Si Dolores Roman, 22, ay pasan ang bigat ng mundo. Siya ang nag-aalaga sa nakababatang kapatid na may malubhang sakit, at dahil sa hospital bills at utang, halos hindi na siya makahinga. Pagod ‘man siya, pero hindi sumagi sa isip ang pagsuko. Gagawin niya ang lahat para sa kapatid—kahit pa napakahirap. Devon Valderama—mayaman, tahimik, at matagal nang may lihim na pagtingin kay Dolores. Lihim niyang sinusuportahan ang pag-aaral ni Dolores, at nang humiling ang kanyang lola na makita siyang masaya at may asawa bago ito mamaalam, naisip niyang ito na ang pagkakataong mapalapit kay Dolores. Inalok niya si Dolores ng isang contract marriage: isang taon silang magpapanggap bilang mag-asawa para mapasaya ang kanyang lola. Kapalit nito, sasagutin niya ang lahat ng utang ni Dolores at gastusin sa gamutan ng kapatid. Nag-alinlangan si Dolores, pero pumayag para sa kapatid. Ang usapan: walang feelings, walang komplikasyon. Pero habang magkasama sila, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Si Dolores, naantig sa kabutihan ni Devon. Si Devon, lalong minahal si Dolores. Hanggang sa bumalik ang ex-fiancée ni Devon, gustong bawiin siya. At si Dolores, nalaman ang totoo—na matagal na pala siyang mahal ni Devon, at ang kasal ay paraan para mailapit siya rito. Nasaktan si Dolores sa katotohanang itinago ni Devon, kaya siya ay lumayo. Pero inamin ni Devon ang lahat—na totoo ang lahat ng ginawa niya dahil mahal niya si Dolores. Sa huli, si Dolores ang bumalik—hindi dahil kailangan niya ng tagapagligtas, kundi dahil natutunan niyang tanggapin ang pagmamahal ng taong handang lumaban kasama niya. No contract and secrets - just love.
view moreHindi pa rin makapaniwala—iyon ang nararamdaman ni Dolores ng makalabas siya sa munisipyo kung saan ginanap ang simple niyang kasal. Parang kailan lang nang ipagdiwang niya ang ika-dalawampu't-dalawang taong kaarawan. And she felt that life was magical for that very moment. But one event changed everything.
Hawak niya ngayon ang katibayan na kasal na siya sa isang lalaking kailan pa lamang niya nakilala.
Si Devon Valderama.
“Ihahatid kita sa school mo,” ani Devon sa kanya.
Mas matangkad si Devon kaysa kay Dolores, itim na itim ang kulot nitong buhok, nakasuot ng salamin sa mata, at may kaputian ang balat. Para siyang estatwa na pinong dinisenyo ng isang magaling na iskultor. He's wearing a white shirt and jeans, making his look stand out and a little younger than everybody, including her.
"There's one million on this card. It's my betrothal gift to you. Here's the password for the villa and Tito Marshall's number. You can contact him if you have any questions. The house is in Highline Residences, unit six, 32nd Street and 11th Avenue, Global City. Puwede mo nang ilipat ang mga gamit mo kahit anong araw mo naisin.”
Hindi makapaniwala na tiningnan ni Dolores ang black card at calling card na inabot sa kanya ni Devon. Noong isang araw lang ay nag-aalala siya tungkol sa panggastos sa gamutan ng kapatid niya. Sa isang iglap, nabago ang estado niya sa buhay bilang mayamang asawa ni Devon Valderama.
Ito na ba ang sinasabi nilang gulong ng buhay?
Malaking halaga ang isang milyong piso. Kahit ilang beses siyang magtrabaho sa isang araw, hindi pa rin niya magagawang kitain ang gano'ng kalaking halaga.
“Ano'ng problema?” Bahagyang umarko ang kilay ni Devon nang mag-alangan siyang tanggapin ang inabot nito. “Masyado bang maliit ang pera? Huwag kang mag-alala, dadagdagan ko pa iyan. Hindi lang ngayon dahil may dadaluhan akong business conference sa ibang bansa. You may not be able to contact me for a few days.”
“Hindi na! Sapat na ito,” she answered and hurriedly took the card from Devon. “Alam kong abala ka, pero salamat sa paghatid mo sa akin dito.”
Mabilis siyang nag-alis ng seatbelt at binuksan ang pinto ng sasakyan saka bumaba. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi na niya namalayang nakarating na pala sila sa harap ng Global Perspective College. Dolores was studying multimedia arts at that college and currently on her fourth year. Aside from her part-time jobs, she’s writing novels online which slowly gaining attention and readers.
Nang maayos na siyang nakatayo sa gilid, bumaba ang bintana ng sasakyan ni Devon muli.
“Nakalimutan mo ang gamit mo,” aniya, saka tiningnang maigi ang inaabot nito. Nang mapagtanto niyang marriage certificate pala nila iyon, dali-dali niyang inabot. Sa dami naman ng makakalimutan, iyong katibayan pa na nagpakasal silang dalawa ni Devon.
“Thank you!” Walang naging sagot si Devon at basta na lang pinaharurot palayo ang sasakyan nito.
Dolores watched Devon leave, and when his car was out of sight, she couldn't help but open the envelope to check their marriage certificate and the wedding photo they took together. Totoong-totoo na kasal na siya kay Devon Valderama! Parang isang panaginip pa rin ang lahat at hindi pa rin niya maintindihan ang nararamdaman.
Devon was in his early thirties, with sword-like eyebrows and starry eyes. His face was more handsome than what Dolores had seen before. Sa larawan, nagmumukhang sobrang simple lang si Dolores. Nakaputing damit lang siya at nakatali pataas ang may kahabaan niyang buhok. The smile on her lips made her look more pure and a little submissive to Devon.
Hindi na rin naman masama ang itsura mo sa picture, Lola, aniya sa isipan.
It was a fine, sunny day outside. May kainitan ang araw kaya mabuti na lang at may suot siyang sumbrero panangga sa init. Dolores hailed a taxi to visit her brother, River, in the hospital. Pagdating doon, naabutan niya itong nagbabasa, katabi ang kaklaseng si Niana.
“Ate!” bati ni River nang makita siyang nakatayo sa may pinto. Masaya itong makita siya na para bang matagal na panahon silang ‘di nagkita. Samantalang ilang oras lang naman siyang nawala. May ngiting-labi siyang pumasok at nilapag sa bedside table ang pasalubong na pagkain.
“Hello, Ate Lola!” bati naman ni Niana na napansin niyang nagliligpit na ng mga gamit. “Mauna na po ako umalis. May kailangan pa akong gawin.” Lola, iyon ang tawag sa kanya ng mga taong malapit sa kanila. Pero kahit hindi naman gaano ka-close ay iyon pa rin ang tawag sa kanya ng iba.
“Pero, kararating ko lang,” aniya. Simula nang ma-ospital si River, lagi na itong dinadalaw ni Niana.
“Birthday ngayon ni Lolo kaya kailangan ko pong maagang umuwi.” Hindi na nagpumilit si Dolores na pigilan si Niana. Nang maiwan silang dalawa ni River, hindi niya maiwasang nangingiting tingnan ang kapatid.
"Girlfriend?"
“Ate, hindi. Magkaibigan lang kaming dalawa.” Pero iba ang sinasabi ng namumula nitong mga tainga.
“Hindi ako naniniwala.” Tumabi siya sa kanyang kapatid at inakbayan ito. “May maganda pala akong balita sa ‘yo.”
"Ano 'yon?"
“Nabenta ko iyong dalawang nobela sa halagang isang milyon!” Of course, it's a lie. River was shocked by the news. Halatang hindi siya makapaniwala sa ibinalita niya.
“Ang galing mo, Ate!”
“Sigurado na maooperahan ka at makikita mo pa na maging successful at mayaman ang kapatid mo!”
Nang mamatay ang mga magulang nila, si Dolores ay ka-papasok pa lamang sa high school habang si River naman ay nasa grade school pa lamang. Ipinakita ng kanilang mga kaanak ang masamang ugali at pinaranas sa kanilang dalawa kung gaano ka-'di patas ang mundo. Mabuti na lang at hindi pasaway na kapatid si River—nakakatulong pa sa kanya. Kaya naman nakapasok ito sa isang sikat na eskwelahan na noon pa man ay pangarap na nito.
But before the year ended, River was diagnosed with cancer. Tila gumuho ang mundo nilang magkapatid sa isang iglap. Tinanggap nila ng buo ang realidad at ginugol ni Dolores ang kanyang panahon sa paghahanap ng magaling na doktor para sa kanyang kapatid.
Sa paghahanap ng doktor ay kaakibat ang mas malaking gastos. Hindi sapat ang pamana na pera ng kanilang mga magulang at ang kita ni Dolores mula sa mga part-time jobs na pinasok niya.
Pero ngayon, may pera na si Dolores—kaya wala na silang problema ni River.
Nagpaalam siya sa kanyang kapatid at tumungo na sa billing department ng ospital. Binayaran niya ang lahat ng dapat bayaran at bago umalis ay nagpa-schedule siya ng appointment sa maging doktor ni River. Masayang-masaya si Dolores ngayon, dahil kahit mahirap ang buhay, basta’t kasama niya si River, lahat ay makakaya niyang harapin.
Pagkabayad ay nagdesisyon siyang umuwi para ipagluto si River ng maraming pagkain. Mahilig ito sa lutong bahay. Kahit pa may pera siyang pambili sa labas, minabuti pa rin niyang umuwi para magluto. Ngunit nang makarating ay si Arnel at nanay nito ang kanyang nakasalubong.
“Lola, pupunta ka ba sa ospital para dalawin ang kapatid mo?” tanong ni Aling Lorna sa kanya. “Nakakaawa talaga kayong magkapatid.”
Sa dami naman ng nakasalubong, bakit si Aling Lorna pa na laging may nakokomento kahit hindi naman hinihingan? Matagal na niyang kapitbahay ang mga ito at masasabi ni Dolores na kakaiba talaga ang ugali ni Aling Lorna. Hindi pa rin ito nagbabago at mukhang wala rin naman balak.
Nang makapasok si River sa sikat na eskwelahan noon, abot-langit ang inggit ni Aling Lorna. Tapos, nang ma-diagnose si River na may cancer, kung ano-ano pa ang sinabi nito. Hindi na lang niya pinatulan lalo't nanay ito ni Arnel—ang dati niyang kasintahan.
Pero ngayong hiwalay na sila ni Arnel, hindi na siya makakapag-timpi pa.
“Kaya naman namin alagaan ang isa’t isa. Mayaman na kami at may pinag-aralan pa, kaya ‘di kami nakakaawa, Aling Lorna. Bakit hindi na lang po ang pamilya n’yo ang pagtuunan n’yo ng pansin kaysa sa amin?”
Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Aling Lorna nang ibato niya ang tanong na iyon. Lahat ng mga kapitbahay nila ay alam na nambabae at basta na lang umalis ang asawa ng ginang.
“At sa paanong paraan naman kayo naging mayaman ng kapatid mo? Hindi ba’t baon na kayo sa utang noon pa?” sarkastikong sambit ng ginang. “Kahit saan palad ng Diyos mo hanapin, hindi ka makakakuha ng ipatutustos sa gamutan ng kapatid mo. Nag-aaral ka pa rin pati at hindi mo masasabi kung matatanggap ka ba agad sa trabaho. Itong si Arnel ay sa kumpanya ng mga Valderama natanggap at may sweldo—hindi mo kikitain kahit saan.”
Gustong matawa ni Dolores, at hindi na niya pinigilan pa. “Mabuti naman kung gano’n ho, Aling Lorna. Akala ko nga ay hindi na siya makatapos ng school.”
Nakita niyang lalong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Aling Lorna—mas lalo itong nairita sa kanya. May gusto pa sana itong sabihin ngunit pinaglayo na sila ni Arnel para hindi lumaki pa ang gulo, na nakakakuha na ng atensyon ng ilang kapitbahay nila.
Naging bukas na pagkakataon naman ang ginawang iyon ni Arnel para makaalis siya’t iwan ang mag-ina. Hindi na dapat siya nagsasayang ng oras sa mga ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit isang matatag na braso ang pumigil sa kanya.
“Bakit pinatulan mo pa si Nanay? Alam mo namang matanda na siya kaya dapat ay pagpasensyahan mo na lang. Ayan ba ang sinasabi mong may pinag-aralan, Lola?”
Sumimangot si Dolores matapos marinig ang sinabi ni Arnel sa kanya. “Pasensya? Paano ko pagpasensyahan ang taong natutuwa pa na may sakit ang kapatid ko? Wala talaga kayong pinag-iba, ano? Suwerte ako’t nagising pa ako sa pagkahibang sa’yo, Arnel. Buti na lang talaga nagising ako agad.” mariin niyang salita.
The late afternoon sun poured golden light into Devon and Dolores's hotel room, casting long shadows across the wooden floor. Wala silang lakad ngayon dahil masama na naman ang pakiramdam ng lola ni Devon. Pero sa isipan ni Dolores, nagawa lang ang matanda ng dahilan para lagi silang magkasama ni Devon gaya ngayon. It was as if Devon would let something develop between them. Iyong nangyari noong unang gabi nila sa Singapore shouldn’t have meaning at all. Kapwa lang sila nadarang dali na rin ng mga pinagdaanan nila pareho. Dolores sat curled up on the edge of his couch, her fingers lightly tracing the rim of her mug. Devon stood by the window, watching the city wind into the evening. “Dev, sumagi ba sa isip mo na humanap ng tamang babae para sayo at hindi na magpanggap?” tanong ni Dolores, her voice almost a whisper. Para rin walang makarinig at maka-alam sa totoong set-up nila. Devon turned, the light catching the tired lines beneath his eyes. “I did try, so I used a dating app. H
“Sure ka bang safe ‘to?” Dolores asked, gripping the edge of the small boat as it bobbed on the water. Nang sabihin ni Devon na may gusto itong puntahan, hindi siya tumanggi at agad na sumama sa asawa niya. Hindi rin naman sumagot si Devon sa tanong niya.Devon focused on rowing, glanced at her with a rare, boyish smirk. “I’ve done this a hundred times. If anything goes wrong, I know how to swim.”“Eh ako? Paano kung nalunod ako?” Aminado si Dolores na hindi siya marunong lumangoy. That’s the least talent she wished to have. Hindi talaga siya mahilig mag-swimming kahit napaka-init ng panahon sa Pilipinas.“I’ll save you.” She rolled her eyes, but a laugh escaped her lips. “Ang confident mo naman.”“It’s not my confidence speaking,” he said, gaze shifting briefly to the horizon. “Sure lang ako na kaya kita iligtas sakaling magka-problema itong bangka.”The words lingered between them, like the salty air caught in the wind. Dolores didn’t know what to say, so she looked into the sea, a
“Are you mad at me?” tanong na pumukaw kay Devon. Kasalukuyan siyang tahimik na nangingisda ngayon at inaabangan na may kumagat sa pain na nilagay niya. “Ano ba’ng pumasok sa isip mo at naitanong mo iyan?” Balik tanong niya kay Dolores. Para itong bata na hindi nagustuhan ang binalik niyang tanong. Mukhang hindi rin naman ito sasagot. “Huwag mo isipin na ang pananahimik ko ay galit. Minsan nag-iisip lang ako o ‘di kaya wala sa mood na magsalita.” “Ganyan ka ba talaga lagi? Kahit noong kayo pa ni Hannah?” Kumunot agad ang noo ni Devon. “Nagtatanong lang ako. Nakasimangot ka na agad dyan.” Mas lalong lumalim ang kunot sa kanyang noo. This woman is so unbelievable, sa isip-isip ni Devon. Kanina lang ay panay ang lagay nito ng boundaries sa pagitan. Ngayon naman ay parang ito na ang tumitibag sa mga pader na itinayo. “I’m not mad, okay?” Dolores scoffed and Devon didn’t expect it. “Lagi ka umiiwas kapag nababanggit ko na ang pangalan niya.” Ayaw na ni Devon na patulan pa Dolores. Bak
Awkward. Iyon sila ni Devon matapos ang naging pag-uusap nilang dalawa kani-kanina lang. Hindi na alam ni Dolores kung paano sila aakto na normal pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kagabi, parang wala siyang problema at hindi rin nalulungkot na wala si River. Maganda at maayos pa nga ang tulog niya habang nakayakap kay Devon. And it’s all in her memory now.Pinili niya kasi na hindi palalimin ang lahat kaysa patuloy na mahulog sa kanyang asawa sa papel. Pakiramdam niya kasi na baka kapag nasanay siya ay mahihirapan siya bandang huli. Paano kung hulog na hulog na siya tapos hindi masuklian?Malalim na huminga si Dolores at tiningnan ang medicine organizer na hawak niya. Inside that thing was her birth control pills. Kaka-inom pa lang niya ngayon at nangangamba na baka hindi iyon tumalab dahil maraming oras na ang lumipas mula nang may mangyari sa kanila ni Devon. Sa sobrang sidhi ng kanilang damdamin at pusok, nakalimutan na nila ang gumamit ng proteksyon.It’s not that she didn’t want
The smell of coffee drifted through the hotel room where they were. It was warm and bitter. Dolores sat at the edge of the bed, shirt half-buttoned, staring at the small window where sunlight filtered through the now-clear sky. Ikalawang araw nila sa Singapore at may mga naka-plano na sila gawin kasama ang lola ni Devon. At dinner last night, Devon’s grandmother told them to dress modestly today, for they would meet some nuns and monks taking care of Mrs. Valderama’s charity beneficiaries.Excited na siya na kinakabahan. Kaya naman mula sa bintana, nalipat ang tingin niya sa kamang kinauupuan. Behind her was Devon stirred under the blanket, looking at her which she could feel.“You okay?” he asked, voice rough from sleep. Iba talaga ang tama ng boses nito sa puso niya. Kaya noon pabilisin ang tibok ng kanyang puso kahit maikling salita lang ang nabigkas.She nodded, but didn’t turn her head completely. Nasa kama pa rin ang kanyang tingin at alam na niya kung bakit. Marahil ay alam na
Hindi na nila alam kung gaano katagal silang nagkatitigan—wala nang konsepto ng oras sa gitna ng ulan, apoy, at init ng katawan. Devon’s hand moved slowly, deliberately, tracing a line from Dolores’s wrist up to her elbow, like he was memorizing every inch of her.“Okay ka lang?” bulong nito sa kanya, boses niya mababa, parang takot na baka masira ang sandali kung magsalita siya ng mas malakas pa ro’n.Dolores nodded, swallowing softly. “Oo naman. Ikaw ba?”Para silang nabuhusan ng malamig ng tubig pagkatapos ng halik na kanilang pinagsaluhan. Hindi na nila alam kung ano ba ang dapat gawin ngayon. Would she dodge Devon’s stare or remain sitting beside him, staring directly to his eyes.Devon smiled, almost a smirk, but gentler. “I’ve never been this okay in a long time.” Si Dolores din naman. Kailan ba ang huli na naging ganito siya kalapit sa isang lalaki? Ayaw na niya alalahanin ang nakaraan at masyado rin abala ang isip niya sa pag-iisip kung ano ba ang gagawin.Not until Devon made
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments