Home / Romance / PLAY WITH ME, CHELSEA / CHAPTER 03- THE GAME

Share

CHAPTER 03- THE GAME

last update Huling Na-update: 2025-04-22 08:25:41

CHELSEA PASCUAL

Dinala ako ni Vander sa kanyang bahay. At agad niyang ginamot ang natamo kong sugat mula sa mga kamay ni Axel.

Hindi ko maiwasang mailang dahil sa lapit ng aming mukha. Kitang-kita ko ang bawat pagkibot ng kanyang labi sa t'wing dumadapo ang hawak niyang cotton sa sugat ko. At kahit hindi siya magsalita ay nararamdaman kong galit talaga siya.

Habang nakatitig ako sa kanya ay doon ko lang napansin kung gaano ka ganda ang hugis ng kanyang mukha.

Mahaba ang kanyang pilik’mata, makapal at maganda ang pagkaka-ukit ng kanyang kilay. Matangos at sakto lang ang laki ng kanyang ilong na bumabagay sa hugis ng mukha niya, habang kasing pula naman ng mansanas ang kanyang labi. Alam kong gwapo siya, pero ibang level ang kagwapuhan niya kapag natitigan mo siya sa malapitan.

Agad naputol ang pag-iisip ko nang muli bigla siyang nagsalita:

"Stop moving. Mas lalo lang sasakit ito, dahil ang likot mo," pagsaway niya sa 'kin.

Napalunok ako at hindi na nga gumalaw. Hindi niya talaga maramdaman na naiilang ako sa kanya. Gano'n ba siya ka manhid?

O hindi niya lang talaga ako kilala?

"Bakit mo ba hinahayaan ang lalaking iyon na saktan ka, martyr ka ba?" biglang bulalas niya.

Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ko sa tanong niyang iyon.

"Insulto ba yon?" usal ko.

"Tch,” tanging naisagot niya pagkatapos ay agad na tumayo at tinalikuran ako.

Sinusundan ko lang siya nang tingin at maya-maya lang ay nakita kong may dala siyang water bottle, at agad niya din iyong iniabot sa 'kin.

"Thank you," mahinang usal ko.

"Do you love him?"

Agad akong napaubo at naidura ang tubig na ininom ko, dahil hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon.

"Anong tanong yan?!" reklamo ko sa kanya.

Matunog siyang ngumiti at muling umupo sa silya na nasa tabi ko.

"Kasi hinahayaan mo lang siyang gawin ito sayo. A man like him, won't do anything good. He's an idi*t, and stvpid as h*ll." Aniya sabay tungga ng beer.

Bahagya namang kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Gano'n niya ba ka ayaw kay Axel?

"Hindi kayo magkasundo?" naibulalas ko bigla.

Ngumisi lang siya at agad na pinagkrus ang kanyang braso. Bigla siyang nanahimik na para bang may inaalala siyang isang bagay at hindi ko alam kung ano iyon.

"We used to, but not anymore," tipid niyang sagot sa ‘kin.

Diko na rin tinanong, baka sabihin niya pang napaka-chismosa ko.

"Babalik ka pa sa kanya?"

Pilit akong ngumiti, dahil wala rin naman akong ibang mapagpipilian. Pumayag na ako at ngayong nandito na'to ay mahihirapan na akong maka-alis pa.

"Alam mong hindi gano'n kadaling takasan itong pinasukan ko. My parents won't agree with it," mapait kong sagot.

Muling tumahimik ang paligid at gano'n na din kami. Pareho lang kaming nakatingin sa labas ng kanyang bahay, at naghihintay kung sino ang tatapos sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

"Why don't we just make a deal?"

Nagsalita na siya ulit, pero hindi ko din maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Let's get married. A fake marriage, it's a contract agreement,” paliwanag niya ay humarap sa 'kin.

Para akong hindi makahinga dahil sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin. At hindi man lang niya iyon agad inalis at nakatuon lang talaga sa'kin.

"Leave that stupid fiancé of yours. and play with me, Chelsea."

***

"Aish, tatanggapin ko ba o hindi?"

Naguguluhan paring tanong sa isip ko. Mula nang maihatid niya ako kaninang umaga pabalik dito ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol doon.

"C-chelsea."

Agad na naputol ang pag-iisip ko ang marinig ko ang boses ni Axel sa aking likuran. Matamlay akong lumingon sa kanya ay binigyan siya ng walang ganang tingin.

"I'm sorry about what happened yesterday,” mahinang usal niya sa 'kin.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinasabi niya. Kung may hawak lang akong bagay ngayon ay naihampas ko na sa pagmumukha niya. NANGGIGIGIL AKO!

"Wag mo 'kong patawanin, Axel. Wala na akong pakialam sayo kaya gawin mo na lahat ng gusto mo. Kahit mag-uwi ka pa ng iba't ibang babae dito ay wala na akong pakialam." Asik ko at tinalikuran siya.

***

At tama nga ako, dahil tatlong araw makalipas ay nakita ko na naman siyang nagdala ng babae dito sa bahay. At buong gabi silang nagtatalik sa loob ng kwarto namin. Sobra na akong nandidiri sa kanya at hindi ko na kayang pakinggan ang ingay, kaya't lumipat ako sa ibang kwarto na malayo sa kanila.

"Di muna talaga pinagawang soundproof and lintek na kwartong yan. Akala mo talaga magandang pakinggan mga ung*l nila." Pagdadabog ko pa.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, para sana makatulog. Pero hindi ito nangyari, kaya lumabas nalang ako sa aking kwarto at nagtungo sa maliit na casa dito sa bahay.

Niyakap ko ang aking sarili nang sumalubong sa ‘kin ang malamig na simoy ng hangin. Wala man lang akong dalang jacket, para sana takpan ang katawan ko nang sa gano'n ay maprotektahan ko ito mula sa malamig na panahon.

Nang makapasok na ako sa loob ng casa ay inikot ko ang paningin ko sa paligid. Gabi na, pero makikita ko pa rin ang ganda nito dahil sa mga ilaw na nasa paligid. Sandaling napawi ang ngiti ko nang umingay ang aking cellphone.

"Yes, mom," usal ko pagkasagot ko ng tawag.

"How are you? Okay ka lang ba d'yan?" sunod-sunod nitong tanong sa 'kin.

Kumibot ang labi ko, habang pinipigilan ang aking sariling maiyak. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo, ayaw kong mag-alala sila sa 'kin.

"Y-yeah. I'm okay, mom. Don't worry about me, I can handle it very well,” pagsisinungaling ko.

Marami pang tinanong sa 'kin si mommy, at nang masagot ko na lahat ng iyon ay agad na akong nagpaalam.

Nang maibulsa ko nang muli ang cellphone ko ay tumingala ako sa kalangitan, at nakangiting pinagmamasdan ang napakalaking buwan.

"Hindi ka makatulog?"

Boses iyon ni Vander, hindi na ako nagugulat pa sa mga biglaang pagsulpot nito sa harapan o likuran ko. Maging ang presensya niya ay pamilyar na sa 'kin.

"Oo, maingay sa loob eh,” pabirong sagot ko.

Nang tumingin ako sa gawi niya ay nasa tabi ko na pala siya at hindi ko iyon napansin. Wala man lang akong narinig na mga yapak, habang naglalakad siya papalapit sa 'kin.

"We can go separate ways, after five months right?" bulalas ko habang nasa buwan pa din ang aking tingin.

"Hmm yeah, five months and after that. You can do whatever you want. It's just a deal, you can still think about it. I will give you enough of time,” kalmadong sagot niya sa 'kin.

Wala namang mali kung tatanggapin ko ang deal niya. Dahil alam ko na isa iyon sa paraan, at siya lang din ang kayang alisin ako sa sitwasyong ito.

Nag-angat ako ng tingin at umikot paharap sa kanya. Ilang segundo lang ay gumalaw din siya at yumuko para tingnan ako.

"Let's do it, Vander," diterminadong usal ko.

Sumilay ang isang tipid na ngiti sa labi niya at dahan-dahan rin siyang gumalaw paharap sa 'kin, at hindi inaalis ang kanyang mga matang nakatuon na sa ‘kin.

"Let's get married."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cyrille Shatire
Lakas namn ng loob ng kabet na yan.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • PLAY WITH ME, CHELSEA    CHAPTER 15- SWEET BICKERINGS

    "PLAY WITH ME, CHELSEA"CHELSEA'S POV Nagising aking masakit ang buong katawan, pakiramdam ko ay para akong hinampas sa pader dahil sa sakit ng katawan ko. Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha nang maalala ko ang mainit na gabing pinagsaluhan namin ni Vander kagabi. Naramdaman kong muli ang paggapang ng kakaibang init sa buong katawan ko, at ngayon ko lang din naramdaman ang matinding hiya. “Kung pwede lang talagang magkulong lang ako dito sa loob ng kwarto, hanggang sa mawala ang sakit ng katawan ko ay gagawin ko.” bulong ko at padaskol na bumangon. Wala akong balak lumabas ng kwarto ngayon, pero dahil kumakalam na ang t’yan ko ay wala na akong ibang mapagpipilian. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, nag-aabang sa anumang sakit na maaaring bumalik. Pero kailangan ko talagang kumain, hindi ko kayang magutom pa. Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang buong bahay. Mukhang walang tao sa paligid.Pumunta ako sa kusina, naghanap ng anumang pwede kong kainin. Nakita ko ang mga nat

  • PLAY WITH ME, CHELSEA    CHAPTER 14

    "PLAY WITH ME, CHELSEA"VANDER'S POV“Let go of me, Tanya!” Singhal ko sa kanya at marahas na inalis ang kanyang kamay sa aking leeg. “D*mn it, she's angry!” sa isip ko nang maalala ko ang itsura ni Chelsea, kanina bago siya umalis. “T*ngina.” bulong ko sabay hinilamos ang palad ko sa aking mukha.“Was that your wife? Kailan pa nagbago ang tipo mo sa ibang babae, Vander? I thought I was your standard, she's not even half of my finger nails?” Mayabang na saad ni Tanya.I scoffed as I clicked my tongue, I looked at her with a bit of amusement in my face. “Kailanman ay hindi kita naging standard, Tanya! Wala ng tayo kaya pwede bang umalis ka na sa harapan ko,” sagot ko sa kanya.I'm trying to keep myself calm as much as possible, I don't want to insult her because it's not my thing, but if she keeps on doing this? I might throw her out of this village. “You just want to provoke me, Vander. Kaya ginagawa mo ito sa ‘kin, gusto mo lang makaganti sa akin, dahil sa ginawa kong pag-iwan sa

  • PLAY WITH ME, CHELSEA    CHAPTER 13- THE EX-GIRLFRIEND

    "PLAY WITH ME, CHELSEA"CHELSEA'S POV “Si Vander po?” agad kong tanong kay mamangha pagkapasok ko sa loob ng kusina. Abala ito sa pagluluto kaya lumapit na lamang ako sa kanya, at para na rin makita ko kung ano ang ginagawa niya. Bahagya siyang lumingon sa akin at ngumiti, “Maagang umalis, hindi ba nagpaalam sa ‘yo?” tanong niya. Kaagad niya ring ibinalik ang tingin niya sa kanyang nilulito, habang ako naman ay nakatitig lamang roon at hindi mapigilang mapakunot-noo. “Kailangan ba talaga ‘yon?” tanong sa isip ko. Maya-maya pa ay sabay kaming napalingon ni Manang Susan, dahil sa malakas na mga yabag na papalapit sa aming direksyon. “Ano na naman ang nangyari sa ‘yo, Korina?” Asik ko sa kanya. Hingal na hingal siya nang makalapit siya sa amin. Ilang saglit lang ay itinaas niya ang kaliwang kamay niya at doon ko lang nakita na may hawak pala siyang bulaklak. “At saan mo naman nakuha ito?” nakataas kilay kong tanong. Matapos huminga ng malalim, iniabot ni Korina sa akin ang bula

  • PLAY WITH ME, CHELSEA    CHAPTER 12

    "PLAY WITH ME, CHELSEA"CHELSEA'S POV “Nasisiraan na ata ng ulo ang lalaking ‘to,” mahinang bulong ko habang pinagmamasdan si Vander. Nasa garden ito, tumutulong magbungkal ng lupa at panay ang lingon sa akin na para bang mawawala ako sa pwesto ko ngayon. “Mukhang t*nga!” mariing asik ko pa at inalis ang aking tingin sa kanya. Pinagtuonan ko nang pansin ng brochure na nasa harapan ko, at ng makaramdam ako nang matinding kyuryusidad ay inabot ko iyon at nagsimulang tingnan ang bawat pahina. Maya-maya pa ay napatigil ako sa pagbaligtad ng mga pahina ng brochure nang makita ko ang isang litrato ng isang babae na may napakagandang ngiti at elegante ang postura. "Tanya Laure," I whispered, my eyes widening in surprise."Ang ganda niya," I said, hindi makapaniwala. Binasa ko pa ang article tungkol sa kanya, learning more about her modeling career and business ventures."Isa siya sa mga pinakabagong modelo ng taon," I read aloud, my voice filled with admiration. "At mukhang napakatalen

  • PLAY WITH ME, CHELSEA    CHAPTER 11

    PLAY WITH ME, CHELSEA THIRD PERSON'S POV “CALM DOWN, AXEL!” sigaw ng ginang sa kanyang anak. Pero hindi nakinig si Axel, at patuloy pa rin nitong pinagtatapon ang mga bagay na nahahagilap ng kanyang paningin. Maya-maya lang ay biglang pumasok si Ortiz, at agad na kinwelyohan ang kanyang anak, dahil wala itong balak pakinggan ang kanyang ina. “Kung hindi ka lang naman kasi t*nga ay hindi mapupunta kay Vander, si Chelsea,” mariing saad nito sa anak at pabatong binitawan ang kanyang kwelyo. Diretsyong tiningnan ni Axel ang kanyang ama, at binigyan ito ng nanghahamong tingin. Dahilan para mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Ortiz."Bakit ba hindi mo maintindihan?" Axel asked, frustration evident in his voice."What exactly don't I understand?! If you're talking about your stupidity, then I understand it very well, Axel." Ortiz pressed, his eyes locked on Axel's.Bumuntong hininga si Axel at muling hinarap Ang kanyang ama, gamit ang naguguluhan niyang mga mata."She just wants t

  • PLAY WITH ME, CHELSEA    CHAPTER 10- FIRST KISS

    "PLAY WITH ME, CHELSEA" CHELSEA'S POV “Lasing ka lang, Vander. I'm sure you'll gonna regret this,” pabulong kong saad at sinubukang itulak ang kanyang katawan. Pero nabigo lang ako at mas lalo niya akong kinabig papalapit sa kanya. “I won't,” he said huskily. I gulped when I felt the sudden tension between our bodies. Sunod-sunod at walang tigil ang naging paglunok ko lalo na nang mapansin ko ang posisyon naming dalawa. Isang galaw ko na lang ay nasa kandungan na niya ako. And thinking about that makes me blush. “Vander,” I whispered his name. My voice is barely audible. His eyes locked onto mine, and for a moment, I thought I saw something flicker in their depths. But it was quickly replaced by a piercing intensity that made my heart skip a beat. As he leaned in closer, his breath danced across my skin, sending shivers down my spine. "Don't say my name like that, Chelsea," he murmured, his voice low and husky. "It sounds like you're begging." Naramdaman ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status
OSZAR »