Nag-propose na rin sa wakas ang limang taon na nobyo ni Mia sa kanya sa araw ng kanilang anniversary. Masaya siya dahil nagbunga na rin ang kanyang paghihintay ng ilang taon. Sa gabi ding iyon walang pag-aalingan na ibinigay ni Mia ang kanyang pagkababae sa kanyang nobyo sa unang pagkakataon. Naging mapusok at mainit ang pinagsaluhan nilang pagkakaisa kaya naman sa labis na pagod ay nakatulog si Mia. Pero nagising siya makalipas ang ilang oras nang may tumawag sa kanyang cellphone. Ilang ulit na humingi ng tawad ang kausap niya sa kabilang linya dahil hindi raw ito nakarating sa kanilang anniversary dahil may importanteng inasikaso. Nagulat si Mia nang malaman niya na ang kausap niya ay ang nobyo niya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil alam niya ang boses nito. Napatingin si Mia sa higaan at nagtaka siya. Kung ang kausap niya sa cellphone ay ang totoong nobyo niya, sino pala ang lalaking ito na kamukhang-kamukha ng nobyo niya na natutulog sa kama? Sino pala ang lalaking ito na nagpropose sa kanya at nagkunwaring boyfriend niya? At ang nagpakaba kay Mia ng husto ay ang katotohanan na naipagkaloob niya ang sarili sa lalaking hindi naman pala talaga niya kilala.
view moreNakangiti akong nagsusukat ng isang magandang dress sa loob ng aking kwarto. Magkikita kasi kami ng boyfriend kong si Jeff ngayon para sa aming fifth year anniversary. Excited ako dahil sa isang mamahaling restaurant kami mag-di-dinner.
Bumaling ako sa pintuan nang biglang may narinig ako na isang katok. Kaagad kong binuksan iyon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng aking ina. "Ang ganda naman ng anak ko," sabi niya habang papasok sa loob ng aking kwarto. "Siyempre, nagmana ako sa inyo." Malakas siyang napatawa. Umupo siya sa aking higaan at pinagmasdan ako. "Bagay ba sa akin ang dress, Nay?" tanong ko sa kanya sabay ikot ko. Tumawa siya ulit. "Bagay na bagay, Mia anak. Para kang modelo na nakikita ko sa telebisyon." Ako naman ngayon ang napatawa. Bumaling ako sa harap ng salamin at inayos ang suot na dress na kulay pula. Spaghetti strap at hanggang hita ang tabas kung saan nadepina ang magandang hubog ng aking katawan, ang malalaki kong dibdib at maumbok na pwet. "Iyan ba 'yong ipinadala ni Jeff noong isang araw?" tanong ni Nanay, ang tinutukoy niya ay ang suot kong dress. "Opo." "Kasyang-kasya sa 'yo. Halatang alam na alam niya ang sukat mo, ah. Memoryado na ba niya lahat?" nakakalokong sabi ni Nanay. Umismid ako. "Siyempre alam niya kasi sinabi ko ang tamang size sa kanya." Limang taon na kami ni Jeff pero hanggang ngayon wala pang nangyayari sa aming dalawa. Hanggang halik lang at halos hindi niya ako hinahawakan sa kahit anong parte ng katawan ko. Naisip ko na nirerespeto niya lang ako ng husto kaya ganoon siya kaingat. Minsan kapag naghahalikan kami ay siya mismo ang unang tumitigil kahit na gusto ko pa... "Alam mo ba, Nay, kung magkano ito?" "Magkano?" "Nasa six digits. S-in-earch ko sa g****e ang brand." Dumilat ang mata ng aking ina sa gulat at mangha. "Pwede ko ba 'yang ibenta online pagkatapos mong gamitin?" Napatawa akong umiiling. "Nanay naman, eh!" "Biro lang." Naglagay ako ng kaunteng make-up sa mukha. Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Ang maliit kong mukha. Ang inosente kong mga mata. Ang maliit na ilong na medyo pointed ang tip at ang maliit ko ring mga labi na hugis puso. "Hindi pa rin ba nag-aaya si Jeff ng kasal?" tanong ni Nanay pagkalipas ng ilang sandali. Bumaling ako sa kanya nang nakasimangot. "Nanay, hindi ba't napag-usapan na natin 'to?" Bumuntong-hininga siya. "Nasa tamang edad na kayo. Bente siyete ka na at trenta na si Jake tsaka tama na ang limang taon sa pagiging mag-dyowa." "Huwag po natin siyang pangunahan. Hintayin lang po natin kung kailan niya gagawin." "Kami kasi ng Tatay mo tatlong taon lang na mag-dyowa ay nagpakasal na kami." "Magkaiba po kayo ni Tatay at kami ni Jeff." Bumuntong-hininga ulit siya. Alam ko kung bakit atat na atat na siyang maikasal ako. Gusto na kasi niya ng apo. Inaamin ko rin naman sa sarili ko na gusto ko na ring makasal kay Jeff at magkaroon kami ng pamilya. Pero siguro hindi pa handa si Jeff kaya naman hihintayin ko na lang kung kailan niya gusto. Kaya ko namang maghintay. Sinuklay ko ang matuwid at maiksing buhok ko na hanggang balikat. Sa simula ay ayaw ni Jeff sa buhok kong 'to dahil gusto niya 'yong mahaba. Hindi kasi ako nagpaalam na magpapagupit ako. Mabuti na lang at kalaunan ay nagustuhan niya rin naman. "Pero malay mo baka ngayon mag-propose na siya sa 'yo, anak." Naglagay na rin ako ng hikaw at kwintas. "Okay lang din naman po na hindi pa." "Subukan mo na lang kayang tanungin siya." "Hindi ko gagawin 'yan at lalabas pa na parang desperada ako." "Desperada na kung desperada tsaka wala namang masama ang pagtatanong." "Ayoko, Nay. Baka magaya pa ako kay Lara." "Hindi ka magagaya sa pinsan mo kasi ang boyfriend niya ay playboy. Ibang-iba naman si Jeff do'n. Matinong lalaki ang boyfriend mo." Ilang ulit na tinanong ng pinsan ko ang boyfriend niya kung kailan siya papakasalan dahil matagal na rin silang magkasintahan. Nagsawa ang boyfriend niya at parang na-pressure din kaya naman nagkahiwalay sila. Sinuot ko na ang silver strap high heels ko. Kinuha ko na rin ang sling bag ko na nasa higaan malapit kay Nanay at isinukbit iyon sa aking balikat. "Aalis na po ako, Nay." "Sige, mag-iingat ka. Text mo 'ko kaagad kapag may singsing ka na," natatawa niyang sabi sabay galaw ng kanyang palasingsingan na daliri na may suot na wedding ring nila ni Tatay. Napabuntong-hininga na lamang ako habang papalabas ng kwarto. Hindi ko gagawin ang ginawa ng pinsan ko. Hindi ko tatanungin si Jeff at hindi ko siya i-pi-pressure. Maghihintay ako sa tamang panahon. Halos trenta minutos din ang tinagal ng biyahe papunta sa restaurant kung saan kami magkikita. Tsaka nakadagdag din sa tagal ang traffic. Pagdating ko sa nasabing restaurant ay kaagad akong iginiya ng staff sa isang exclusive room. Lumakas ang tibok ng puso ko nang madatnan ko doon si Jeff na may bitbit na bouquet. Nakatayo siya malapit sa isang square table suot ang kulay itim niyang long-sleeve polo shirt na nakatupi sa braso. Itim na slocks at itim rin na leather shoes. Paglapit ko sa kanya ay nag-dim ang lights ng silid at lumiwanag ang mga fairy lights sa kisame. Napangiti ako at namangha. Ibinigay niya sa akin ang bouquet. "This is for you, my dear girlfriend," nakangiti niyang sabi. "Thank you," nakangiti ko ring sabi sabay kuha ng bouquet. Red roses ang mga iyon. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Happy anniversary." Pagkatapos ay sinuyod niya ng tingin ang buong katawan ko. "You look so gorgeous tonight," malamyos niyang sabi. Wala akong naging tugon dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Maingat niya akong pinaupo at pagkatapos ay umupo siya sa harapan ko. Napatitig ako sa mukha niya kasi napansin kong may kakaiba. Dalawang linggo lang naman kaming hindi nagkita pero humaba na ng kaunti ang buhok niya. Pero masasabi kong hindi iyon nakabawas kahit kaunti sa kanyang kagwapohan. Ang mga mata niya ngayon ay parang kumikislap na mga butuin dahil hindi lang ang mga labi niya ang nakangiti, pati rin ang mga iyon. Usually ay seryoso ang mukha ni Jeff, hindi kagaya ngayon na sobrang lapad ng ngiti niya. Siguro masayang-masaya rin siya kagaya ko. Ilang sandali kaming nagkatitigan at naputol lang nang biglang may lumapit sa amin at nilagay sa ibabaw ng lamesa ang aming mga pagkain. Kasunod na nilagay ang aming plato, mga kubyertus at malamig na tubig. Tinanggal ko ang sling bag ko at inilagay iyon sa aking kandungan. Nilagay ko na rin sa gilid ng lamesa ang bouquet na binigay niya. "Do you like it?" tanong niya nang mapansin ang paninitig ko sa bulaklak. Sa ilang taon naming nag-cecelebrate kadalasan ay pink tulips ang binibigay niya. Ngayon lang siya nagbigay ng red roses. Nakaramdam ako ng pagpiga ng kung ano sa loob ng aking tiyan dahil may biglang sumagi sa aking isipan. Hindi kaya? Kaagad ko rin namang iwinaglit iyon sa aking isipan dahil ayokong umasa. Ang dapat ko lang gawin sa gabing ito ay eenjoy ang bawat minuto. Tumango ako bilang tugon. "Good to hear that," sabi niya. Nang sinimulan na naming kumain ay biglang tumugtog ang isang violin sa gilid ng silid. Hindi ko namalayan na may tatlong manunugtog na pala ang nandoon. Instrumental love song ang itinugtog nila. Naiiyak akong bumaling kay Jeff dahil sa effort niya sa anniversary namin ngayon. Nadatnan ko naman siyang nakatitig sa akin. Ang saya ko. Sobrang saya. Habang kumakain kami ay ilang beses kong nahuli ang mga mata niya na sumusulyap-sulyap sa akin. Idinaan ko na lang sa hagikhik ang kilig at ang pag-init ng pisngi ko dahil sa ginagawa niya. Nang maubos na ang pagkain namin ay sumenyas siya at lumapit kaagad sa amin ang isang staff dala ang isang wine at dalawang wine glass. Nagkatitigan kami ni Jeff habang umiinom ng wine. Sa hindi malaman na dahilan biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang bigla siyang tumayo pagkatapos punasan ang bibig ng puting panyo na dala niya. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa aking harapan. Inilabas niya ang isang singsing. Nalunok ko ng wala sa oras ang iniinom na wine dahil sa ginawa niya. "Will you marry me?" "Jeff?" Iyon lang ang nasabi ko dahil halos hindi ko pa ma-proseso ang sinabi niya. "I want to spend my life with you, Mia. I want you to be my wife. Will you marry me?" ulit niya. Hindi ako makapagsalita. Tanging tango lang ang nagawa ko. Ngumiti siya at kaagad na isinuot ang singsing sa aking palasingsingan. Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang singsing na suot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tama nga ang naging kutob ni Nanay kanina at tama rin ang ginawa kong paghihintay. Tumayo na si Jeff. Kinuha niya ang wine glass mula sa aking kamay at inilagay iyon sa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya rin ang sling bag ko mula sa aking kandungan at inilagay din sa lamesa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinatayo ako. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Kasabay ng romantic love song na tinutugtog ng mga violinist ay ang dahan-dahan ding pagsayaw sa akin ni Jeff. Ilang sandali kaming nagyakapan hanggang sa may ibinulong siya sa aking taenga. "I want you right now, Mia." Nagsitayuan ang mga balahibo ko pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin. Unang beses kong marinig iyon mula sa kanya. "I want us to spend the night together." Uminit ang buong katawan ko. Inaamin kong matagal ko na ring gusto na mangyari ang nais niya. "Is it okay with you?" Hindi ako sumagot kaya naman kumalas siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "I need your permission, Mia. Please answer me." Lumunok muna ako bago sumagot. "Oo, Jeff, gusto ko rin," namamaos na tugon ko. Iyon lang ang hinintay niya at kaagad akong siniil ng mapupusok na halik. Kakaiba ito sa mga kadalasang halik niya. Halos hindi ko mapantayan ito ngayon. Bigla siyang tumigil at pinagdikit ang mga noo namin. "Can we go now?" hinihingal niyang tanong. Tumango ako. Siya na ang nagsukbit ng sling bag ko sa balikat ko at siya na rin ang nagbitbit ng bouquet. Pagkatapos ay hinila na niya ako palabas ng silid na iyon. Since hotel ang nasa itaas na palapag ng restaurant kaya naman kaagad kaming nag-check-in at pagkatapos ay tinungo na ang elevator. Pinili ni Jeff ang fifteenth floor kung saan ang pinakamataas na floor. Hindi humupa ang kaba sa aking dibdib at mas lalo itong dumagundong nang pagpasok namin sa isang VIP room ay mabilis niyang itinapon ang bouquet sa sofa at inatake niya kaagad ako ng agresibong mga halik. Naninibago ako sa paraan ng paghalik niya kasi hindi siya ganito. Pero naisip ko rin na dapat na akong masanay dahil gusto ko rin na ganito siya. Naging mabilis ang galaw ng mga kamay ni Jeff at ngayon nga ay pareho na kaming hubot-hubad na. Nakahiga na ako sa kama at siya ay nasa ibabaw ko. Wala na siyang sinayang pa na pagkakataon at mabilis niyang ipinasok ang kanya sa akin. Napasigaw ako nang walang pagdahan-dahan niyang ginawa iyon. Hindi na ako nakapagreklamo pa nang maramdaman ko na ang sarap dahil sa paglabas-pasok niya. Oo masakit dahil unang beses ko pero gusto ko rin ang sarap na hatid sa katawan ko ang bawat na paggalaw niya. Magkahalong sigaw at ungol ang ginawa ko hanggang sa nakatulog ako sa sobrang pagod. Nagising ako na madilim pa rin ang labas dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Nakita ko naman ang oras sa wall clock na alas diyes pasado pa lamang. Ayoko pa sanang bumangon dahil gusto ko pang manatili sa mga bisig ni Jeff pero wala akong nagawa nang hindi tumigil ang tawag. Dahan-dahan akong kumawala sa yakap ni Jeff at tumayo na mula sa higaan. Naramdaman ko kaagad ang hapdi sa maselang parte ng pagkababae ko pero ininda ko iyon at hinanap ang sling bag dahil nandoon ang cellphone ko. Natagpuan ko din naman iyon sa sahig at kaagad kong binuksan. Wala sa sarili kong sinagot ang tumatawag. "Hello?" "Thank God at sinagot muna ang tawag ko. Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo sinasagot. Hindi ka rin nag-reply sa mga texts ko. I know it's my fault na hindi tayo nakapag-celebrate ng anniversary ngayon. I am really sorry, okay? Please forgive me, Mia. I'll make it up to you. I promise." Napakunot ang noo ko at tiningnan ang pangalan ng tumatawag sa screen ng cellphone. Napaawang ang labi ko at muling ibinalik ang cellphone sa taenga. "Mia, please. Talk to me. I don't want us to fight. Please forgive me." "Jeff?" wala sa sarili kong tawag sa kanya. "Yes. Forgive me. Pease?" Alam ko ang boses niya at boses niya ito. Sigurado ako. Bumaling ako sa higaan at lumakas ang tibok ng puso ko. Kung si Jeff ang kausap ko sa cellphone, sino ang lalaking ito na pinagkalooban ko ng pagkababae ko? Sino pala ang lalaking ito na nagkunwaring si Jeff na boyfriend ko?Pagdating namin sa condo ni Jake ay kaagad kaming nagtalik. Wala na kaming sinayang na pagkakataon. Nagyayakapan kaming dalawa ng ilang sandali pagkatapos naming gawin iyon. Pero napabalikwas ako ng bangon nang may biglang tumawag sa aking cellphone. Mabuti na lang at nasa gilid lang din ng kama ni Jake ang bag ko kaya madali kong nahanap ang aking cellphone. Kaagad kong sinagot ang tumawatag. Nakita ko sa screen na si Nanay iyon."Mia? Ano itong mga pagkain na pinadala ni Jake?" iyon ang bungad niyang tanong sa akin.Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil nakalimutan ko pa lang itext si Nanay tungkol doon. Nawala na kasi iyon sa isipan ko dahil naituon ko ang atensiyon sa ibang bagay..."Pinadeliver po 'yan ni Jake, Nay." Napalingon ako kay Jake nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa lantad kong baywang."Ha? Bakit daw? Para saan 'to?""Diyan po siya sa bahay kakain ng hapunan mamaya."Bumangon na rin si Jake at lumapit sa akin. Niyakap niya ako mula sa likuran at marahang hinahali
"OMG, Mia! Ang PDA ninyo ni Sir Jake!" eksaheradang sabi ni Andrea habang nasa magkabilang pisngi niya ang kanyang mga palad."Sorry," mahinang sabi ko. Uminit ang buong mukha ko dahil sa hiya."Nakakainis kayo." Sinimangutan niya ako. "Hindi niyo man lang inisip kung ano ang mararamdaman ng makakakita. Nakakainggit kayo kung alam niyo lang." Malakas siyang tumawa pagkatapos. Lumapit na siya sa akin at niyugyog ako. Napatawa na ako. Si Joyce ay umiiling-iling lang sa naging reaksiyon ni Andrea."May pa gano'n na kayo, ha! Dati smack lang, ngayon torrid na." Napayuko na ako habang natatawa pa rin. Nagtaka ako nang tumigil na si Andrea sa pagyugyog sa akin. Bumaling ako sa kanya at nakita kong nakatingin na siya sa isang kamay ko.Noong mga nagdaang mga buwan ay suot ko ang ibinigay ni Jake sa akin na singsing. Hindi iyon napansin ni Andrea. Ngayon lang niya napagtuonan ng pansin ang daliri ko dahil dalawa na ang suot ko."Totoo nga talaga 'yong sinabi ni Sir Jake sa hall. Niyaya ka n
"Nabusog ka ba?" iyon ang tanong sa akin ni Jake nang tumulak na kami pauwi."Oo," pagsisinungaling ko. Ang totoo ay kaunti lang ang nakain ko. "That's good."Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil naniwala siya sa sinabi ko at hindi siya nagduda. Hindi niya rin kasi napansin kanina na wala akong gana habang kumakain dahil natuon ang atensiyon niya sa usapan nila ng Daddy niya."We will eat there again next time."Napalunok ako at napabaling na lamang sa labas ng bintana. Nilibang ko ang sarili ko sa mga madadaanan naman. Doon ako nakatingin pero nasa ibang bagay ang isipan ko.Magkikita ulit kami ni Mrs. Corpuz at pagsasalitaan na naman niya ako ng mga masasakit na salita."Maybe pagbalik ko na lang or depende..." dagdag niya. Naging mahina ang boses niya."Kailan ka ba aalis?" mahinang tanong ko. "Bukas sana but it was moved to wednesday.""Bakit na-move?""Because I said so."Bumaling ako sa kanya at nadatnan ko siyang nakatingin na sa akin."I don't want to go tomorrow. I want to
"Mamaya na ba talaga?" kabado kong tanong."Why? May problema ba?"Napalunok ako. "Wala naman..." Hindi ko pinahalata sa kanya na hindi ko gusto ang gusto niyang mangyari. Iniisip ko pa lang na makikita ko ang Mommy niya na si Mrs. Corpuz ay natatakot na ako. Oo at sinabi ko sa sarili ko na kahit saktan niya ulit ako tatanggapin ko. Pero hindi ko talaga mapigilan ngayon ang kabang nararamdaman.Hapon na kami tumulak ni Jake mula sa condo niya. "I told Mom and Dad na kasama kita," sabi niya habang nagmamaneho siya. Papunta na kami sa bahay ng mga magulang niya. Narinig ko nga kanina habang nasa loob ako ng comfort room na may kausap siya sa kanyang cellphone. Ngayon ko lang nalaman na ang parents niya pala ang tumawag sa kanya. Tipid lang akong tumango bilang tugon sa sinabi niya."Jeff will also bring his fiancee to be," patuloy niya.Tumango ulit ako."Hey," malambing niyang sabi sabay hawak sa kamay ko. Bumaling ako na ako sa kanya. "Hmmm?" "Are you okay?" Mabilis akong tumang
Nang magtanghalian na ay nag-order na lang si Jake ng aming lunch dahil wala nang oras para magluto. Doon kami kumain sa kusina niya habang nakakandong ako sa kanya ng patagilid. Nakapulupot ang magkabila kong braso sa leeg niya habang nakapulupot din ang isa niyang braso sa baywang ko. Ang isang kamay naman niya ay ang ginagamit niya para masubuan ako ng pagkain. Gustong-gusto niya talaga kapag kumakain kami ay ganito ang posisyon namin."Ganito din ba ang posisyon natin kapag kumain ka ulit sa bahay namin?" mapanukso kong sabi."Bakit? Gusto mo ba?" nakangisi niyang tanong sa akin.Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Just tell me if you want us to be like this in front of your parents, walang problema sa akin."Hinampas ko siya sa balikat at malakas akong napatawa. Napatawa na rin siya.Hindi namin 'to gagawin sa harapan ng magulang ko. Nakakahiya kaya. Okay lang kapag ganitong kaming dalawa lang, pero kapag may ibang makakakita, hindi pwede.Sinubuan niya ako ng kanin at ulam at hab
"I finally decided to stop all of it when you started avoiding me," malungkot na sabi ni Jake. "Kaya kong tiisin ang galit ni Jeff at ng parents namin dahil sa ginawa ko. But you? Leaving me?" Umiling siya. "Hindi ko kayang tiisin 'yon."Bumuntong-hininga ako."Kaya noong sinabi mo na patunayan ko ang sarili ko at kapag nagawa ko na ay babalik ka na sa akin. Bumawi ako. Marami akong niligawan na ibang kompanya. I went and presented our programs to different provinces. I even went to the southern part of the country just to make a deal. I strived harder for the company, Mia, and thank God, it turns out well. Naging maganda ang performance ng kompanya. Tumaas ang accomplishment at ayon nga at nag-rank tayo as number one out of seventeen insurance companies in the country."Napatitig ako sa braso niya dahil wala akong lakas ng loob na tumingin sa mga mata niya habang kinukwento niya kung ano ang mga ginawa niya dahil sa kaibuturan ng puso ko ay naawa ako sa kanya. Alam ko kasing hindi ma
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments