Lihim na pagkatao

Lihim na pagkatao

last updateHuling Na-update : 2022-11-02
By:  bon bernardoOngoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
11Mga Kabanata
4.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Mark Lester De lima,ang natatanging personalidad sa likod ng di mapapantayang katungkulan at kayamanan.Ngunit pilit na itinatago sa karamihan at pinananatiling mababang personalidad.Palaging inaapi,kinukutya at pinagtatawanan ng karamihan,paano niya ihahayag sa lahat ang kanyang tunay na pagkakakilanlan kung walang naniniwala sa kanyang kakayahan lalo na ang kanyang katayuan sa buhay.Tuklasin ang kanyang mga hakbang kung paano niya mapapanatili ang kanyang matibay na katayuan at pagpapalawig ng kanyang kayamanan upang sakupin ang maraming lugar sa ilalim ng kanyang kapangyarihan at pamumuno ng hindi inilalantad ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.Sa kabila ng maraming pagsubok at makakaharap na maimpluwensiyang karakter,anong mga hakbang ang kanyang gagawin?

view more

Kabanata 1

chapter 1

Sa bahay ng pamilya Ruiz,tatlong babae ang nakaupo sa sofa.Nagpapakita ng kaakit akit na ganda ang mga ito,na kahit na sinuman ang titingin sa kanila hindi maiiwasang hindi mabighani sa mga ito.

Isa sa mga ito ay si Jasmine na nasa edad na 21,ang asawa ni Lester na pinaka may maamong mukha sa tatlong kababaihan na nakaupo sa sofa.Kasama nito ang kanyang nakababatang kapatid na kasalukuyang nag aaral sa sekondarya na si Ella.Bagamat nasa murang edad hindi mapagkakamalang high school student lang ito dahil sa katangkaran at hubog na ng husto ang katawan ni Ella.

Ang isa naman ay ang kanyang ina na si Liza,bagamat nasa edad na 50's hindi pa rin kumukupas ang taglay nitong kagandahan dahil sa pag iingat nito sa kanyang pangangatawan at lalong lalo na sa kanyang mukha na wala kang mababakas na kulubot na sanhi ng katandaan.Kapag magkakasama ang tatlo mapagkakamalan silang magkakapatid na hindi gaanong nalalayo ang mga edad.

Tatlong taon nang kasal sina Lester at Jasmine,ngunit hindi man lamang sila nagtatabi sa higaan.Sa sahig natutulog si Lester sa loob ng tatlong taon.Katulong ang turing sa kanya sa bahay ng mga Ruiz.Pagluluto,paglilinis ng buong bahay na may dalawang palapag,pamamalengke at kung minsan yan utusan kung may mga kailangan ipagawa ang mga ito sa kanya.

Samantala habang kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan si Lester narinig niya ang sigaw ng kanyang biyenan na si Liza na tinatawag ang kanyang pangalan kaya agad nitong iniwan ang kanyang mga hugasin upang lapitan ito.

"Lester nalabhan mo na ba ang aking damit na isusuot para sa kaarawan ng aking biyenan bukas?" agaran naman ang sagot ni Lester "hindi ko pa natatapos pero ibinabad ko na ito sa sabon at mamaya pagkatapos ko sa hugasin lalabhan ko na ito para matuyo agad".Napasimangot at umirap na lang ito kay Lester at agad na tumayo at tumungo sa kanyang silid upang ayusin ang iba pang mga gamit na kanyang susuotin sa nasabing okasyon.

Si Jasmine ay nagwika ng "kapag tapos mo na ang mga gawaing bahay tumungo ka sa merkado at bumili ng ating pananghalian at isama mo na rin ang pang hapunan.Ubos na ang mga stocks natin kaya kailangan mo na mamili."Agad naman itong kumuha sa kanyang pitaka upang iabot kay Lester ang perang gagamitin sa pamimili.Tumalikod din agad si Lester at tumungo sa kusina upang ipagpatuloy ang kanyang naantalang gawain

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Rosalinda Barrios
next chapter please
2022-11-06 06:06:29
0
11 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status
OSZAR »