Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan. Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira. Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
View More3rd Person's Point of View*
Mabilis na hinahabol ng police car ang isang sa malaking van sa highway. May nag-report kasi sa kanila ito yung puting van na kumukuha ng mga bata. Mabilis nilang nalulusutan ang mga pasikot-sikot na dinaanan ng mga kidnappers hanggang sa makalabas sila sa lungsod at patuloy pa rin sila sa paghahabol. Biglang tumunog ang telecom nila na kinatingin ng mga pulis doon, "May higit na limampung kilo ng droga at dosenang mga batang kinidnap ng armadong grupo ang nasa loob ng van.” "Mayaman ang mga magulang ng mga batang 'yon. Nanghihingi pa ng ramson ang mga kidnappers para mabalik ang mga bata sa mga magulang nito.” "Mga halimaw talaga ang mga hayop na 'yan!" galit na sigaw ng isa sa mga pulis sa loob ng sasakyan sabay hampas sa manibela. Tatapakan sana niya ang accelerator nang mapansin niyang may grupo ng mga taong nakaharang sa daanan. Kahit anong busina ang gawin niya, tila walang nakakarinig sa kanila. "Put--!" Galit na mura ng bagong pulis habang pasigaw na lalabas sana siya ng sasakyan, pero pinigilan siya ng kasamahan niyang matagal nang nasa serbisyo. "Wag ka nang lumabas.” "Bakit, sir? Paano natin mahuhuli 'yung mga hinahabol natin kung hindi tayo makakadaan? Nawawala na sila sa paningin natin.” "Wag ka ng makipagtalo. Yung mga taong 'yan, bayad na sila ng mga kidnappers para hadlangan tayo." Nanlaki ang mga mata ng baguhang pulis dahil sa narinig. Napatigil siya at napatingin muli sa mga tao sa daan. Hindi niya akalain na magagawa ng mga ordinaryong mga taong ito na makipagsabwatan sa mga masasamang tao kapalit lang ang ilang halaga. "Buhay na ang pinag-uusapan natin dito, sir. Paano nila nagagawang ipagpalit ito sa pera?" Napabuntong hininga na lang ang beteranong pulis na para bang alam niyang wala na silang magagawa sa oras na iyon. Hindi pa din tumitigil ang baguhang pulis at agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tingnan kung may ibang daan silang pwedeng tahakin. At maski siya ay wala na ding nagawa at sinukong inilapag ang cellphone sa gilid niya dahil wala siyang makikita na ibang daan dito bukod sa daan na hinarangan ng mga tao. Wala silang magawa kundi ang tumingin na lang sa mga tao na nasa harapan. "Mas malaki pa ba ang kinikita nila sa pagbabantay sa daan kaysa sa pagtatrabaho ng marangal sa probinsya nila? Walang silbi ang batas sa mga maliliit na lugar na ganito." “Ganyan talaga ang buhay. Kahit gusto mong baguhin ang bansang ito ay hindi mo mababago basta may pera na tumatakbo.” Muli siyang napahampas sa manibela sa sobrang inis, habang nakatitig sa mga taong nakatayo sa gitna ng daan. Sa gitna ng mga ito, may isang batang babae siyang napansin nasa mga anim o pitong taong gulang, maitim ang balat, at payat na payat. Tahimik lang itong nakatayo at kalmadong nakatingin sa kanila ang maitim na mga mata nito. Nakatayo lang siya doon at makikita sa mukha nito na kalma lang itong nakatingin sa kanila. "Napakabata para maging road guard..." mahinang bulong ng baguhang pulis sa sarili. Sa huli, nakatakas ang van na hinahabol nila. Kinagabihan... Nakatanggap ng pera ang mga taong humarang sa daan, kabilang na doon ang batang babae na si Felicia. Si Felicia ay sampung taong gulang ngayong taon. Dahil sa malnourished siya ay aakalain nila na bata pa ito na nasa mga anim o pitong taong gulang. Isa siyang orphan, kaya kailangan niyang maghanap ng ikabubuhay niya dahil sobrang hirap ng buhay sa baryo na kinalakihan niya. Isa siyang ulila at matagal nang namumuhay sa lansangan. Sa kabila ng kanyang edad, matalino si Felicia at mahusay magmasid. Madali niyang nareresolba ang lahat ng problema at walang kahit anong butas ang hindi niya nalulusutan. Siya rin ang dahilan kung bakit naharang ang police car sa daan at nahulaan niya kung saan ito daraan. Habang kumakain si Felicia kasama ang iba pang road guards, napahinto sila nang dumating ang kanilang lider sa road guards. Nakatitig ito sa kanya na may malawak na ngiti na parang may isang magandang balita na sasabihin kay Felicia. "Felicia, may good news ako sa'yo," ani ng lider nila. Tahimik lang si Felicia at walang reaksyong nakatingin dito. "Gusto kang makita ng mga big bosses natin. Iniimbitahan ka nila na kumain at uminom. Kung pupunta ka, isama mo rin ako, ha? Pwede ba 'yon, Felicia?" Nagkatinginan ang lahat sa paligid, halatang gustong sumama. Maraming pagkain at alak doon sa bahay ng mga bosses nila. Hindi kasi sapat para mabusog sila ang pagkain na nasa lamesa nila ngayon ay hindi kagaya sa mga boses nila. Pero si Felicia, tahimik pa rin. Tahimik siyang humigop ng sabaw mula sa bowl, kinuha ang perang nasa lamesa na binigay na sweldo sa kanila, at tumayo. Sa isang bahay kalayuan sa bahay ng mga kasamahan ni Felicia. Masayang nag-iinuman ang isang grupo ng gangsters, balak nang ibenta ang mga ninakaw nilang gamit at sila din ang mga kidnappers na kumuha sa mga bata. "Naisip n'yo na bang kunin si Felicia? Alam n'yo naman na malaki ang tulong niya sa grupo natin at maraming grupo ang gustong kunin siya pero walang nagtatagumpay," ani ng isang lalaki. Sumandal ang kanilang boss sa upuan, isang lalaki may malaking na peklat sa mukha at sa ibang parte ng katawan nito na siya’y ulo ng lahat ng ito. "Simple lang. Talian siya at isakay agad sa sasakyan. Susunod rin 'yon pagkalabas natin sa baryong ito.” Biglang bumukas ang pinto at agad nilang nakita si Felicia na wala man lang kaemosyon na nakatingin sa kanila. "Uy, Felecia, tibang-tiba na tayo ngayon, ha!" "Panatilihin mo lang ang pagtatrabaho sa amin, lalo na kung nasa labas tayo ay mas lalong lumaki pa ang pera na nahahawakan mo." Hindi pinansin ni Felicia ang mga sinasabi nila at diretsong tumingin sa boss. "Gusto mo ng alak? Masarap, parang juice lang! Mag-inuman tayo!" Tumaas ang kilay ni Felicia habang nakatingin sa kanila. Hindi kasi iniisip ng mga ito na isa siyang bata. "Ayoko. May mga hostage pa kayong babantayan at kakabagal lang 'yan sa trabaho ninyo.” Napangiti naman sila dahil nakikita nila na loyal talaga si Felicia sa kanila. “Hindi ako binibigyan ng pera dito para makipag-inuman. Nandito ako para mabantayan ko kung ano ang susunod na hakbang ng mga pulis na humahabol sa inyo kanina." Tinulak niya palayo ang baso sa harapan niya. Namangha ang lasing na boss. Para bang higit pa sa edad niya ang pag-iisip ni Felicia at nakikita niya na pwede ito na susunod na tagapagmana niya kaysa sa anak niya na walang kwenta. "Walang takot sa mga mata mo, Felicia. Talagang ikaw ang pinakarespetadong road watcher sa lugar na 'to,” nakangiting ani ng boss nila. "Pero wag kang mag-aalala. Kami na ang bahala sa--- teka, nasaan na siya?" Nakita nila na wala na ito sa pwesto nito at umalis na ito sa bahay nila na hindi man lang nakikinig sa pinagsasabi ng boss nila. Sa likod ng bahay kung saan nagsasayahan ang mga lalaki ay may isang bahay ng mga manok at doon lumakad si Felicia at pumasok sa loob. Nakita niya agad ang mga batang kinidnap ng mga lalaking iyon. Madumi at takot ang mga ito na nakatingin sa kanya. Ilan sa kanila ay umiiyak na nang makita siya. Ito ang mga bata na kinidnap ng mga gangsters na nandito sa baryo nila ngayon. May iba na matagal na dito at may iba na kakarating lang kanina sakay sa puting van. Walang imik si Felicia habang nililibot ang tingin. Hanggang sa makita niya ang isang binatilyong nasa labinlima o labing-anim ang edad. Lumapit siya rito at kinuha ang kutsilyong nasa bulsa na kinagulat ng binatilyo. “A-Anong gagawin mo, bata!” Nangamba ito at mas lalong nag-iyakan na ang mga batang kasama nila, pero nagulat na lang siya nang putulin lang ni Felicia ang lubid na nakatali sa kanya. "Makakarating kayo agad sa highway kung mabilis kayong tumakbo papunta gitna ng baryong ito at sa lungsod ninyo," kalmadong ani ni Felicia sa kanila. Nagulat naman ang binatilyo dahil hindi niya aakalain na tinutulungan sila ng batang ito na tumakas. "Papatakasin mo kami?" gulat na ani ng binatilyo. Hindi naman sumagot si Felicia. Isa-isa niyang pinutol ang lubid ng iba pang mga bata. "Wag kayong maingay. Tumakbo agad kayo palayo sa bahay na ito habang naglalasing pa ang mga lalaking iyon.” Dahan-dahan naman silang tumango sa sinabi ni Felicia at agad naman nilang tinulungan ang mga maliliit na bata. “Diretso lang kayo hanggang makita ninyo ang sementado na daan tapos kumaliwa kayo at makakarating na kayo sa malapit na istasyon ng mga pulis.” “Sige.” Tahimik silang lumabas at tinungo ang kakahuyan. Nang napansin ng binatilyo na huminto si Felicia sa paglalakad at nakatingin sa kanila. “Hindi ka ba sasama sa amin?” tanong ng binatilyo. Sinara ni Felicia ang pintuang kahoy at tumingin sa kanila. “Mauna na kayo. Susunod ako mamaya. May tatapusin lang ako at tumakbo na kayo.” Gusto sana siyang pigilan ng binatilyo, pero sa huli ay nagtiwala na lamang siya sa batang si Felicia. ******* Nachtwrites22Nakasuot ngayon si Shia ng magandang white princess dress at nagpapatugtug s'ya ngayon habang nakatapat sa kanya ang spot light. She had a fair skin and almond eyes and peach cheeks, and she could already see the outline of a beauty.Matapos ang kanyang magandang tugtug ay agad nagpalakpakan ang lahat ng mga taong nandidito ngayon. Maraming mga namamangha sa pagiging maganda at talented nito sa larangan ng musika.Tumayo s'ya at nag-princess bow s'ya sa lahat habang nakangiti. Hanggang sa nakita n'ya ang grandpa n'ya na nanood ngayon.Agad naman s'yang lumapit sa matanda at ngumiti ng matamis."Grandpa! Nandidito ka. Akala ko hindi ka makakadalo at hindi mo makikita ang performance ko."Nag-act ito ngayon bilang spoiled brat sa harapan ng matanda pero hindi 'yun tumatabla sa matanda."Hmm."Yun lang ang sinabi ng matanda habang nakaupo pa rin sa wheelchair nito at hindi na ito nagsalita pa.Bata pa lang kasi ito ay pumasok na ito bilang soldier kaya ang appearance nito ngayon ay seryo
"He's the chairman of LM Company." Muntik nang mabulunan si Lucien sa sinabi ni Felicia at dahan-dahan s'yang napatingin sa lalaking binuhat n'ya sa likuran n'ya. Hindi n'ya namukhaan ang lalaking buhat ngayon dahil sa dugo na nasa mukha nito ngayon. After all, ang chairman ng LM ay sikat bilang pinakagwapong businessman at isa rin itong star financial sa mga magazine taon-taon. Pero ngayon sa harapan ngayon sa harapan n'ya ay hindi na n'ya mamukhaan ang lalaking 'yun. Hindi rin namukhaan ni Felicia nung unang kita nito sa lalaki pero kalaunan ay namukhaan na rin nito. "I need to save him. Dahil sa akin kung bakit s'ya nandidito ngayon at isa pa alam na ng mga lalaking 'yun ang destinasyon nito." Napabuntong hininga na lang si Lucien dahil sa sinabi ni Felicia at pinakinggan na lang nito ang nangyayari sa labas. Kinalma na rin n'ya ang sarili n'ya at tiningnan n'ya si Felicia dahil alam n'ya na may iniisip ngayon ang bunso n'ya. "Sabihin mo lang sa akin ang gagawin ko at maki
Narinig nila ang malalakas na bomba ng mga sasakyan sa unahan. Kasabay ng malalakas ng pagbobomba sa sasakyan ang pag-ikot ng mga gulong nito na makakakuha ng attention ng lahat.Napatingin naman si Felicia sa mga sasakyan na mabilis na nagsilabasan ang mga lalaking nandodoon na may hawak na mga armas."Be careful, hide quickly," agad na react ni Felicia.Hinila n'ya ang tie ni Lucien at agad silang nagtago sa plants sa gilid. Doon natauhan si Lucien sa nangyayari at kung s'ya lang ang nandodoon ay posibleng malagay agad sa panganib ang buhay nila.Nanginginig ang kamay ni Lucien pero pinipigilan n'ya ito."Anong nangyayari? May hinahanap ba kayong tao? Nafi-filming ba kayo ng movies?" ani ng isang bisita pero sinuntok lang ito ng isang malaking lalaki na kinatumba nito sa sahig.Nagsigawan naman ang mga kabataan sa nangyayari.Napatingin naman si Lucien sa labas at nakikita n'ya ang nangyayaring kaguluhan. Ang grupo ng mga kabataan na excitement na nakatingin sa mga sasakyan kanina
“Tinakot ko lang naman sila.”Tinaas baba naman ni Felicia ang balikat n'ya na parang wala lang sa kanya ang nangyayari.Dahil ganito na ang ginawa n'ya noong nasa baryo pa siya. Maya't maya ay dumating na si Lucien at ang mga tauhan ni Lance, nakahinga na lang s'ya ng maluwag dahil sa nangyayari.Lumapit naman si Lucien sa kanila at nag-aalala itong napatingin sa kanila.“Hindi ako makapaniwala na ganito pala katapang ang kapatid mo. Ginawa pa n'yang tanga ang mga murderers na ‘yun?” hindi napigilang sabihin ni Lance kay Lucien habang ramdam pa nito ang panghihina ng mga tuhod nito.Napatingin naman si Lucien sa nagbabagang apoy sa baba ng bundok at napatingin s'ya kay Lance at napa-roll eyes na lang ito sabay sabing, “Kung tatawag si Felicia ng police ay paano niya ipapaliwanag ang patay na nasa baba? Kung hindi n'ya ginagamit ang isipan n'ya at kumalat ang balitang ‘yun ay sigurado sirado na itong racing area mo.”“May tama ka rin sa bagay na ‘yun.”Dahan-dahan namang napatango s
“Tinakot ko lang naman sila.” Tinaas baba naman ni Felicia ang balikat n'ya na parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Dahil ganito na ang ginawa n'ya noong nasa baryo pa siya. Maya't maya ay dumating na si Lucien at ang mga tauhan ni Lance, nakahinga na lang s'ya ng maluwag dahil sa nangyayari. Lumapit naman si Lucien sa kanila at nag-aalala itong napatingin sa kanila. “Hindi ako makapaniwala na ganito pala katapang ang kapatid mo. Ginawa pa n'yang tanga ang mga murderers na ‘yun?” hindi napigilang sabihin ni Lance kay Lucien habang ramdam pa nito ang panghihina ng mga tuhod nito. Napatingin naman si Lucien sa nagbabagang apoy sa baba ng bundok at napatingin s'ya kay Lance at napa-roll eyes na lang ito sabay sabing, “Kung tatawag si Felicia ng police ay paano niya ipapaliwanag ang patay na nasa baba? Kung hindi n'ya ginagamit ang isipan n'ya at kumalat ang balitang ‘yun ay sigurado sirado na itong racing area mo.” “May tama ka rin sa bagay na ‘yun.” Dahan-dahan namang napat
Agad napalayo si Lance nung binitawan ng naka-blonde ang leeg n'ya dahil sa saksak na ginawa ni Felicia sa braso nito. Nakita rin nila na nasa likod ng lalaki si Felicia habang may hawak na art knife na sumaksak sa balikat ng lalaki. Agad niyang tinanggal ang kutsilyong sinaksak sa balikat nito na nagbibigay ng ikalawang sakit sa lalaking sinaksak n'ya at lumabas na rin ang dugo roon. At isang iglap ay tinapat ni Felicia ang hawak na kutsilyo sa leeg ng naka-blonde na buhok na lalaki. "Subukan mong gumalaw, baka lulubog itong hawak ko sa leeg mo." Rinig ng naka-blonde ang childish voice nito pero hindi pa rin nawawala ang takot na nararamdaman ngayon. Hindi makikita ni Bogard ang mukha ni Felicia dahil nasa likod n'ya ito ngayon, ramdam din n'ya na delikado ang buhay n'ya ngayon. Agad n'yang tinaas ang dalawang kamay n'ya para magmakaawa dahil na rin sa sakit na nararamdaman. "P-Please, don't kill me." "Tumayo ka at lumapit ka sa mga kasamahan mo." Dahan-dahan naman s'yang tu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments