⚠️ WARNING ⚠️ 🔞 ||R-18, SPG|| 🔞 Dahil sa kataksilan ng boyfriend ni Canna Villegaz. Mag-isang nagtungo sa bar ang dalaga. She drinks a couple of drinks which led to her being tipsy. Ang kanyang papunta sa bar ay nauwi sa mainit na kagabi kasama ang lalaking hindi niya makilala dahil sa kanyang kalasingan. Kinaumagahan, nagising na lamang siyang katabi ang Boss, si Azrael Cervantes. Tinakbuhan niya ito bago pa man magising at makita siya. Ngunit kaagad din itong agad nakagawa ng paraan para hindi siya tuluyang makatakas. Pinipilit ng kanyang Boss na panindigan ang nangyari sa kanila. Nagtagumpay naman si Azrael sa kanyang plano. Ngunit nang mangyari ang hindi inaasahang trahedya, lahat ay biglang nagbago. Kinasusuklaman na siya ni Azrael at pinagbibintangan sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Pinili niyang layuan ang lalaking natutunan niyang mahalin sa maikling panahon upang hindi madamay ang bata sa kanyang sinapupunan. But fate is cruel and stubborn. When their paths cross again, Azrael meets the daughter he never knew existed. Secrets unfold. Old wounds reopen. Makayanan niya kayang harapan ang galit ni Azrael? Paano kung ang tingin ni Azrael sa kanya ay isa na lamang babaeng nagpapainit ng gabi nito? Hanggang saan niya kayang magsakripisyo?
View MorePrologue
"Ang lalaking ‘yon talaga…" napailing ako habang marahang isinara ang pinto ng condo ni Rave. Nakakapagtakang nadatna kong bukas ang pinto. Palaging nakasara ‘yon kahit alam kong nasa loob siya. Palagi siyang maingat, paranoid pa nga minsan. Pero ngayon, parang may kakaiba. Tatlong araw na siyang hindi nagparamdam. Hindi sumasagot sa tawag ko, hindi nagri-reply sa mga messages. Kahit sa mga kaibigan niya, wala ring makapagbigay ng sagot sa akin. Hindi daw nila alam kung saan siya. Kaya napagdesisyunan kong puntahan na lang ito sa kanyang condo. Tahimik ang buong unit habang umaakyat ako ng hagdan. Walang tao sa sala. Pero habang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan, may narinig akong tunog mula sa kwarto. Napahinto ako saglit. Kinabahan. “Rave?” mahinang tawag ko. Pero walang sumagot. Napakabilis ng tibok ng puso ko habang tinutungo ang pinto ng kanyang silid. Nanginginig ang kamay kong humawak sa door knob. Sana mali lang ang kutob ko. Pero pagkapihit ko ng seradura, tuluyan nang bumagsak ang mundo ko. Nakita ko si Rave. Nasa ibabaw siya ng babae. Hubad. Pawisan. Nanigas ako sa kinatatayuan. “R-Rave…” Napalingon siya sa akin at gulat na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita akong nakatayo sa pinto. “Fvck!” Mabilis siyang napatayo at nagtaklob ng kumot habang ang babae ay nagtatakip din ng katawan. Hindi ko na kinaya. Pakiramdam ko ay parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Padabog kong isinara ang pinto at halos talunin ko ang mga hagdan pababa. “Canna, wait!” sigaw niya, hinahabol ako. Ngunit bago ko pa mabuksan ang pinto palabas, naramdaman ko na ang mahigpit na hawak niya sa braso ko. “Bitawan mo ako!” sigaw ko, hinablot ko ang braso mula sa kanya. “Huwag mo akong hawakan, you fvcking cheater!” “Please, pakinggan mo muna ako—” “Ang kapal ng mukha mo, Rave! Pumunta ako dito kasi nag-aalala ako sa 'yo! Ilang araw kang nawala! Tapos ganyan ang madadatnan ko?” “I... I can explain, love.” “Explain?” napatawa ako ng mapakla. “Ano pa bang kailangang mong ipaliwanag sa nakita ko? Nag-aalala ako sayo, Rave. Pinuntahan kita kahit busy ako sa trabaho. Pero ‘yon pala, nagpapakasaya ka sa kandungan ng iba?” Tumango siya at hindi makatingin sa akin. “Hindi ‘yon ang iniisip mo—” “Huwag mo akong gawing tanga! Malinaw na nakita ko ang lahat!” napasigaw ako. “Wala nang paliwanag na makakabura sa nakita ko!” Hindi na siya makapagsalita. Ang bigat ng katahimikan na bumabalot sa amin. At doon ko napagtanto, hindi siya makapagsinungaling kasi totoo ang lahat ng sinabi ko. “Alam mo,” marahan kong sabi, nanginginig ang boses ko, “kaya ko naman sanang maghintay kung naging totoo ka lang. Hindi ko pa nga binibigay ‘yung buong sarili ko sa ‘yo kasi gusto ko, sigurado ako. Pero ikaw... ikaw pala, iba ang habol.” Napaluhod siya bigla sa harap ko. Doon ko siya unang beses nakitang gano’n, wasak at desperado. “Canna, I’m sorry… hindi ko sinasadya.” “Bakit mo nagawa sa akin ‘to?” Napapikit siya. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng suot kong blouse. “Nabuntis ko siya…” Para akong sinabugan ng bomba sa narinig. “Anong sabi mo?” “Nabuntis ko si Saizy. Three months na. One time lang ‘yon, Canna. Nag-away tayo tapos wala ka... and I was drunk. I didn’t mean for it to happen—” Hindi ko na narinig ang kasunod. Parang huminto ang mundo ko. Bigla akong nabingi. Matagal niya na pala akong ginagago. “P-pero mahal kita. Ikaw ang mahal ko…” Napaatras ako. “Kung mahal mo ako, bakit mo ko niloko?” “Canna, please…” “Pinagtiisan kita, Rave. Hindi mo lang alam kung ilang beses kitang ipinaglaban sa mga taong hindi naniniwala sa ‘yo. Sa pinsan ko. Sa sarili ko. Pero anong ibinalik mo sa akin?” Hindi ko na napigilang umiyak. Tumulo ang luha ko isa-isa, kasabay ng pagbitaw ko sa lahat ng sakit na pinipigilan ko. “You don't deserve me. Hindi ‘to pagmamahal, Rave.” At sa huling pagkakataon, tinalikuran ko siya. Buong lakas kong binuksan ang pinto at nilampasan ang mga alaala namin sa loob ng unit na ‘yon. Pagkalabas ko ng building, agad akong pumara ng taxi. Pilit kong pinipigil ang mga hikbi habang nakaupo sa likod ng sasakyan. Hinaplos ko ang dibdib ko, sobrang sakit niyon. Pinapahid ko ang luha ng dumaloy sa pisngi ko. Mabuti na lang hindi ko tuluyang isinuko ang sarili dito. "One more glass, please," sabi ko sa Bartender. Hindi ko na namalayang naparami na ang inom ko. Habang hinihintay ko ang inumin. Nilibot ko ang paningin sa loob ng bar. Maingay at nakakahilo ang lights sa dance floor. Nilingon ko ang lalaking mag-isang nakaupo sa dulo ng bar. Wearing a button up shirt and tie but I couldn’t get to see his face, nakatalikod ito sa akin. Nag-aalangan akong lapitan ito para kausapin. Baka mapahiya lamang ako lalo’t hindi ko naman kilala ang lalaki. “Here’s your drinks, ma’am.” Binawi ko ang tingin dito at tinuon sa inumin. “Thank you,” napapaos kong sabi. Inubos ko ang alak sa baso at tumayo sa stool. Kamuntikan pa akong matumba, mabuti na lamang at mabilis na nakahawak sa counter ang kamay ko. Umayos ako ng tayo at lumakad sa gitna ng dance floor. Itinaas ko ang kamay at sumayaw. Nagsisigaw pa na parang wala na sa sarili. Nang sinubukan kong tumalon para sabayan ang beat ng music. Bigla na lang akong nawalan ng balanse. Buti na lamang may matitipunong brasong maagap na nahawakan ang aking baywang. “Careful,” rinig kong sabi ng baritonong boses. Umayos ako ng tayo at hinarap ito. Pilit na inaaninag ng mga mata ko ang mukha ng estrangherong lalaki. Ngunit nanglalabo na ang aking paningin. Dagdag pa ang nakakahilong lights. “Thara…” napapaos na bulong nito. Napasinghap ako. Kilala ako ng lalaki? Hinaplos nito ang aking baywang. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kiliti dahil sa ginawa nito sa akin. “Palagi mo na lang akong sinusuway,” anito sa matigas na boses. Kumunot ang noo ko. Maging ang boses nito ay pamilyar. Lasing na nga ako, kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Imposible namang nandito sa bar ang lalaking ‘yon. “Let’s go, bago pa ako makakasuntok ng mga lalaking tumititig sa ‘yo.” “Wait—” naputol ang pagpoprotesta ko nang hilain ako ng lalaki palabas ng bar. “You defy my order,” malamig nitong sinabi matapos kaming huminto sa may madilim na parte ng bar. “Your order” naguguluhang tanong ko. Isinandal ako nito sa pader at dinaganan ang katawan ko upang hindi makatakas. He moves one hand from the wall and brings it closer to my face. Marahan nitong hinaplos ang aking pisngi. “How about I punish you, baby?” napapaos nitong sinabi. Napalunok ako nang wala sa oras. Namumungay ang mga matang tinitigan ko ang lalaki. Gusto kong makita ang mukha nito. “Tell me… how do I punish you?” tanong nito. Kahit lasing ako hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba sa aking katawan sa sinasabi nito, it’s making me feel some kind of inner heat. You can say I have a dirty mind. “Pu-punish me?” bahagyang nanginig ang aking boses. “Yes, I want to punish you, baby. Isang parusang hindi mo makakalimutan,” bulong nito bago ako siniil ng halik.Chapter 21Napabuga ako ng hangin. Mukhang mahihirapan akong kumbinsihin ang anak ko. Napagdesisyonan kong magluto na lamang nang hapunan. Mamaya ko na siya kakausapin baka magbago na ang kanyang isip. Pero nagkamali ako. Nang maghapunan kami, Ryo had refused to acknowledge me, he was a stubborn kid, I could admit. Kaunti lamang ang kinain niya sa nilutong kong paborito niyang ulam. Pagkatapos niyon ay umakyat din siya kaagad sa kanyang silid.Kasalukuyan akong naghahanda para matulog nang bumukas ang pinto. My little boy trotted in with his favorite teddy bear.“Ryo?” Umupo ako at pinagmasdan siyang lumapit sa kama.He climbed the bed and laid by my right side. Napangiti ako nang yumakap siya sa akin.“Okay, what’s going on? Akala ko hindi mo na kakausapin si Mommy.” I stifled a laugh as he hugged me tighter.“Mommy, dito na lang ako,” ungot niya, mas lalong isiniksik ang sarili sa gilid ko.I sighed and caressed his smooth hair. Ang hirap din namang magdesisyon na sa Vista Azerra s
Chapter 20“Ms. Canna, maaga ba tayong magsasara mamaya?”Nilingon ko ang nagsalita sa aking likuran, si Eufee. Ang isa sa waitress ng restaurant. Nagpupunas ng kanyang pawisang mukha gamit ang puting hanky. Tumango ako. “May kailangan akong uwian ng maaga.”“Parang gusto ko tuloy sumama sa ‘yo. Gusto kong makita si Ryo, nakaka-miss ang anak ninyo, Ms. Canna! Dalhin mo naman paminsan-minsan dito.”Matipid akong ngumiti sa kanya. “Sa susunod…”“Grabe katulad pa rin ng dati. Ang daming customers!” Pabagsak na ipinatong ni Ireem ang tray sa counter.Ngayong araw ay ramdam ko ang pagod ng mga waitress ng restaurant. I looked around the restaurant and smiled at the disorganized chairs and tables. Ibig sabihin niyon ay maraming customer ang pumunta sa restaurant ngayong araw, it was really a great thing to me. Ngunit hindi naman ito ang unang pagkakataong puno ang aming restaurant. May mga panahon pa nga na hindi namin napapansin ang ibang mga customers dahil nauubusan kami ng table, okupa
Chapter 19Ang biyahe pabalik sa lugar ng aksidente ay parang pagbabalik sa sarili kong impyerno. Mataas pa rin ang damo, baku-bako pa rin ang daan. Wala nang kahit anong bakas ng gulong, dugo, o sirang pader. Pero sa puso ko, sariwa pa rin ang lahat.Huminto ako sa gilid ng kalsada. Isinara ko ang makina ng kotse. Bumaba akong walang pakialam kung may makakita man. Hindi ko na rin pinigilan ang luhang ilang taon nang tinatago.Lumuhod ako sa mismong gilid ng kalsada. Humawak ako sa lupa, pilit na hinahanap ang kahit anong bagay na maaaring nagpapaalala sa gabing iyon."Sorry… patawarin mo ako..." bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam. Hindi ko sinadya…"Umiyak ako. Hindi na matahimik ang hininga ko. Bumagsak ako sa lupa, yakap-yakap ang sarili kong kasalanan.“I tried to move on. Pero ang hirap kalimutan.”Tumunog muli ang phone ko. Parehong number na natanggap ko kaninang umaga paggising ko.Unknown Number:"Mas mabuting lumayo k
Chapter 18Warning: SPG R-🔞Nanginginig ang mga paa ko. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto."Good morning, sir..." gulat akong napasinghap nang hilahin niya ako at yakapin ng mahigpit."Don't leave me, baby. I can't do without you," anas niya sa leeg ko.Biglang bumilis ang paghinga ko. I was against this but my body proved otherwise."M-mahal din kita, pero..." nanginig ang ibabang labi ko at napuno ng luha ang pisngi ko."Hindi pwede..." bulong ko.Natatakot ako lalo kapag nalaman ng ama ni Azrael ang tungkol sa bata. Paano kung ang baby ko naman ang ipapahamak ng matandang Cervantes?"Let's fight for our love, baby. Walang dapat susuko." Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin."Azrael, please. Intindihin mo naman ako." Sinubukan kong kumalas sa yakap niya pero hindi siya bumitaw."No, baby! N-no... H'wag mo namang gawin sa akin 'to. Please don't leave me. Hindi ko kaya." Pagmamakaawa niya.Napapikit ako ng mariin. Bakit kailangan ganito pa ang mangyari sa amin?"A
Chapter 17Nagpupuyos ako sa galit habang naglalakad papuntang study room ni Mr. Cervantes.Malawak ang ngiti nito nang makita ako. Nilapag niya ang hawak na newspaper at ibinigay sa akin ang buong atensyon."You're here just like I expected," he said."Napakasama mo! Paano mo nagawang..." Bumagsak ang mga luha ko bago ko pa man makumpleto ang sasabihin.Pamilya ang kahinaan ko. Kahit pinsan ko lang si Scaxy, itinuring ko siyang kapatid. Siya ang tumayong pamilya ko nang mawala ang mga magulang ko. Kaya masakit sa akin na makitang nasasaktan siya."I told you, hija. Pamilya mo ang magbabayad. Hindi ako nagbibiro sa banta ko," he smirked.Tumalim ang mga mata ko. Gusto ko siyang sugurin pero pinigilan ko ang sarili ko.Kailangan kong mag-ingat sa bawat kilos. Isang utos lang nito, alam kong manganganib ang buhay ng pinsan ko."Please... ako na lang ang parusahan ninyo. H'wag ninyong idamay ang pamilya ko dito," pakiusap ko, halos hindi ko marinig ang sarili ko sa panginginig ng boses.
Chapter 16"Kapag tinanggihan mo ang pera, pamilya mo ang magdudusa. Siguraduhin ko na mawawalan ka ng trabaho sa kompanya at walang tatanggap na ibang kompanya sa 'yo. You and your poor family are going to suffer till the end of your life," pagbabanta nito.Bumilis ang paghinga ko sa galit. Kapag hindi ako nag-isip ng maayos, paniguradong mawawalan ako ng respeto sa kaharap ko ngayon."Tatanggapin mo o magdudusa ka? Pumili ka ng maayos, Ms. Villegaz," ani Mr. Cervantes, habang nakatitig sa akin na tila ba punung-puno ng poot ang kanyang mga mata.Naiiling akong natawa. Hindi ako gano'n kababaw para gawin ang gusto niya."Is that a threat?" lakas-loob kong tanong.Nakipaglabanan ako ng tingin sa kanya."If that's it, then I'm sorry to say this, it's not possible. Hindi ko kailangan ang pera ninyo. I may be poor but I've got some dignity, and my family? You can never do anything to them, that I'm sure of." May diin ang bawat salitang binibitawan ko. Gusto kong iparating sa kanya na hin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments