Si Phoebe Concepcion ay isang babaeng nawalan na ng pag-asa. Matapos silang palayasin ng kanyang ama kasama ang kanyang ina at mga kapatid na babae, inakala niyang makakabuo pa rin sila ng isang payak ngunit masayang buhay. Ngunit nagkamali siya dahil sunod-sunod na trahedya ang nangyari sa buhay niya. Namatay ang kanyang ina dahil sa sakit na cancer at ang panganay na kapatid niya ay namatay dahil sa isang aksidente. Pakiramdam niya ay wala nang patutunguhan ang kanyang buhay, at ang tanging liwanag na lang na natitira ay ang bunsong kapatid niyang si Quila. Labis niyang kinamumuhian ang ama dahil mas pinili nito ang ibang pamilya kaysa sa kanila. Sa gitna ng kawalang pag-asa, nakilala niya si Darius Villarosa — isang lalaking wasak at walang-awang makitungo. Her late sister left a massive debt to Darius, and with no means to repay, he offers a cold solution: a marriage contract. Wala nang ibang pagpipilian si Phoebe. Desperado at walang matatakbuhan, tinanggap niya ang alok. The contract binds them, but will it also warm her heart, or will it shatter her completely? Sa pagitan ng dalawang taong parehong sugatan, may puwang pa kaya ang pagmamahalan o mananatiling malamig na kasunduan lamang ang lahat?
View MorePhoebe's POV
NAGLALAKAD ako sa gilid ng dalampasigan habang iniisip kung gaano kasakit ang nangyari sa buhay ko. Kakadrop ko lang mula sa school ko at kahapon lang naputol ang ugnayan ng mga magulang ko dahil hindi na raw nagkakasundo si mommy at si daddy. Sobrang sakit at wasak ang pakiramdam ko. Ayokong magkaroon ng pamilyang sirâ. Dati, masaya ako dahil buo kami, pero ngayon, alaala na lang lahat.
Miss na miss ko si daddy, pero nagdesisyon na siya at mas pinili niya ang bago niyang pamilya kaysa sa amin. Hindi ko mapigilang umiyak. Gusto ko na lang bumitaw para matapos na lahat ng sakit pero naiisip ko si mommy at ang kapatid ko. Ayokong madagdagan ang labis na kalungkutan nila. Ayokong masaktan pa si mommy nang dahil sa akin. Kaya heto ako, naglalakad nang mag-isa, nilalasap ang bawat hapdi ng alaala.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, pero si mommy, palaging sinasabi na kasalanan niya raw lahat. Na kung may nagkulang man, siya 'yun. Wala akong magawa kundi umiyak at maghinagpis. Miss na miss ko si daddy. Hindi ko mapigilan ang luha ko tuwing naaalala ko kung paano niya kami pinaalis — parang wala kaming halaga.
Sa bawat hakbang ko sa buhanginan, pakiramdam ko'y bumibigat lalo ang puso ko. Pero alam kong kahit gaano kasakit, kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong maging matatag para kay mommy, para kay Quila at para kay ate Ophelia.
[Flashback!!!]
"Bes, uwi na ako ah? Nandiyan na kasi si ate eh. Kung saan-saan kasi s nagsusuot eh, ingat ka," sabi ko.
"Thanks, Pooh for coming with me." Sagot ni Myla sa akin, ang aking kaibigan. Tinulungan ko siya dahil nakitawag siya sa phone ko.
"Phoebe, tara," sabi ni ate Ophelia. Tumango lang ako at umuwi na kami dala ang mga pinamili namin. Pagdating sa bahay, iniwan ko muna ang mga dala namin sa sala at umakyat sa kwarto para magbihis.
Pagkatapos magpalit ng damit, bumaba na ako para sana ayusin ang mga pinamili namin ni Myla kanina pero ibang eksena ang bumungad sa akin.
Paglapit ko, nakita ko sina Glyzza at Glydel, inaaway si ate Ophelia at hawak-hawak nila ang mga pinamili ko sa mall kanina.
"Eh ano ka ngayon, ha? Kahit ano pang gawin mo, walang maniniwala sa'yo! Kaya kung ako sa'yo, ibigay mo na 'tong skirt at jeans sa amin. Mas bagay sa amin 'to kaysa sa inyo ng kapatid mong musmos!" Sabi ni Glyzza.
Dahil sa galit, hinablot ko ang mga pinamili ko. Napaupo si Glyzza sa sahig dahil sa pagkabigla. Sakto namang dumating sina daddy kasama sina lolo at lola — ang mga magulang ni daddy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si ate naman, inayos ang sarili niya.
"Oh no, Glyzza darling! What happened?" Nagda-drama na tanong ni lola na parang artista. Sorry, pero wala akong galang sa kanya dahil wala rin naman siyang respeto sa mommy ko.
"Lola, iyong magaling niyo pong apo kasi, tinulak ako! Gusto ko lang naman yung skirt niya pero ayaw nilang ibigay. Maliit na bagay lang naman 'yun!" Reklamo ni Glyzza, halos maiyak-iyak pa. Maliit na bagay? Pinaghirapan ko ang perang binili nito. Para sa kanila maliit na bagay na iyon, pero para sa akin ay mahalaga ito dahil katas ito ng pagsisikap ko!
"You, you don't have to hurt my granddaughter!" Sigaw ni lola at tinangkang sampalin ako pero agad naman akong naka-iwas.
"Wala kang karapatang pagbuhatan ako ng kamay dahil kahit kailan, hindi ikaw ang nagpalaki sa akin, lola." Sabi ko nang mariin. Nagulat siya sa inasta ko pero mas nagulat ako. Hindi ko akalain na magagawa ko ito!
Alam kong mali ito at baka pagbayaran ko, pero tama na. Pagod na akong magpaapak. Bakit parang sila lang lagi ang tama? Bakit parang sila lang ang may karapatan sa lahat ng bagay? Wala na ba kaming sariling desisyon? Bakit kinailangan namin na sumunod sa kung ano ang gusto nila?
"Walang galang yang anak mo, Felix! Turuan mo 'yan ng leksyon!" Sigaw ni lolo. Akmang hahablutin ako ni daddy pero biglang tumayo si ate sa harap ko.
"Daddy! Ano ba! Uto-uto ka talaga!" Galit na sigaw ni ate. "Sasaktan mo si Phoebe? Ako na lang! Ako na lang ang saktan mo! Wag na wag mo siyang pagbuhatan ng kamay!"
Pero sa halip na si daddy ang sumampal ay ibang kamay ang dumapo sa kanyang mukha. Biglang sinampal ni Glyzza si ate at namumula ang pisngi niya.
"Wag mong bastusin sina lolo at lola! Atsaka wag mong pagsalitaan si daddy ng ganyan!" Sigaw ni Glyzza.
Parang nandilim naman ang paningin ko dahil sa ginawa niya sa ate ko kaya sinampal ko siya pabalik. Hindi ko na kaya. Hindi ko na iniisip kung nasa harap ko sila daddy o lola. Wala akong pakialam.
Pipigilan sana ako ni daddy pero pinagpalo ako ni lola gamit ang baston ni lolo. Masakit, pero hindi pa rin ako tumigil.
"Stop it, Phoebe!" Sigaw ni daddy.
Nabigla ako sa lakas ng boses niya. Unang beses niya akong sinigawan ng ganito. Dati kahit hindi ko nararamdaman ang pagmamahal niya, kahit papaano ay nirespeto ko siya. Pero ngayon, parang gumuho ang lahat.
"Daddy..." umiiyak si Glyzza at niyakap si daddy. Niyakap naman ito ni daddy. Iyon dapat ang ginagawa niya sa amin ni ate — hindi sa kanila.
"Kapal ng mukha mong tawagin siyang daddy! Kami ang totoong anak at hindi kayo ng kapatid mo!" Sigaw ni ate, nanginginig na sa galit.
"Enough, Ophelia! Glyzza and Glydel are your sisters. Kahapon lang naming nalaman. Nagpa-DNA test kami, and it's positive!" sabi ni daddy.
Parang tumigil ang oras. Mga kapatid ko sila? Kaagaw ko na nga sa lahat, pati ba naman sa ama ko?
"Dad, I want those skirts and jeans," pabebeng sabi ni Glydel.
"No," sagot ni ate, matigas ang boses.
"Ano'ng nangyayari dito?" Boses mula sa likod. Si tita Rochelle, ang unang pag-ibig ni daddy. Nakita ko kung paano niya hinalikan si daddy sa mga labi nito at sa harap pa talaga ng lahat. Napakasakit. Bakit niya hinahalikan si daddy sa mga labi nito?
Paano na si mommy? Kabit ba siya ni daddy?
Hinila ni tita Rochelle ang buhok ni ate. Nakita ko kung paano siya napaiyak. Hindi ko na napigilan at itinulak ko si tita. Tumama siya sa sahig, pero hindi ko na pinansin pa. Sawa na akong magpakumbaba.
"Anong ginagawa mo sa tita mo?!" Galit na tanong ni lola, taas ang baston. Pero bago niya ako mapalo, isang pamilyar na tinig ang narinig ko.
"Stop it, mama! Please, huwag ang mga anak ko!" Si mommy. Nangingilid ang luha niya habang naglalakad papunta sa amin. Agad naman namin siyang pinuntahan at niyakap."Walang kwenta ang mga anak mo, katulad mo!" Sigaw ni lola.
Pinilit ni mommy na manatiling matatag. Lumapit siya kay daddy. "Felix, mamili ka sa amin ngayon din. Ako o si Rochelle?" Nanginginig ang boses ni mommy.
Hindi nagsalita si daddy.
"Sabi na nga ba," bulong ni mommy, luhaang bumaling sa amin. "Aalis na tayo, anak."
Nang gabing iyon, iniwan namin ang bahay na iyon — isang impyernong akala namin ay tahanan.
“Samahan mo muna ako sa study room, doon tayo mag-uusap.” Sabi niya sa seryosong boses. Nagpunta kami sa study room niya. Kami lang dalawa ang naroon. Nakatayo lang ako habang siya naman ay umupo sa upuan niya. Hinihintay kong siya ang unang magsalita.“Magkano ang kailangan mo?”Pumantig ang tainga ko dahil sa klase ng tanong niya. “Hindi ko kailangan ng pera mo!” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pa bumalik dito kung ganun?” Inikot ko ang aking mga mata. “Gusto kong matahimik ang buhay ko! Pakisabihan ang anak mo na tigilan na niya ang paninira sa buhay ko. Wala naman siyang makukuha sa akin,” sabi ko sa kanya. “Gusto kong mamuhay ng tahimik at payapa.”Saglit siyang natahimik. Siguro hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.“Kung ayaw niyo akong paniwaalan, eh di huwag. Nasa inyo na ‘yun. Tutal, sa simula pa lang, mas pinpanigan niyo naman siya kaysa sa akin. Nasanay na ako, pero umaasa pa rin ako na sa pagpunta ko rito ay ititigil na niya ang mga kabaliwang ginawa niya para masira ako
“Ano ang ginagawa natin dito?” Nagtataka na tanong ni Myla. Nasa harap kami ng mansyon—mala-impyerno na mansyon nila ni daddy. “May kakausapin lang ako.”Lumapit ako roon sa may gate at may nakita akong guard.“Good morning ma’am, ano po ang kailangan nila?” tanong nito. Mukhang bago lang siya rito. Siguro kakasimula niya pa lang sa trabaho.“Nariyan ba si Felix Concepcion?” tanong ko sa kanya.Tumango ito. “Nasa loob po,” sabi nito. May kinakausap ito sa radyo na dala-dala nito bago ‘yun ibinaba. “Pasok daw po kayo.” Sabi niya.“Dito ka lang sa labas.” Sabi ko kay Myla. Hindi ko siya papasukin at baka ano pa ang mangyari sa kanya sa loob kasama ako. Ako ang sumugod, alam kong hindi nila palalampasin ang pagpunta ko rito, lalong-lalo na si tita Rochelle. “Pooh,” kalabit ni Myla sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa damit na suot ko. Nang tingnan ko siya sa mata ay umiling-iling pa siya. Wala akong balak manggulo. Gusto ko lang silang kausapin lahat na tigilan na nila ako at ang p
Paglipas ng maraming araw, wala pa ring pagbabago sa buhay ko. Hindi rin ako tinigilan ni Glyzza at ni Glydel. Pinapahiya pa rin nila ako. Sinikap ko rin na aliwin ang sarili ko sa ibang bagay at baka ano pa ang magagawa ko sa manyakis na Campus Director na ‘yun. Baka mapatay ko siya nang wala sa oras.Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho para magkaroon din ako ng sarili kong pera. Kasama ko ngayon si Myla.Gusto niya sana akong tulungan na makapasok sa kumpanya nila pero ayaw ko.“Teka lang Pooh, kain muna tayo.” Reklamo nito. “Gutom na gutom na ako.” Dagdag pa nito.Bakit pa kasi sumama? Hayst!Napailing na lang ako. Ang sabi ko sa kanya ay ako na mag-isa ang maghahanap dahil kaya ko naman, pero ang tigas ng ulo niya. Gusto niya talaga akong samahan, kaya hinayaan ko na lang.At least, may nakakausap ako. Huminto muna kami sa isang restaurant para kumain doon. “Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin ang tulong na alok ko? Kung sa kumpanya ka namin magtrabaho, hindi ka mahihi
WALA akong balak pumunta sa campus ngayon. Pagod na pagod ang katawan ko, pero maaga akong ginising ni Manang Lita.Hinahanap daw ako ni Darius. Bumaba na ako at sinabayan siya sa pagkain. “Bakit hindi ka pa nagbihis? Wala ka bang balak pumunta sa eskwelahan?” Tanong niya.“Pwede bang humingi ng pabor?”“Answer my damn question!”“Ayaw ko nang bumalik sa unibersidad na ‘yun!” Sabi ko. Pinipigilan ko ang sarili ko, na huwag magalit pero hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tinignan ng maigi. Parang pinag-aralan ang bawat galaw at reaksyon ko.“Ibalik mo na lang ako roon sa pampublikong unibersidad, gusto kong doon na lang ako magtatapos ng pag-aaral.” Sabi ko sa kanya.Nakikita ko kung paano gumalaw ang panga niya. Mukhang hindi niya magugustuhan ang sinabi ko. “Wala akong pera pambayad sa—”“You’re my wife. You weren't bad at all, so I guess that's the only thing I could do for you. Ang bigyan ka ng magandang kurso para magkaroon ka ng magan
HABOL ko ang hininga ko nang makalabas ako at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Myla. “Bes,” tawag niya pero hinila ko siya palabas doon. “Okay ka lang?” Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa nangyari. Kung hindi dumating ang babaeng professor, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin.Hindi ko kayang isipin ang pwedeng mangyari sa akin. Nagpapasalamat ako dahil walang nangyari pero… paano kung walang dumating? Paano kung… paano kung hindi ko siya kayang labanan talaga? Ano’ng mangyayari sa akin?Muntik na niya akong magahas. Muntik na.Hindi ko namalayan na bumigay na pala ang mga tuhod ko, mabuti na langa t mabilis akong nahawakan ni Myla. “Hey, hey, anyare sayo?” tanong niya. Nakalabas na pala kami ng campus.Hindi ako makapagsalita agad dahil sa gulat ng mga nangyari kanina. Parang panaginip lang ang lahat pero alam ko sa sarili kong totoo ‘yun. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Uuwi na ako, bes.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit ka naman uuwi? May klase
Nang pumasok ako sa eskwelahan isang umaga, isang magandang balita ang ibinalita ni Myla sa akin. Isa ako sa mga napabilang sa Dean’s List, ika-lima ako. Hindi ako makapaniwala.“Yey! Hindi nasasayang ang lahat ng efforts mo.” Sabi nito.Masaya ako. Masayang-masaya ako.Mommy, Ate Ophelia at Quila, para sa inyo ito. “Number 13 ang evil fake sister mo.” Hindi nakaligtas sa akin ang pag-ikot ng kanyang mata. “Pwede mo bang pakikuhanan ng picture ‘yan? Gusto ko lang ipa-print at laminate para dalhin sa puntod nila mommy at Ate Ophelia.” Sabi ko.“Sure. teka lang.” Sabi nito. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para kunan ng litrato ang resulta ng exams. Ang laki ng porsyento ng agwat namin ni Glyzza.Thank you, Lord. Masaya ako sa araw na ‘yun. Ngunit ang saya na aking naramdaman ay agad na napalitan ng isang delubyo paglipas ng ilang araw, nang ipinatawag ako sa opisina ng Campus Director namin. “Ano kaya ang kailangan sa’yo ng Campus Director, ano?” tanong nito. Hindi ko r
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments