Pagkatapos ng tatlong taong pagpapakasal, Ryah Zovee realized her husband, Grayson Kai Sandoval, true priorities lay with his first love, Zoe Klein. Hindi maramdaman ni Ryah ang pagpapahalaga sa kaniya ni Grayson kahit sa family gathering o business magmula noong dumating si Zoe. Tanging kay Zoe siya nakatuon. Isang araw ay sinabi ni Grayson na si Zoe ang dapat mamahala sa kumpanya at siya ang may karapat-dapat sa posisyon kaysa kay Ryah. Dahilan iyon para masaktan siya ng lubusan at gumawa ng desisyon na umalis. “Kaya kong buhayin ang anak ko. Our paths have diverged, and it's best if we part ways.” Pagkatapos ng maraming taon, binago ni Ryah ang kaniyang pamumuhay. Mabilis siyang umangat sa kaniyang negosyo at nagkaroon ng koneksiyon sa iba't ibang tao, lalo na sa isang CEO na siyang may-ari ng pinakamalaking kumpanya. Kalaunan, biglang dumating si Grayson na humihingi ng kapatawaran. Bumungad sa kaniya ang nagtatanong na si Ryah. “Para saan pa? Grayson? ” Ngunit hindi inaasahan ay dumating ang CEO, claiming Ryah and their daughter as his own. "You're too late," the CEO declared, his possessiveness unmistakable. "She's mine, and I'll do whatever it takes to keep her and our daughter safe." Mapapatawad nga kaya ni Ryah si Grayson? O mananatili nang sarado ang puso ni Ryah para kay Grayson dahil sa pagkakamaling nagawa nito?
view moreSa araw ng libing ng kanilang lolang si Mrs. Sandoval, si Ryah Zovee, bilang unang manugang ng pamilyang Sandoval, ay dapat na pumunta sa harap upang magbigay galang at pakikiramay sa kanyang asawang si Grayson Kai Sandoval.
Gayunpaman, hindi siya pinapansin ni Grayson, tanging malamig at walang emosiyon itong nakatingin. Ang kanyang anak naman na babae ay abala sa paglilibang sa kanyang mga laruan na tila gumaganap ng isang press conference para sa kasal. Maraming mga bisita ang dumating upang magbigay ng kanilang pakikiramay, magkabilaan pa rin ang dumadaang mga tao. Hindi alintana ang mainit na panahon sa Pilipinas. Mayroong mga kilalang tao na galing sa politikal, business circle at pati na rin media ang dumalo. Maraming nagkikislapang liwanag upang kumuha ng litrato at matunghayan ang eksena para sa isang yumaong kilalang tao. Samantala, si Ryah Zovee ay hindi mapigilang malungkot ng subra at hindi mapigilang mailabas ng labis ang hinagpis na nararamdaman. Noong nabubuhay pa si Mrs. Sandoval ay dama niya ang pagmamahal nito. Noong siya ay nagdadalang tao, lagi itong pinagluluto ng mainit na sabaw na makakatulong sa kaniya upang mapangalagaan ang pagbubuntis. Sa tuwing nagkakasakit si Ryah ay lagi siyang inaalala at kinakamusta nito. Ang kaniyang anak na si Ruby ay dumaranas ng sakit na autism, sa kabila nito ay minamahal ng matandang si Mrs. Sandoval si Ruby at pinaparamdam ang kasiyahang mabuhay sa mundo. Ngayon ay pumanaw na ito ay labis siyang nakaramdam ng lungkot at halos hindi na mapigilang tumulo ang mga luha. Nagkataon pang sa oras na ito ay tinataboy siya ng kaniyang biyenan na si Lestia. Siya ay pinaalis sa posisiyon ng mga kamag-anak. Habang ang iba ay may inis na sinabing, “Just take good care of Ruby, Hindi ka na kailangan pa rito.” Na para bang itinataboy at hindi siya kabilang sa pamilya. Palihim na napabuntong hininga si Ryah at lumingon sa paligid. Pagkatapos, nakita ng kaniyang mga mata, si Grayson Kai nang diretsong nakatingin sa harap ng mourning hall, nakasuot ng purong itim na suit at isang itim na cashmere coat, dahilan para makaramdam ng lamig ang mga tao at manatili sila sa malayo. Walang ekspresyon ang kanyang perpektong mukha, maliban sa kanyang magagandang matang sumisigaw ng hinagpis, na tila ba'y isang malamig ngunit maaraw na panahon na may bahid ng ulan. Nabago ang lahat ng ito dahil sa pagdating ni Zoe Klein Russo, isang hindi inaasahang bisita. May halong pagtataka ang mukha ni Ryah habang nakatingin dito. Agad sinamahan ni Grayson si Zoe at ang batang kasama nito upang magbigay ramay sa matandang si Mrs. Sandoval. Ang kaninang mukha ni Grayson na malalalim na matang may halong lamig ngayo'y nahahaluan na ng lambing. Sa hindi kalayuan naman ay may mga mediang hindi nakakaalam na nagbubulungan, “Iyan ba ang binabanggit nilang si Miss Sandoval? They look good together, kahit ang young master ay hindi nagpapahuli.” “Ms. Sandoval rarely show her face. May mga rumors sa labas na hindi siya puwede sa publiko. Ngayon ay parang hindi na ako maniniwala sa mga rumors, halata namang gusto niya ring magpakita sa mga tao. Mr. Grayson has a beautiful woman hidden in his golden house. Tingnan mo sa tinginan palang nilang dalawa halatang may malalim silang nararamdaman sa isa't isa.” May halong tuwa na sabi nito. “Bilisan mo at kumuha ka pa ng ilang pictures. It's a rare picture of them together. Siguradong pag-uusapan ito ng marami.” Pagaapura pa ng isa at nagtuloy tuloy sa pagkuha ng mga litrato. Hind nagtagal, ang isang guest ay lumapit sa kanila para paalalahanan ang mga ito sa kung ano ang kaniyang nalalaman. "That's not Ms. Sandoval, tingnan niyo ang nasa pintuan." Makahulugan nitong sabi. Saglit silang nagtinginan. Naroon si Ryah Zovee. Ibinalik nila ang nagtatanong nang mga mata sa isang guest na inayos ang neck tie. “Ha? Bakit hindi siya tumatabi kay Mr. Sandoval at nakatayo lang siya riyan. Kung gano'n sino ang babaeng kararating lang?” Tumikhim ito saglit bago magsalita. “Siya raw ang first love ni Mr. Sandoval, She's Zoe Klein. She went abroad a few years ago and has a high status. Ngayon ay umuwi siya rito sa Pilipinas para buksan ang sarili niyang kumpanya.” Gulat man ay tumango na lamang ang mga media. “I heard that it was Ryah or I should say Miss Sandoval who relied on old Mrs. Sandoval's love at pinilit niyang pakasalan si Mr. Sandoval, dahilan para masira ang relasiyon nila ni Ms. Zoe.” Umiling iling pa ito pagkatapos. “A mistress is in power? No wonder, hindi siya katanggap tanggap at pinalayas. Ngayon alam ko na ang dahilan.” Singit ng isang bisita. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagsimula na silang tumingin kay Ryah na may halong panghuhusga at malalagkit na tingin, tila dismayado sa narinig. Narinig ni Ryah ang kanilang usapan at hindi napigilang mahiya. Napayuko na lamang siya at kunwaring walang narinig. Sa kaniyang loob ay ayaw niya ring magdahilan sa isang katutuhanan. Sa katunayan, ay ang matandang si Mrs. Sandoval talaga ang nagpadali at nag-isip ng kasal nila ni Grayson. Ilang taon na rin ang nakalilipas, si Grayson Kai Sandoval ay nakaranas ng isang car accident na dahilan para siya ay manlumo at magdusa dahil sa disable legs. Ang matandang si Mrs. Sandoval ay hinire si Ryah upang alagaan ang pinakamamahal niyang apo na si Grayson. Ginawa ni Ryah ang lahat upang tuluyang gumaling si Grayson at binigyan niya ito ng lakas ng loob, dahilan din ito para mas lalong nahulog ang loob niya kay Grayson. Nang gabing gumaling si Grayson ay nagdaos ang pamilyang Sandoval dahil sa tuwa. Si Grayson ay lasing noong panahong iyon habang hawak si Ryah at sumisigaw ng, “Zovee, Zovee!” Dahil sa nakaramdam ng kakaibang tuwa si Ryah ay buong buo niyang ibinigay ang katawan at kaluluwa para kay Grayson. Nang maglaon ay nagkaroon ng pagkakataon na siya ay magdalang tao at ikasal kay Grayson na siyang kahilingan ng matandang si Mrs. Sandoval. Ngayon, si Ruby ay nasa tatlong taong gulang na, at ito rin ang unang pagkakataon na marinig niya na may first love si Grayson, wala siyang ideya na nagkaroon ng first love si Grayson. Saglit na napatitig si Ryah habang napapaisip. “Zoe Klein?” tanong niya sa sarili. Biglang nakaramdam ng pagtataka at pag-alinlangan si Ryah. Bahagya siyang napakagat sa kaniyang labi habang iniisip ang nakaraan. “Noong lasing siya. Zovee ba talaga ang binanggit niya o Zoe?” Mahinang bulong sa sarili at dahilan para siya ay bumuntong hininga. Sa kabilang banda, napataas ng kilay si Grayson, sa wakas ay napansin din si Ryah. Nakita niya si Ryah na nakatayo sa tabi ng pinto na may mukhang nag-aalala at may malalalim na iniisip. Agad siyang naglakad palapit dito. “What are you doing?” Bahagyang nagulat si Ryah, sumalubong sa kaniya ang seryusong si Grayson. Hindi ito isang tanong, isa itong pagsuway at pagbabanta ang tuno. “A lot of media are here today. Take good care of Ruby. I don't want anything to go wrong at grandma's funeral.” May halong diin at pagbabanta ang sabi niya. Tila walang pakialam sa mga narinig at walang balak kampihan si Ryah. Maging ang kaniyang mata na kanina lang ay may bahid na ng pagka-amo ay ngayo'y muling nanlamig at walang emosiyon. Walang ibang nagawa si Ryah kung hindi ang tumango na lamang at ayusin ang sarili. Pilit iniintindi ang nangyayari at isinasawalang bahala ang mga narinig. Nakaramdam ng kakaibang lamig si Ryah habang nakatingin sa kaniya. May mga tanong siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano. Naging mabuti sa kaniya ang matandang si Mrs. Sandoval at naisip na hindi talaga iyon ang panahon para pag-uusapan ang bagay na bumabagabag sa kaniya. Ibinaba ni Ryah ang tingin at umiling nalang, dinala na lamang niya si Ruby sa lounge ng kamag-anak sa labas mourning hall. Sa kabilang banda, napakunot ng kaunti ang noo ni Grayson, tila hindi nasiyahan dahil walang sinabi si Ryah. Pagkatapos ng ilang segundo ay nabalik siya sa kaniyang sarili. Bumalik siya sa dati niyang posisiyon—katabi si Zoe na namumula na ang paligid ng mata dahil sa kakaiyak, nagmistulang kaawa-awa. Inabot ni Grayson ang kaniyang panyo kay Zoe. Mas lalong naging dahilan upang pag-usapan sila ng mga tao. Ang paraan nang pagsasama nilang dalawa ay talagang hindi tama. Literal na sa kanilang dalawa lamang nakatingin ang mga tao kaya walang nakapansin sa batang lalaking kasama ni Zoe na tumakbo palabas. Sa labas, napapabuntong hininga si Ryah, hinawakan niya sa braso si Ruby na patuloy pa ring nakalubog sa kalungkutan. Nang biglang, bumukas ang pintuan at tinulak ito nang malakas dahilan para makagawa ng ingay. Nanginig si Ruby dahil sa gulat at takot na agad namang pinakalma ni Ryah. Ang anak ni Zoe na si Keihro ay mayabang na lumapit sa harap ni Ruby. Mula ulo hanggang paa niya ito na tininggan na parang nanghuhusga. “I know you,” ani niya na may ngisi sa labi. “You are Father Grayson's daughter, right?” “Balita ko may problema ka sa utak? Totoo ba?”NANG makaalis si Ryah ay kinuha na ni Zoe ang lahat ng kaniyang gagawin at sinimulan ang kaniyang trabaho. Ang gusto niya'y maipakita sa mga tao ang kaniyang galing sa pag aasikaso ng mga trabaho at kung gaano niya kadaling magagawa ito ng tama. Ang kaniyang nasa isip ay ang paghangang tingin ng mga tao para sa kaniya.Ngunit ng masimulan niya na ang trabaho ay nagkanda gulo gulo ang mga data at kailangan niyang gawin. Nang ma-kontak niya ang kumpanya ay nalaman niyang dahil sa kompletong pag-turnover, hindi niya nagawang kontrolin ng maayos at may mga kulang ito na dapat gawin. Dahilan para maraming control rights ang siyang na block din.Napatigil siya at saglit na napaisip, nagbago ng kaunti ang ekspresiyon ni Zoe. Naalala niya na may gusto siyang sabihin at tanungin kay Ryah ngunit mas pinili niya na lamang na manahimik at paalisin si Ryah, pinili niya ang mainis kay Ryah. Dumilim ang kaniyang mukha at napadabog dahil sa nangyari. Napahawak siya sa kaniyang buhok.“They should not
“Does he really think I'm joking? What if he's using our daughter to play tricks. Ginagamit niya rin ba si Ruby para maiwasan ako?” Napapailing iling nalang si Ryah sa kakaibang naisip. Ngunit, sa puso niya'y may nararamdaman siyang lungkot at pagkadismaya.“Ruby, anak. Calm down okay? Nandito lang si mommy. Mommy can do everything for you without daddy, mommy would never leave you.” Niyakap niya ang kaniyang anak at marahang hinaplos ang likurang buhok nito. “Mabubuhay tayo ng wala siya. We can start a happiest life without him.” May diin na pagkasabi niya habang unti unting namuo ang kakaibang galit sa kaniyang puso.Hindi nag tagal, dahil sa kaniyang pag-aliw ay unti-unting umayos ang pakiramdam ni Ruby. Nawala na ang kaniyang panginginig at mukha niyang kanina'y alalang alala at may hinahanap.Hindi na sila nagtagal sa amusement park, nang tuluyan ng kumalma si Ruby ay inaya niya na itong umuwi.—Kinabukasan ng umaga at pumunta si Ryah sa company gaya ng sinabi ni Grayson. Ang s
Napakibit balikat nalang si Ryah at niyaya na si Ruby sa isang palaruan. Ang biniling ticket ni Ryah para sa forest tracking project ay dinala niya. Ang event ay isa ring palaruan kung saan maaari kang makahanap ng mga kayamanan o kaya premyo sa pamamagitan ng musika o ibang bagay. Ang dahilan ni Ryah sa pagbili ng ticket ay upang maisanay si Ruby sa kakayahan ng kaniyang pag-iisip. Alam ni Ryah namakakatulong ito kay Ruby dahil para na rin itong treasure hunt.Hindi nagtagal ay inaya na ni Ryah ang anak para pumasok. Nakipaglaro saglit si Ryah kay Ruby upang mawili ito. Sa una ay may kaunti pang takot si Ruby dahil sa bago sa kaniyang paningin ang lugar.Ngunit dahil sa matiyaga niyang pangwiwili ay unti unting nawala ang takot ni Ruby. Napahinga ng maluwag si Ryah at napangiting tinitignan ang anak na naglalaro habang wala siya sa kaniyang tabi.Nakasunod lamang sa likuran si Ryah habang naghahanap naman ng clue si Ruby ng mag-isa. Maya-maya pa'y may mga batang lumapit kay Ruby na
Sa gabing malamig, habang nakatulala si Ryah sa isang sulok at malalim ang pag-iisip ay siyang pagdating ni Grayson. Sinulyapan niya itong papasok sa loob ng kanilang bahay. Napairap na lamang siya ng palihim dito.Kaswal namang ipinatong ni Grayson ang nasa braso niyang suit jacket sa isang sofa nang makapasok ito. Ang dalawang butones ng kaniyang pulo ay nakatanggal.Naamoy naman kaagad ni Ryah ang pabango na hindi pamilyar sa kaniya nang makalapit ito. Bahagyang napaduwal si Ryah. Naisipan niyang aalis na sana ngunit biglang nagsalita si Grayson habang nagsasalin ito ng tubig sa baso.“Ruby's condition has been unstable recently. Please vacate your laboratory. Marami pa akong kailangang dapat gawin. From now on, you just need to take care of her.” Napalingon si Ryah dito ng nagtataka. Tila hindi naintindihan ang sinabi.Bago pa man siya makapagsalita ay muling nagsalita si Grayson. “The Sandoval family and the Russo's family have reached a strategic cooperation. To show my sincerit
Pabugang huminga ng malalim si Ryah, kumuha siya ng tasa saka ito nilagyan ng maligamgam na tubig at inaya si Ruby na uminom na ng gamot.Binuhat niya si Ruby at napagpasiyahang sa kuwarto na ito painumin. Pagkaupo, saglit niyang tinignan ang mga pills na may pagtataka. May nararamdaman siyang mali sa mga gamot na hawak niya.“This smell. . . why does it smell so much like a sedative,” sabi niya at inamoy ito ng mabuti. “Yes. More like it!”Nagbago bigla ang ekspresiyon ni Ryah. Kumunot ang kaniyang noo. “Kung ang gamot na 'to ay talagang pampakalma, Then, ito ang dahilan kung bakit laging kalmado ang pakiramdam ni Ruby pagkatapos ng treatment—” napatigil siya saglit at may naisip. “Then it's making people feel that her treatment is very ‘effective’!” Gulantang niya.Mabilis na nag-uunahang tumibok ang kaniyang puso. Hindi niya malaman kung paano na ang gagawin. Dahil kung totoo man ang nasa isip niya ay nagsisimula na siyang kabahan.“Hindi pa gano'n kalala ang kalagayan ni Ruby na k
Habang pinagmamasdan kung paano sigawan ni Ailyn si Ruby ay mas lalo lang napasimangot si Ryah. Hindi niya nagugustuhan ito, natatakot ang bata, hindi na siya nakapag timpi pa at tinanong ito.“Doctor Ailyn. Sa tagal mo nang ginagamot si Ruby, bakit parang wala pa ring epekto?” Natanong ni Ryah.Si Ailyn naman ay parang natapakan ang buong pagkatao dahil sa narinig. Nanlilisik ang mata niyang tinignan si Ryah. “Ikaw ba ang psychologist dito o ako? Baka nakakalimutan mong si Mr. Sandoval ang nag hire sa akin. What qualifications do you have to question me?” Puno ng pagkairitang sabi nito.Hindi nagpatinag si Ryah. “Ayaw ko sanang tanungin 'to, but Ruby's condition hasn't improved at all. Bilang isang Ina hindi ba dapat ako ang magtanong? Propesiyonal ka ba talaga?” Nakaramdam ng pangmamaliit si Ailyn. Mabilis siyang tumayo at itinuro ang pasyente. “Ryah, kung ganiyan ang iniisip mo na hindi ako propesiyonal, sa iba ka humingi ng tulong. I won't treat this disease! Pero pinapaalala ko
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments