotohanan. At dahil alam niyang wala siyang kasalanan sa mata ng dugo, mas lalo siyang nauuhaw sa pagkakaroon nito.Hindi niya kayang makita si Sienna sa piling ng ibang lalaki, lalo na kay Denver. Nagbubuwag siya noon kay Oliver, pero ngayon — hindi na.Habang nag-iimpake ng ilang damit, bitbit ang determinasyon sa
“Paano ka gagaling kong hindi kaiinom ng gamot,” pagpupumilit ko sa kaniya.Nakaiwas pa rin siya ng tingin sa akin… ano bang meron sa gamot at ayaw niyang uminom.“Bakit ayaw mo bang uminom? Ano bang meron sa gamot,” Medyo naiinis na ako ah, kanina ko pa kasi siya pinipilit inumin itong gamot.“I don’t that,” he whispered.Napabungtong hininga na lang ako sa tugon niya. Kung ayaw niyang daanin sa pakiusap, wala na akong magagawa kundi gawin akong napanood ko sa k-drama.Tumayo ako saka humarap sa kaniya… okay, Sienna relax gawin mo na lang ito para kay Denver.Dahan-dahan kong inialis ang suot kong stinelas saka umakyat sa kama niya. Napalingon naman siya ng bigla ko na lang siyang patungan… baka kung may makakita man sa amin ay iisiping gagawa na kami ng anak.“Ahh,” pilit ko siyang pinapanganga.“Please, Sienna don't do that,” manihang sabi niya. Iniwas na naman niya yung tingin niya sa akin.Ang tigas talaga ng ulo niya oh, kahit na nanghihina na siya.Inilagay ko ang gamot sa bi
Tinulungan kong paupo si Denver at pinasandal sa malambot na unan na inilagay ko sa likod niya, para masimulan ko na siyang punasan. Pinatay ko muna ang aircon sa loob ng kwarto niya—giniginaw na nga siya, ayoko pang lumala ang lagay niya.“Denver, pupunasan lang kita ah,” mahinahon kong pagpapaalam. Tumango siya, bahagyang nakapikit, kita sa mukha niya ang pagod.Una kong pinunasan ang kanang braso niya, saka sinunod ang kaliwa. Marahan, maingat.“Sorry,” bulong ko habang pinupunasan ang kamay niya.“For what?” nanghihinang tanong niya, halos pabulong. Saglit akong huminto at tiningnan siya. Kalma lang, Sienna.“Kasi… inaya pa kitang maligo sa ulan,” sagot ko habang nakatingin sa mapupungay niyang mga mata—kahit may lagnat, nanatiling malalim ang kaniyang titig."It's okay," aniya, pilit na ngumiti. "Because I was with you under the rain."Napasinghap ako nang marahan niyang haplusin ang pisngi ko – at kahit nanginginig niyang kamay, ibang init naman ang dulot nito sa akin.“Papalita
★Third Person POV★Pagkatapos ng kissing under the rain na moment nila Denver ay napagpasyahan na nilang umuwi – giniginaw na kasi siya mas lalo si Denver.Habang pauwi ay hindi na nakapagsalita pa si Sienna… malalim ang iniisip at inaalala pa ang kanina lang na halikan nila ni Denver“Parang naramdaman ko na yung halik na gaya ng kay Denver… pero hindi si Oliver,” sabi ni Sienna sa isip niya – hay kung alam lang niyang si Denver ang first kiss niya.“Ay nako, Sir, Ma'am. Bakit basang basa po kayong dalawa,” Natatarantang lumapit si Manang sa dalawa na ginaw na ginaw para usisain pa sila.“Cara, kumuha ng dalawang tuwalya,” nagmamadaling utos ni Manang Lita. Kaagad naman siyang sinunod ni Cara.“Anong nangyari po sainyo?” tanong ni Manang. Iniabot niya sa dalawa ang tuwalyang kinuha ni Cara.“N-naligo po kami sa ulan,” giniginaw na tugon ni Sienna, balibhasa ay sanay na ito na maligo sa ulan kaya hindi siya magkakasakit.Habang si Denver naman ay pinulupot na sa kaniyang katawan ang
Dinala ni Denver si Sienna sa isang Coffee shop, bigla kasing umulan at mas masarap ang kape sa malamig na panahon.Tahimik lang silang dalawa, ni isa sa kanila ay hindi kumikibo… ano nangyari? Nakayuko lamang si Sienna dahil nakakaramdam siya ng pagkailang sa pagitan nila ni Denver – ano ba raw ang naisip niya at si Denver ang nahatak niyang isama?"You can tell me if something's bothering you," Denver cut through the silence. Nabibingi na kasi siya sa katahimikan na namamagitan sa kanila ni Sienna, gusto rin kasi niyang malaman ang nangyari sa kanila ng Kuya Steve niya. Iniisip niyang baka siya na naman ang dahilan ng pag-aaway nilang magkapatid.“Denver, seryoso ka ba sa akin? D-doon sa sulat?” mahinang tanong niya. Hindi na kasi siya mapakali at nalilito na rin siya sa nabasa niya sa sulat."What if yes? I mean it, I'm serious about you," Denver's words hung in the air, filled with conviction.Parang nabingi naman si Sienna sa mga narinig, bigla na lang kumabog ng mabilis ang di