Sa gitna ng mundong puno ng pagdurusa at kahirapan, isang asawa ang naglalakbay sa daang puno ng sakripisyo para sa isang pag-ibig na di karapat-dapat. Sa kabila ng mga pagsubok at pagkakataon na sumuko, pinili niya paring manatili at magtiis para sa taong hindi nauunawaan ang halaga ng kanyang pagmamahal. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis sa pag-asa ng pagbabago? Isang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa ni Maricar na nagpapakita ng lakas at tapang ng pusong handang magmahal kahit na di ito kapalit ng karapat-dapat na pagmamahal.
view morePROLOGUE
Isang anak na may pusong puno ng pag-aalala habang tahimik na pinagmamasdan ang kanyang ina, habang ito'y abala sa pag-aayos ng kanyang buhok. Napatuon ang kanyang pansin sa mga mata ng kanyang ina na namumugto, ramdam niya ang bigat ng mga responsibilidad na dala nito, ang pagod at kulang sa tulog na halata sa mukha nito. Ngunit sa kabila ng lahat, ang kanyang ina ay nagpapatuloy sa laban, patuloy na nagtitiis huwag lamang masira ang imahe ng kanilang pamilya. "Ngunit hanggang kaylan siya ganoon?,,,hanggang kaylan siya magtitiis? Hanggang kaylan siya umaasa na magkakaroon pa ng pag asang maging maayos pa ang lahat?" "Ma?!" malumanay na tawag niya sa kanyang Ina. "Hmm?!" sagot naman nito na di naman tumitingin sa halip abala parin ito sa pag susuklay ng kanyang buhok.Napabuntong hininga muna ang dalagita.
At ang pagsulyap ni Eunice sa malaking larawan ng kanyang ina at ama na nakakabit sa pader ng kwarto ay nagdulot ng halong lungkot at galit sa kanyang puso. Nakatitig siya sa mga ngiti ng kanyang mga magulang, na tila ba hindi na nagpapakita ng anumang kulay ng saya sa kasalukuyan. Ang mga alaala ng masayang pamilya ay nagbalik sa kanyang isipan, nagdulot ng sakit na hindi niya kayang tumbasan. Ngunit sa kabila ng lahat, ang kanyang ina ay nagpapatuloy sa laban, patuloy na nagsusumikap, at nagtitiis alang alang lamang sa kanilang pamilya. "Ngunit hanggang kylan siya ganon? Hanggang kaylan siya magtitiis?" Ang paulit ulit na mga tanong sa kanyang isipan. "Hanggang kylan ka po magtitiis Mama?" biglang napa hinto naman sa pagsusuklay ng buhok ang kanyang ina sa kanyang buhok, halatang nagulat sa tanong ng kanyang panganay na anak. At sa kabila ng kanyang pagpipilit na panatilihin ang kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha. "A-anong... anong ibig mong sabihin anak?.... Eunice?" mahinahon ngunit naguguluhang tanong naman niya sa kanyang anak. habang pilit niyang hinahawi ang mga nagkakabuhul-buhol na iniisip sa kanyang isipan, at sinisikap na maunawaan kung saan nanggagaling ang ganitong klaseng tanong mula sa musmos na isipan ng kanyang anak, na sa kabila ng inosenteng mukha ay tila ba may nadarama at napapansin na sa mga nangyayari sa kanilang paligid. "Tumawag po ako kay Papa nakaraan gabi at ang sumagot ay ang babae niya." sagot ni Eunice, habang tila nakapako ang tingin sa kanyang ina, habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata, Biglang nabitawan naman niya ang hawak hawak niyang suklay at nanginginig na mga kamay na napatuptop sa kanyang bibig. "Alam ko na po lahat lahat Mama, nagkaka problima na po kayo ni Papa, gusto na po bang makipag hiwalay ni Papa? Iiwan niya na ba tayo?" dere-deretsong tanong nito "Hi-hindi mo pa... alam mo anak.. hindi mo pa alam ang mga bagay na ganyan...kaya huwag kang magsasalita ng ganyan lalo na't ang Papa mo ang iyong tinutukoy." Halos mautal utal na wika naman niya ngunit halatang na din sa kanyang mga mata ang pag pigil ng mga luha na napapansin na din ng kanyang panganay na anak. Kaya bigla siya nitong niyakap. "Mama kung ano man po ang disesyon ni Papa hayaan niyo na po siya kaysa kayo ang nahihirapan at nasasaktan. Nasasaktan din po kami ni Lyca na nakikita ka namin na umiiyak tuwing gabi." na mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang ina."Kung sigaw sigawan na lang po kayo ni Papa, at kayo naman po ay nanatiling tahimik at umiiyak na lang po sa tabi parang nawawalan kami ng pag-asa. Sobrang nasasaktan po kami ni Lyca kapag ginaganon po kayo ni Papa." ang kanyang tinig puno ng lungkot.
"Lalo na kapag nakikita naming nanginginig na kayo sa takot at walang magawa kundi magpakababa para lamang mapatahimik siya. Sana po Mama, maintindihan niyo rin kung gaano kahirap para sa amin ang makita kayong nasa ganitong sitwasyon, kaya’t sana ngayong tapos na ang lahat, matuto na rin po kayong ipaglaban ang sarili niyo."
"Eunice?!" Tanging nasambit na lamang niya, naramdaman niya na ding na umiiyak ito. "May beses...may beses pang na...naririnig namin ni Lyca na pinapaalis ka nila Mama Lah at Tita Carol. Mama?.... Gusto ko pong lisanin niyo na po ang bahay na ito at kung anong buhay na meron ka dito. Dahil hindi ka po nararapat na naandito ka, ginagawa ka lang nila alila." patuloy ni Eunice habang ang luha'y patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi "Anak hindi mo alam kung ano ang mangyayari kapag umalis ako dito, matuturingan na isa lamang ako asawang talunan at duwag- "Iyon nga po ang tingin nila sa inyo kapag nanatiling ka lang po dito sa bahay, pero kung- "Anak' masyado ka pang bata para pag usapan natin ang bagay na iyan." "Mama, gusto na namin ni Lyca na maging malaya ka na.... Maging ikaw... dahil kapag nanatili ka lang na dito... Di magbabago ang mga tingin nila sayo kundi isang alila parin.""Eunice?! Anak?!" di na niya alam pa ang sasabihin tanging mga luha na lamang ang dumadaloy sa kanyang mga mata, nanlalabong napatingin naman siya sa salamin.
Ang mga alaala ay bumalik sa isipan ni Maricar habang nakatayo siya sa harap ng salamin. Natatandaan niya ang mga masasayang sandali kasama ang kanyang asawa at ang kanilang mga anak bago ang lahat ng ito. Isang napakatamis na ngiti ang dumapo sa kanyang labi habang iniisip ang mga lumipas na taon ng kanilang pagsasama.
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga magagandang alaala, naroon din ang mga pait at sakit na dala ng mga nagdaang kaganapan. Ang bawat yakap at halik na dati'y puno ng pagmamahal ay tila naglaho na, pinalitan ng mga tanong at duda. At sa bawat pagtulog, ang kanyang mga panaginip ay puno ng mga tanong na walang kasagutan, at ang kanyang puso ay nagdurusa sa bawat oras na naglalakad sa landas ng pag-aalinlangan.
Napakatagal na ang kanilang relasyon sa pagitan ni Maricar at Nathan, ngunit tila ba sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Ang tiwala na dati ay matibay, ngayon ay tila nababawasan na, at ang mga pangako ay tila hindi na sigurado. Sa kabila ng kanyang pagsisikap na panatilihin ang kanilang pamilya na buo, ang pag-ibig ay parang naglalaho na parang bula sa hangin.
Ang pilit na pagpapanggap ng saya ay nabaliwala sa mga gabi ng luha at pangungulila. Ang mga kalmadong pag-uusap ay napalitan ng mga masaklap na argumento at pananakit. Ngunit sa kabila ng lahat, isang bagay ang nanatiling hindi nagbabago, ang pagmamahal ng bilang isang ina sa kanyang apat na anak.
At hindi rin malilimutan ni Eunice ang mga gabing pagkikibit-balikat nila ng kanyang kapatid na si Lyca, habang pinakikinggan ang mga salitang sumisira sa kanilang puso at dangal ng kanilang ina. Sa tuwing maririnig niya ang mga sigaw ng kanila ama sa kanila ina at pagtatalo sa kabilang kwarto, ang pusong puno ng galit at pagkabalisa ni Eunice ay humihinaig na sana'y maging malaya na silang lahat lalo't na ang kanyang ina sa madilim na bahay na wala ng pag asa pang magkakulay.
****
Si Maricar, ay isang mapagmahal na ina at asawa, Sa loob ng labing-tatlong taon na pagsasama nila ng kanyang asawa na si Nathan, ipinakita niya ang walang-katapusang pagmamahal at sakripisyo para sa kanyang pamilya.
Sa pagiging isang ina, si Maricar ay nagbibigay-buhay sa kanyang apat na anak ng pag-asa at pagmamahal. Hindi lang siya nagbibigay ng pisikal na pangangailangan, kundi pati na rin ng emosyonal at moral na suporta. Tuwing umaga, siya ang unang bumabangon upang ihanda ang almusal para sa kanyang mga anak, at sa gab namani, siya ang huling matutulog matapos siguruhing na maayos na ang lahat paras sa bagong umaga.
Bilang isang asawa, ang kanyang pag-ibig ay parang isang halaman na patuloy na lumalago at namumukadkad. Sa bawat pagsubok na kanilang pinagdadaanan, siya ay palaging nariyan at handang maging katuwang at tagapagtanggol ng kanyang asawa. Hindi lang siya nagpapakita ng pagmamahal sa magandang panahon, kundi lalo na sa mga panahon ng unos at kahirapan.
Ngunit kahit na ang kanyang pagmamahal ay nagiging patas at walang hanggan, ang kanyang kwento ay hindi perpekto. Sa likod ng kanyang ngiti at pagmamalasakit ay ang mga hindi nakikitang sakripisyo at paghihirap. Ang kanyang pagiging ina at asawa ay puno ng pagpapakumbaba at pagbibigay, kahit pa ito ay hindi palaging naaapreciate at pinahahalagahan ng mga taong nasa paligid niya kahit na ang kanyang asawa.
Tanging sa kanyang mga anak lamang siya nakakaramdam ng buong pagmamahal at pag-aalaga.
THIRD PERSON:Pagpasok pa lang ni Maricar sa bahay, agad siyang natigilan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga gamit na nakasalansan sa tabi ng sofa—mga kahon, dalawang maleta, at isang backpack.“Lisa?!” tawag niya sa kaibigan, lumapit habang nakakunot ang noo. “Pinapaalis mo na ba kami?” pabirong tanong niya, pilit ikinukubli ang kaba.Mula sa kusina ay lumabas si Lisa, hawak ang isang plato ng mainit-init at bagong lutong cookies“Gaga! Sa mga anak mo 'yan!” sagot ni Lisa, sabay irap at tawa.“Hah?!” napakunot ang noo ni Maricar.Biglang bumungad mula sa likod ng pinto sina Eunice at Lyca, parehong nakatakip pa ang mga mata, bago sabay-sabay na sumigaw—“Surprise, Mama!!!”“Mga anak, anong—”“Pumayag na po si Papa na dito na kami sa inyo, Mama!” sabay na sabi ng magkapatid, halos hindi mapakali sa tuwa.Hindi na napigilan ni Maricar ang mapaiyak. Mabilis niyang niyakap sina Eunice at Lyca, mahigpit, parang ayaw na niya silang bitiwan.“Hay naku! Buti naman at natauhan din iyang ex-
THIRD PERSON:“Ma’am Maricar?”Nagmadaling lumapit si Bianca, hawak ang clipboard at cellphone, halatang hindi mapakali habang sinusundan si Maricar na papalabas na ng building.Agad namang huminto si Maricar sa gitna ng hallway at bahagyang lumingon sa sekretarya.“Mamaya na po kayo lumabas, Ma’am,” mariing babala ni Bianca, habol ang hininga.Napakunot ang noo ni Maricar napatingin sa kanya.“Marami pong reporter sa labas—nag-aabang po sila sa inyo.”Bahagyang ngumiti si Maricar. “Di mo pa rin ba alam, Bianca?” mahina ngunit banayad ang kanyang sagot. “Sanay na ako sa ganyan.”"Po?"“Ilang oras na silang nandoon?”tanong niya pagkatapos, habang inilalapat ang tingin sa pintuan sa dulo ng hallway“Mga... five hours na po, Ma’am,” sagot ni Bianca, bahagyang napapikit—tila naaawa.“Limang oras?...” ulit ni Maricar,. Tila binibilang sa isipan ang bigat ng panahong iyon.“Opo, Ma’am… talaga pong naghintay sila riyan hanggang matapos ang Annual General Meeting natin.”Tahimik si Maricar sa
THIRD Person:Umigkas si Ericka mula sa pagkakaupo at galit na lumapit kay Maricar, parang sasabog anumang oras.Dalawang alalay ni Maricar ang agad na sumalubong at humarang sa kanya, pero hindi iyon naging sapat para pigilan ang galit na lumiliyab sa kanyang mga mata.Hindi niya alintana ang mga nakapaligid—wala siyang pakialam sa dignidad, sa pormalidad, o sa kung sino pa ang nanonood.Sa paningin niya, iisa lang ang may sala sa lahat ng nangyayari—si Maricar."Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Maricar!" sigaw ni Ericka, halos maiyak sa galit habang nakaturo sa babae. "Pati ba naman 'to, inaangkin mo rin?!"Napangisi si Maricar saka humakbang siya palapit kay Ericka, mabagal ngunit tiyak, tila ba bawat yabag ay sinadyang ipaalala kung sino na siya ngayon.Ang tingin niya'y diretso, malamig, at walang bahid ng takot."Bakit, Ericka?" aniya, halos pabulong ngunit mariin. "Hindi mo matanggap na may taong piniling ayusin ang lahat ng sinira n’yo?"Di makapagsalita si Ericka."Sila an
THIRD PERSON:“Nandito na tayo…” mahinang sabi ni Alejandro habang nakatingin sa labas.Ngunit walang sagot. Kaya lumingon siya kay Maricar—nakasandal na ito sa bintana, bahagyang nakapikit, payapang natutulog habang nakayakap sa sarili, naka-krus ang mga braso na tila nagkukubli ng pagod.Ngumiti si Alejandro—‘yung ngiti ng isang taong masayang makita ang taong mahal niya na sa wakas ay nakakatikim ng kahit kaunting pahinga.Marahan niyang hininaan ang volume ng radyo, halos walang tunog na naiwan kundi ang ambon na marahang kumakatok sa bubong ng sasakyan.Hinubad niya ang suot niyang coat, saka dahan-dahang isinapin sa balikat ni Maricar. Saglit siyang napahinto, tinitigan ang maamong mukha nito. Ang luntiang ilaw mula sa poste sa labas ay lumalaro sa mga pilik-mata nito. Sa katahimikan ng sandali, para silang nasa sariling mundo.“Ang dami mong pinagdaanan, no?” bulong ni Alejandro, halos hindi marinig. “Pero nandito ka pa rin. Nagpapakatatag.”Saglit siyang tumigil, parang iniiwa
THIRD PERSON:“Bakit pa kayo pumunta ro’n, Ma?!” mariing tanong ni Nathan habang paulit-ulit na hinahagod ang buhok sa tindi ng inis. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito, pagkabigla, at lalong higit ang pagkadismaya. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang uunahin.“Aba’y bakit? Bawal na ba kaming lumapit at pumunta sa kanya, ha? Porke’t mayaman na siya?!”Mataray ang tono ni Ginang Emelia, taas-noong nakatingin sa anak na para bang siya pa ang may karapatang magalit. Sa kanyang mga mata, hindi siya kailanman nagkamali.“Hindi naman sa gano’n!” malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Nathan habang pilit kinakalma ang sarili, bagamat halata sa kanyang pananalita ang bumubukal na galit.“Pero alam niyo namang mahigpit ang mga bantay ni Maricar ngayon. Baka kung mapaano pa kayong dalawa ro’n. Ayaw kong mapahiya tayo.”“Tssk! Kung hindi pa kami kikilos, kailan ka pa kikilos, ha?!” singhal ni Carol habang padabog na tumayo.“Kapag pumuti na ang uwak? Kapag tuluyan ka
Maricar POV:Tahimik kong pinagmamasdan ang kalakhang lungsod mula sa likod ng salaming bintana ng opisina.Sa kabila ng mga ilaw na kumikislap at sasakyang walang tigil sa pag-ikot, may malamig na katahimikan na bumabalot sa akin—hindi mula sa aircon, kundi mula sa damdaming matagal ko nang kinikimkim.Ito na ba talaga ang tinatawag nilang tagumpay?Narating ko na ang tuktok,Ngunit hanggang ngayon, parang nananaginip pa rin ako. Parang panaginip lang na nangyari ang lahat ng ito—na ako ito, na narito ako.Hindi ko kailanman pinangarap ang ganitong buhay—ang kapangyarihan, ang titulo, ang karangyaan.Ang gusto ko lang naman… ay maging isang mabuting asawa. Isang mabuting ina. Isang babaeng kayang mahalin at ipagmalaki. Isang babaeng sapat.Akala ko, kapag binigay ko ang lahat, mamahalin nila ako nang buo.Pero sa dulo, hindi pala sapat ang pagiging totoo kung ang sukatan ng pagmamahal ay pera at pangalan.Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nagpapasalamat ako.Sa mga taong naniwala sa a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments