Jenine Ysabelle Guevarra, a simple Senior High School teacher at De La Salle University, had a conservative and old-fashioned approach to life. This led to her first boyfriend leaving her for a wealthy, sexy, and liberated woman. Since then, Jenine had become aloof with men and hadn't found a boyfriend until she reached the age of 32. For her, it was better to stay single than to get hurt again. Fate, however, had other plans. Jenine was assigned to teach the worst ABM section, where she met Huxley Baltimore, the younger brother of the man who had broken her heart. Huxley was handsome, rich, arrogant, rebellious, and a troublemaker, feared by everyone. At 20 years old, he hadn't finished Senior High because he kept dropping out of school. Even with his antics, he couldn't be expelled from the university because his family owned it. From the very first day in Huxley's class, Jenine experienced the headaches of unruly and noisy students. This was a tremendous challenge to her profession, and she wouldn't give up until she tamed these spoiled brats. However, Huxley challenged not just her profession but also her heart, manipulating her for his own game to get her fired from the university. Jenine was about to be kicked out, but Huxley intervened, saying, "I'd rather be expelled from here than lose such an outstanding teacher."
View MoreJENINE
"Beshie, okay ka lang ba?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Leslie nang mapansin niyang hindi ako mapalagay.
"Kinakabahan ako besh, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa unang araw ko sa section ng mga estudyanteng pasaway. Bakit ba kasi ako ang napili ni sir na maghandle sa section na iyon eh! Kung pwede nga lang akong tumanggi, eh kaso hindi naman maari, namasukan lang tayo dito. We are obliged to follow our superiors." Pagmamaktol kong sabi sabay ligpit ng aking mga gamit kasi mayamaya'y mapupunta na ako sa magulong dimensyon ng De La Salle.
"Eh ano pa nga ba, dahil may tiwala si sir Salcedo na kaya mong i-handle ang mga iyon kasi matapang at palaban ka, kaya ikaw talaga ang maaatasan ng admin. Well, all I can say besh, is goodluck!" wika nito habang naghahanda na rin sa susunod nitong klase.
"But—If ever na hindi mo talaga makayanang i-handle ang section na 'yon no matter how much you try, eh di, mag quit ka para maghanap na naman sila ng iba. As simple as that di ba?" dagdag pang sabi nito.
Sumimangot na lamang ako dahil ano pa nga ba naman ang magagawa ko. Saglit akong nag-ayos ng sarili at sinuklay ang aking lampas na balikat na buhok. Pinunasan ko rin saglit ang aking eye glass, pagkatapos isinuot ko uli.
"Basta, 'yon na besh, goodluck. Uhm—alam mo bang nasa section na 'yon ang younger brother ng gagong ex-boyfriend mo?"
"What?" Nabigla ako sa sinabi ni Leslie kaya medyo napalakas ang boses ko. Buti nalang at kami lang dalawa sa loob ng faculty room dahil may klase pa ang iba naming kasamahan.
Kilala ko ang sinasabi nitong kapatid ni Harvey na si Huxley dahil palagi naman itong pinapatawag sa guidance office. Isa pa'y, wala namang hindi nakakakilala sa pamilyang Baltimore dahil ang pamilyang ito ang may-ari nitong paaralang pinapasukan ko. Parehong tanyag na negosyante ang mga magulang ng dati kong boyfriend at parehong nangggaling sa bilyonaryong angkan.
Maraming negosyo ang pamilyang Baltimore sa loob at labas ng bansa, particularly in America kaya di talaga matatawaran ang yaman at impluwensiya nito. 'Ika nga, the family of wealth and power.
Pero hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinakabahan nang marinig kong nasa worst section pala ang kapatid ni Harvey. Buong akala ko hindi na iyon mag-aaral this year, kasi sabi sa akin nu'n ni Harvey, wala daw 'yong interes sa pag-aaral at mas gusto na lamang sumama sa mga barkada sa bar at nightclubs.
"Besh, okay ka lang ba? Ba't natahimik ka? Ano, bumahag naba ang buntot mo?" panunudyo sa akin ni Leslie habang tumatawa ito.
"Hindi naman sa ganu'n besh. Hindi ko lang inaasahan na isa pala si Huxley Baltimore sa mga estudyanteng makakasalamuha ko mamaya," depensa kong tugon. Pero alam ko talaga sa sarili ko na natatakot talaga ako na magkaroon ulit ng connection sa pamilya ng ex-boyfriend ko. Hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko kay Harvey dahil sa panloloko niya sa akin. Buong akala ko mabait ang gagong iyon, dahil maamo naman ang mukha kung tingnan. Pero tama nga ang kasabihang, "You cannot judge the book by its cover."
"O sya, time na besh at kelangan ko ng pumunta sa next subject ko," paalam sa akin ni Leslie sabay bitbit ng kanyang bag at libro.
Si Leslie ay matalik kong kaibigan dahil sabay din kaming namasukan dito bilang Senior High School teachers. Pareho kaming graduate ng Financial Management but unfortunately, ako lang ang napili ng SH principal na ma-assign sa pinaka worst na section ng ABM. Gustuhin ko mang tumutol ngunit wala naman akong magagawa, empleyado lang ako dito.
Pagkalabas ni Leslie ng faculty room, lumabas na rin ako at tinungo ang hagdan papuntang second floor. Ngayon ang unang araw ko sa section ng mga pasaway. Pang sampu na raw akong ma-assign dito kaya, hindi ko alam kung kakayanin ko, o baka matulad lang din ako sa iba na nag-quit kaagad dahil hindi makayanang i-handle ang ugali ng mga mag-aaral na iyon. Hindi naman daw marami ang mga estudyante doon, nasa twenty lang daw , sabi ni sir Salcedo, ngunit daig pa ang more than 50 ka mga estudyante sa ingay at gulo ng classroom.
Mas lalo pang lumakas ang kabog sa dibdib ko nang matapat na ako sa pintuan ng panghuling classroom sa second floor. Sampu lahat ang mga silid-aralan doon intended for ABM students kung saan ang pinakahuli ay ang pinakaworst na section.
"Lord, please help me!" usal ko sa aking sarili at ipinikit saglit ang aking mga mata. Pagkatapos, huminga ako ng malalim at sandaling inayos ang aking blouse at slacks.
Pagkabukas ko pa lamang sa pinto, ay agad ng bumungad sa aking paningin ang nakapakagulong classroom. Hindi lang magulo, kundi napakaingay pa. Hindi naman ito naririnig sa labas dahil may pagka sound proof ang silid-aralan.Magulo ang mga upuan, maraming nagkalat na mga papel at balat ng kendi sa sahig. Karamihan sa mga estudyante ay nagpapatugtog ng rock music habang sumasayaw. Ang iba naman ay nagsisipagtawanan habang ang mga paa'y nakapatong sa ibabaw ng arm chair. Merong nanonood ng videos, merong naghahalikan. Talagang ito ang ang pinakaworst na section na aking napuntahan sa loob ng sampung taon kong pagtuturo sa university na ito. At kahit alam na ng mga estudyante na naroon ako sa may pintuan, ngunit parang hindi nila ako nakita.
"Okay, class good morning!" sinubukan kong batiin sila baka-sakaling mapansin nila ako, ngunit wala talaga silang pakialam. At kahit nakatayo na ako sa gitna, patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa. "Diyos ko!" usal kong muli. Parang ngayon pa lang gusto ko ng lumabas ng classroom na ito at mag-quit kaagad. Aatakehin yata ako nito sa puso at mamamatay nang wala sa oras.
"Excuse me, can I have your attention please." This time nilakasan ko na ang aking boses para lang marinig nila ako. Isa-isa kong tiningnan ang mga naroon at sa bilang ko'y nasa twenty talaga silang lahat. Parang hindi naman sila mga estudyante tingnan dahil maliban na hindi nagsusuot ng uniform, napaka untidy naman ang itsura, parang mga hoodlum sa eskinita. At yong mga babae naman, parang GRO sa club at laging nakukulangan ng tela ang damit. Napailing na lamang ako sa aking mga nakikita.
Hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang lalaking nakaupo malapit sa pader. Nakasuot ito ng tshirt na pinailaliman ng kulay itim na maong jacket. May hikaw ito sa kaliwang tenga at astig ang dating nito. At nang mapagtanto kong iyon ay si Huxley Baltimore, bigla na lamang nangatog ang tuhod ko habang patuloy pa rin sa pagkabog ang aking puso.
"Guys, tama na muna yan! May bago tayong teacher oh!"
Narinig kong sabi nito habang nakatingin sa akin. Parang nanunukso ang mga tingin nito at hindi ko alam kung bakit ako apektado. Agad namang tumigil ang mga estudyante sa kani-kanilang ginagawa, at itinuon ang pansin sa akin.
Totoo ngang isang salita lang ni Huxley Baltimore ay napapasunod ang lahat.
"Kayo ba ang bago naming adviser? Hmm—" Pairap na tanong ng isang female student na may maikli at blonde na buhok. Maganda naman ito at makinis ang balat. Halata talagang nanggaling sa mayamang pamilya. Matangos ang ilong at balingkinitan ang katawan. Pero napakagaspang ng ugali, hindi yata naturuan ng tamang pag-uugali ng magulang.
"Hmm, in case you want to know who I am, my name is Sabrina Monteverde," pagpapakilala nito sa akin habang paismid na nakahalukipkip. Bahagya akong ngumiti sa kanya, kahit hindi ko nagustuhan ang tono ng kanyang pagsasalita. Besides, I am inside the classroom at mga estudyante ko ang kaharap ko ngayon kaya kailangang magiging mahinahon ako.
"Good morning class, I am Jenine Ysabelle Guevarra, your new adviser in this section," kalmado kong pagpapakilala sa aking sarili. As much as possible, ayaw kong magpahalata sa matinding tensyon na aking nararamdaman.
"Cher, welcome to Hell Section!" sabay-sabay na sambit ng mga estudyante. Pagkatapos ay umugong ang malakas na tawanan.
"Cher, welcome sa unang araw mo dito. But we can assure you na wala ng second day at third day, because this is gonna be your last day!" wika ng isang lalaking maraming hikaw sa tenga. At umugong na naman ang malakas na tawanan habang nag-aapiran ang mga ito.
Ay ewan! Palibhasa nanggagaling sa maimpluwensiyang pamilya kaya kahit ganito kasama ang pag-uugali hindi pa rin ma-expel sa university. Iba naman talaga ang nagagawa ng yaman at kapangyarihan.
"Paano ka naman nakakasiguro na ito na ang huling araw ko, aber?" tugon ko naman na ang pinupuntirya ko ay ang lalaking maraming hikaw sa tenga. Sinikap kong patatagin ang aking sarili dahil ayaw kong magpahalata na natatakot ako sa kanila.
"Aba guys, matapang si teacher. Ito challenging, woooh!" malakas na sigaw nu'ng lalaki. Mabilis itong tumayo saka kumuha ng scarf sa bulsa ng pantalon nito at iwinagayway sa ere.
"Narinig mo iyon bro, Huxley? May teacher tayong matapang!" sambit nito habang nakatingin kay Huxley.
Dumako ang paningin ko sa kinauupuan ni Huxley, at nakita ko ang pagsilay ng nakakaloko nitong ngiti. Pagkatapos ay sarcastic itong tumawa sabay ng pagpalakpak ng mga kamay nito.
"Bravo!!! bravo!!! So teacher, let's find out kung makakatagal ka ba rito sa amin. Guys it's disco time!" nakangising sambit ng lalaki.
Pagkatapos ay umalingawngaw ang nakabibinging rock music. Sabay- sabay na nagsisigawan ang mga estudyante habang inaalis ang mga upuang nakaharang sa gitna. Mayamaya'y nagsipagsayawan na ang mga ito.
"Stop it!" pasigaw kong sabi. Ngunit nanatiling bingi lang ang mga estudyante.
"Diyos ko!" muli kong usal sa aking sarili. Napabuntung-hininga ako habang pinagmamasdan ko silang lahat. Hanggang sa muling dumako ang paningin ko kay Huxley na nakatayo lang sa gilid habang naghihitit ng sigarilyo. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin na animo'y sinusukat ang aking katatagan. Ngunit, hindi ako patatalo!
Isa itong hamon hindi lang sa aking pagkatao, kundi sa aking propesyon bilang guro. Kaya titiyakin kong hindi ito ang huling araw ko sa section na ito, dahil hinding-hindi ako susuko!
JENINEMabilis na nagdaan ang mga araw at bukas na ang graduation nina Huxley. Setting aside my personal feelings, bilang isang guro at adviser, magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil finally, ga-graduate na sila. Nagtagumpay ako sa misyon ko sa kanila at proud ako bilang teacher nila. Ngunit hindi ko rin maiwasang malungkot dahil mami-miss ko silang lahat. Hindi man naging maganda ang simula namin ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan naming unawain ang isa’t isa.Noong una, puro reklamo, puro tanong kung bakit ganito ang patakaran ko, o bakit ako istrikto. Akala nila, isa lang akong guro na walang pakialam, pero hindi nila alam kung gaano ko sila pinagmamasdan, kung paano ko sinusubaybayan ang bawat hakbang nila—mula sa mga simpleng recitation hanggang sa mga malalalim na suliraning personal.Ilang beses akong napagod, nasaktan, at halos sumuko sa dami ng pagsubok sa klase, pero palagi kong pinanghahawakan ang dahilan kung bakit ako nagtuturo—para maging
HUXLEYMakalipas ang tatlong araw, matagumpay kong nairaos ang final exam. Hindi lang basta pasado—mataas talaga ang nakuha kong scores. Hindi ako nagmamagaling, pero pinaghandaan ko talaga 'yon. Araw-gabi akong nag-review, hindi lang dahil gusto kong pumasa, kundi dahil may gusto akong patunayan. Inspirado ako—dahil kay Jenine.Nakakahiya naman kung mababa ang makukuha ko sa exam, di ba? Isa pa, gusto kong ipakita na karapat-dapat akong mahalin."O mabuti naman at nandito ka na," bungad na wika ni kuya Harvey nang madatnan ko siya sa sala. Umiinom siya ng canned beer habang nanonood ng TV."Halika ka bro, at samahan mo ako rito," aniya habang itinaas ang lata ng beer na parang nakikipag-toast.Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya sa malaking sopa.“Kumusta ang final exam ninyo?” tanong niya.“Okay lang naman, kuya,” tipid kong sagot, pilit na iniiwas ang tingin.Napansin kong bigla siyang tumigil sa pag-inom at tumingin sa akin. Matagal. Para bang tinitimbang niya kung sasabihin b
JENINE"Ano 'yang dala mo besh?" tanong sa akin ni Leslie nang makapasok ako ng faculty room."O sa 'yo na 'yan besh," sabi ko.Tinanggap niya ito at tiningnan ang laman. "Wow! Cream buns and muffins, my favorite!" bulalas niya at tinikman ito."Sinong nagbigay nito besh?""Si Alex Natividad.""Alex?" aniya at bahagyang nag-isip habang kumakain. "You mean, yong Engineering student na nagpapapansin sa 'yo noon?"Tango lang ang itinugon ko, saka sumandal sa couch. "Uhm, alam ko na," aniya at tumigil muna sa pagkain. "Kaya mo 'to binigay sa akin, dahil nagseselos ang prince charming mo noh?""Kaya nga, seloso eh," sabi ko. "Ito rin kasing si Alex, may pa-flower delivery pa, kaya nabadtrip 'yong isa, buti nalang at napigilan ng mga kaklase niya.""Oh really? Nagpadeliver ng bulaklak?""Yup. Tapos, mayamaya pumunta ng classroom at ibinigay yan sa akin. Bakit 'di nalang inabot ng personal ang bulaklak.""Eh di mas lalong maiinis 'yong prince charming mo. Buti nalang at hindi mismong si Ale
HUXLEYHindi ko mapigilang titigan si Jenine. She is really pretty—'yong tipo ng ganda na hindi kailangan ng effort. Kahit walang makeup, litaw pa rin ang kutis niya, at may natural na glow sa mukha niya na hindi nakakasawang tingnan. Bagay sa kanya ang rebonded niyang buhok—maayos, shiny, at parang may sariling buhay tuwing humahampas sa balikat niya.Mas lalo siyang bumabata ngayon, lalo pa't wala na siyang suot na salamin. I guess, she is wearing contact lens. Mas lalo tuloy akong nai-inlove sa kanya. Pero actually, hindi lang naman physical na apperance niya ang minahal ko, kundi ang buong personality niya. Ke-rebonded man o hindi ang buhok niya, nagususuot man siya ng salamin or contact lens, it doesn't matter to me. Basta ang alam ko lang, mahal ko siya. At sana nga lang grumadweyt na ako, para malaya na kaming dalawa."I would like to remind you na bukas na magsisimula ang final exam ninyo." Narinig kong sabi niya. "I hope you will all get a high score.""'Yes Ma'am," sabay-sab
JENINEAraw ng Sabado, at walang pasok ngunit maaga pa rin akong nagigising. Iniisip ko kung ano kaya ang p'wede kong gawin ngayon. Hanggang sa muling sumagi sa aking isipan ang pag-uusap nina Carol sa ladies' room kahapon."Si Miss Guevarra? Imposible namang magkagusto si Huxley du'n eh. Napakagwapo niya at mayaman pa, kaya maghahanap talaga 'yon ng mayaman din, sexy at maganda."Muli na naman akong na-insecure sa sarili ko kahit hindi ko naman dapat maramdaman 'yon. Mayamaya, nag-ring ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong inabot sa bedside table. Si Leslie pala ang tumatawag. "Hello, beshie. Good morning," aniya."Yes beshie. Good morning din. Napaaga yata ang tawag mo? May problema ba?""Nope. Wala naman. Gusto lang kitang ayain sa salon mamaya. Magpa-rebond ako ng buhok.""Ganu'n ba. Mapapa-sana all nalang ako sa 'yo besh," sagot ko. "Samahan mo ako besh. Wala ka naman sigurong gagawin ngayon di ba?""Yup. O sige," sabi ko.Hindi na nagtagal ang pag-uusap namin at ibinaba ko
JENINE Isang linggo ang nakalipas mula noong naging kami ni Huxley. So far wala namang problema. 'Yon nga lang kailangan naming mag-ingat para h'wag mahalata lalo na sa mga kasamahan ko at sa mga iba pang mga estudyante. Masaya naman ako at naintindihan niya ang sitwasyon namin. Pero 'yon na nga, hindi kami nagkakausap sa school at hanggang tinginan lang kaming dalawa. At kung nagkakausap man, tungkol lang sa lessons namin. Pero palagi naman kaming nagvi-video call sa gabi bago ako matulog kaya okay nalang din. "Ma'am, sumama ka na sa amin maglunch," yaya sa akin ni Marco nang matapos ang klase namin sa umaga. "Oo nga naman Ma'am," sabay-sabay na sang-ayon ng lahat. Napatingin naman ako kay Huxley, at ngumiti siya sa akin, na wari'y nagugustuhan ang ideya ng mga kaklase niya. "Okay sige," nakangiti kong sagot. "P'wede ko bang yayain si Leslie?" "Ayos lang ma'am," sagot ni Marco. Tatawagan ko na sana ang kaibigan ko, pero nagtext naman siya sa akin at sinabing sa labas daw sila
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments