"You're mine at mananatili ka sa piling ko hanga't gusto ko!" madiin at may halong pagbabanta na bigkas ng lalaking kaharap ni Precious Amber Rodriguez. HIndi niya akalain na sa simpleng pagtakas niya sa kasal sa lalaking itinalaga ng sarili niyang ama ay mapupunta siya sa kamay ni Lucian Montefalco Ferrero. Ang lalaking pinagbentahan niya ng kanyang virginity. Ang lalaking kailan niya lang nalaman na tiyuhin pala ng kanyang ex-boyfriend. Kakayanin niya kayang makisama sa isang lalaking umpisa pa lang, alam niyang katawan lang ang habol sa kanya or pikit mata siyang mananatili sa tabi nito alang-alang sa may sakit niyang Ina?
View MorePRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV
Bitbit ang birthday cake, excited akong pumasok sa loob ng elavator! Ngayung araw ang birthday ng boyfriend kong si David Ferrero at gusto ko siyang sorpresahin. Alam kong malaki ang tampo nito sa akin kaya ilang linggo na din nitong hindi ako dinadalaw. Hindi din ito sumasagot sa lahat ng tawag ko na labis kong ikinabahala. Siguro, hangang ngayun, hindi pa rin nawawala ang sama ng loob nito sa akin. Ilang beses na kasi nitong hiniling sa akin ang pakikipag-sex pero ayaw ko itong pagbigyan! Para kasi sa akin ang pakikipagtalik ay para lamang sa dalawang taong kasal na at hindi pwedeng sa magnobyo at mag nobya pa lang. Iyun ang dahilan kaya sa nakalipas na halos dalawang linggo wala na akong naging balita pa kay David pero ngayung araw, dahil birthday niya ngayun sosorpresahin ko ito! Ibibigay ko ang kung ano man ang nais nito bilang birthday gift at para bumalik na sa dati ang pagsasama naming dalawa! Mahal ko si David at kaya kong gawin lahat ng nais nito para lang maging masaya ito tutal naman dalawang taon na kaming magkarelasyon at panahon na siguro para pagbigyan ko ito sa matagal nitong hiling. Iyun ay ang maangkin ang aking katawan. Pagkabukas ng elavator sa third floor ng condo building kung saan nakatira si David dali-dali na akong lumabas! Naglakad patungo sa room 301 at hindi na nag-abala pang mag door bell! Kabisado ko ang pass code ng condo unit nito kaya naman dali-dali kong pinindot iyun at binuksan ang pintuan. Pagkabukas ng main door, walang pag-alinlangan na kagad kong inilibot ang tingin sa paligid. PInapakiramdaman ko din kung nandito pa ba si David hangang sa dumako ang paningin ko sa pintuan ng silid kung saan may narinig akong mahinang ingay dahil bahagyang nakaawang iyun. Excited akong naglakad patungo doon at mabilis na sumilip para lamang magulat sa aking nakita! "Ahhh David! Ahhh! Ughhh! Deeper! Ayan na! ayan na!!" maingay na bigkas nang babaeng kaulayaw nito sa ibabaw ng kama habang walang patid sa pag-ungol. Para akong pinako sa aking kinatatayuan sa nasaksihan kong iyun. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita kasabay ng pagpatak ng masaganang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan na maabutan ko si David sa hindi kaaya-ayang gawain! Kaya siguro hindi na siya nagpapakita sa akin nitong mga nakaraang araw dahil abala na siya sa ibang babae! "Ahmmm! Fuck Aurora! Ayan na din ako! Malapit na ako! Ahmnmm!" narinig ko namang sambit ni David na akala mo sarap na sarap siya sa ginagawa niya! Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa aking nakita! Pakiramdam ko biglang nanlaki ang ulo ko kasabay ng pagkalaglag ng cake na hawak ko sa sahig na siyang dahilan kaya lumikha iyun ng ingay kaya sabay silang napatingin sa gawi ko. Napansin ko pa nga ang pagkagulat sa mukha ni David nang mapansin niya ang presensya ko at bago pa siya nakapagalita, dali-dali na akong tumalikod at naglakad patungo sa may sofa. Hindi ito ang inaasahan ko dahil ang akala ko ay isang mabait at matinong boyfriend si David! Dalawang taon na kaming magkasintahan at siya ang palagi kong karamay sa mga panahon na kailangan ko ng taong masasandalan! Lalo na ngayung may sakit ang Ina ko! "Amber?" narinig kong tawag ni David sa pangalan ko! Hilam ang luha sa mga matang napatitig ako sa kanya bago ako umiling iling. "Kailan pa? Kailan mo pa ako niluluko, David?" tanong ko. Napansin kong natigilan siya kasabay ng galit sa mga matang tumitig sa akin "Ano ang iniiyak-iyak mo diyan? Lalaki ako at may mga pangangailangan ako na hindi mo kayang ibigay!" seryoso niyang sagot sa akin! Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat kasabay ng galit na biglang umusbong sa puso ko! "Pangangailangan? Niluko mo ako at ikaw pa talagang may ganang manisi sa akin ngayun?" galit kong sagot sa kanya! "Amber...Amber! Ano ba? Sa tuwing magkikita tayo ganito na lang ba palagi? Kung hindi mo kaya ang mga pinanggagawa ko, eh di umalis ka na! Hindi kita kailangan at hindi ko kailangan ang kasing arteng girlfriend na kagaya mo!" galit niya ding sagot sa akin! Hindi naman ako makapaniwala sa naring! Lalong nag-uunahan sa pagpatak ang luha mula sa aking mga mata bago ako napatitig sa babaeng kaulyaw niya kanina sa ibabaw ng kama na ngayun ay kakalabas lang ng silid habang may nang-iinis na ngiti na nakaguhit sa labi. "So, sa dinami-dami ng mga babaeng ipinalit mo sa akin...ang anak pa talaga ng kerida ni Daddy?" malakas ang boses na tanong ko kay David. Napahalakhak naman ito sabay baling ng tingin kay Aurora at walang sabi-sabing nilapitan at sa mismong harapan ko, binigyan niya ito ng malutong na halik sa labi. "YEs...siya nga and I am happy with her! Walang arte sa katawan na kagaya mo and I think natagpuan ko na ang babaeng makapagsatisfied sa lahat ng cravings ko!" nakangisi niyang sagot. HIndi naman ako makapaniwala sa narinig! Hindi ko talaga akalain na may ganitong side pala sa pagkatao ni David at sobrang sakit isipin na mukhang matutuldukan na ang dalawang taon naming relasyon!PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "AMBER, saan ka pupunta? Ayos ka lang ba?" habang naglalakad ako paalis, narinig ko pa ang pagtawag ni Ms. Mayette sa pangalan ko. Tumigil ako ako sa paghakbang at pilit ang ngiti sa labi na hinarap ko siya. "Nagpaalam na ako kay Sir Lucian na magha-half day lang ako ngayun. Pasensya na, Ms. Mayette." mahinang bigkas ko. Ilang saglit itong natigilan bago dahan-dahan na tumango. Pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun, direcho na ako sa elvator. Pinindot ang button at hinintay na lang na bumukas ng maramdaman ko ang paglapit sa akin ni Ms. Mayette. "Tungkol ba ito sa nangyari kanina? Ms. Rodriguez or Amber....naalala kita." seryosong wika niya sa akin. Nagtataka akong muling napatitig sa kanya. "First day mo pa lang dito sa work, naalala na kita. Ikaw ang kaisa-isang babae na nakita ko na labis na kinababaliwan ni Mr. Ferrero." seryosong wika niya sa akin na labis kong ikinagulat. "Naaalala mo ako? Ang dating ako? Kung ano at sino ba ako sa
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV '"AYOS ka lang ba?" seryosong tanong sa akin ni Lucian pagkapasok namin sa loob ng opisina niya. Alanganin naman akong tumango "May bago ka na naman yatang ka love team ah?" pabiro kong sagot sa kanya. "Galit yata siya sa akin kanina. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi niya sa harap ng marami. Tungkol sa nakaraan natin." muli kong bigkas. Wala eh. Wala akong ibang pagpipilian. Kailangan kong sabihin kung ano ang totoo. Feeling ko kasi, hindi na healthy ang lahat-lahat. Lalo na at nabulgar na sa lahat ang nakaraan naming dalawa nitong si Lucian. "Ako ang bahala. Huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. And regarding naman kay Jolina, nakausap ko na si Mommy tungkol diyan. HIndi na muling magku-krus ang landas niyong dalawa." seryosong sagot niya. "Ayos lang naman sa akin, Lucian. I mean...nasa tamang edad ka na. Siguro, gusto na talaga ng mommy mo na mag-asawa ka na." wika ko "Ano ang ibig mong sabihin? No! I mean...kung iniisip mo na papa
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POVNOT AGAIN! Don't tell me na mapagbibintangan na naman ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa? Ang gusto ko lang naman ay tahimik na buhay pero bakit ba napakalapitin ko ng gulo? Noong una si Lauren tapos ngayun naman itong si Jolina."Tinulak nila ako. Porket hindi ako welcome dito sa loob ng kumpanya mo, kung bastosin nila ako, ganoon ganoon na lang?" umiiyak na muling wika ni Jolina.Ang galing niyang umarte. Pang FAMAS din at feeling ko mas magaling siyang umarte kumpara kay Lauren? Itong si Jolina naman ang nauna pero kung makapalahaw ng iyak ngayun akala mo siya itong aping api."Sige pa...galingan mo pang magdrama. Iyung kapani-paniwala. Iyung drama na sigurado kang madadala kami sa kulungan." hindi ko na mapigilang sabat. Nakakaumay na. Ganito na lang palagi. Kung iiyak ako at magmamakaawa at ipaliwanag ang side ko, papaniwalaan ba ako ni Lucian? Dati hindi kaya sure ako na hindi din siguro ngayun."Tingnan mo, Lucian. Bastos siya. Bastos ang po
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Ano ang tinitingin-tingin niya diyan?" pagkapasok ni Mrs. Carmina sa opisina ni Lucian, kami naman ang pinagbalingan ni Jolina. Mukhang kami yata ang gusto niyang pagbuntunan ng galit niya eh. Well, ikaw ba naman na medyo napahiya sa iba pang mga empleyado dito sa deparment namin, talagang maiinis ka. At ito na nga ang nararamdaman ni Jolina ngayun. "Ikaw babae? Amber, right? Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba't ikaw iyung ex ni Lucian?" seryosong tanong niya sa akin na labis kong ikinagulat. May narinig akong bulungan sa buong paligid. Gosh, mukhang bibig pa yata ni Jolina ang magbubulgar sa nakaraan naming dalawa ni Lucian ah? "Ano? Hindi ka nakasagot ah? Hindi ba't ikaw iyung naging babae ni Lucian noon? Naging parausan ka niya diba? Naging bayaran?" malakas ang boses na wika nito. Sa pagkakataon na ito, ramdam ko na ang mapanghusgang titig na ipinupukol sa akin ng mga kasamahan ko. Pati si Ms. Mayette ay napatitig din sa akin. "Hindi mo al
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV MABILIS na lumipas ang mga araw. Naging puspusan ang training ko. Talagang very cooperative din naman ako at interesado din akong matuto. Ayaw kong biguin si Lucian. Kasalukuyan kaming abala ni Ms. Mayette sa harap ng computer nang mapansin ko ang pagdating ng dalawang babae. Noong una, hindi ko sana papansinin pero nang mamukhaan ko sila ay dali-dali akong natigil sa aking ginagawa. Kaagad tuloy akong napayuko dahil doon. Gosh, ano ang ginagawa ng Mommy ni Lucian dito sa opisina. Mainit pa naman ang dugo sa akin ng Mommy nito at tiyak akong malalagot ako kapag malaman nitong dito ako nagta-trabaho. Haysst, hindi pa man ako nag-uumpisa sa trabaho ko bilang secretary ni Lucian, may nagbabdyang kontrabida na dadating sa buhay ko. "Si Lucian. Nandiyan ba siya?" kaagad na tanong sa amin ng isa sa kanila. Walang iba kundi si Mrs. Carmina Ferrer at kasama niya si Jolina. Gosh, naka ban ang babaeng ito dito sa opisina ni Lucian at kaya siguro siya n
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV - "YES! Ang galing! Ang bilis kong mapromote." pang-iinggit ko sa mga kasamahan ko. Nagtagumpay naman ako dahil kaagad kong nakuha ang attention nila. "Talaga? Wow, congratulations, Amber." tuwang tuwa na bigkas ni Sapphire. Isang malapad na ngiti ang naging sagot ko bago ako naglakad para sundin ang sinabi ni Lucian kanina sa akin na kailangan ko na daw pumasok sa opisina niya dala ang Printed copy ng contract galing sa HR "Shit...talaga ba? Na promote siya? Eh, paano na si Ms. Mayette?" narinig kong tanong ni Susan. Halata sa boses nito ang hindi makapaniwala. Halata din na nagseselos ito dahil hindi marahil inaasahan na mapo-promote ako dahil nabangit nito kanina na ganda lang daw ang meron ako pero wala akong talilno. Well, ewan ko lang kung may lakas ng loob pa sila para pag-initan ako ngayung ako na ang bagong executive secretary ni Lucian Kumatok lang ako ng tatlong beses bago ako tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng opisina ni Lucian. Nagd
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments