AUTUMN FELICITY...
Para s'yang kakapusin ng hangin dahil sa pagpipigil na huwag masagot ang ina ni David.Marami pa itong mga masasakit na salita na ibinato sa kan'ya at alam ng Dyos kung paano n'ya pinigilan ang sarili na hindi masagot ito.Hindi s'ya nito tinantanan hangga't hindi s'ya nag excuse dito. Kita n'ya pa ang matagumpay na hitsura nito ng magpaalam s'yang aalis na.Umalis s'ya ng function hall para tawagan ang kasintahan ngunit hindi man lang ito sumasagot sa kan'yang tawag.Kanina n'ya pa ito hinahanap ngunit hindi n'ya man lang namataan kahit anino ni David sa function hall. Kung sana nandoon lang ang binata ay hindi sana n'ya nainsulto ng ina nito ng ganon-ganon na lang.Mabait ang ina ni David kapag nasa paligid ang kasintahan. Ang ipinapakita nitong kabutihan sa kan'ya kapag nasa paligid ang nobyo ay kabaliktaran kapag silang dalawa na lamang.Kaya para mapakalma ang sarili ay naglakad s'ya sa hallway at hindi alam kung saan patutungo. Naninikip ang kan'yang dibdib at nahihirapan s'yang huminga.Sobrang sakit ng mga ibinato nitong salita sa kan'ya at pinaparatangan s'ya ng kung ano-ano hanggang s'ya na mismo ang sumuko at nagkusang umalis.Nag desisyon s'yang lalabas muna para makalanghap ng hangin. Nilakad n'ya ang kahabaan ng hallway na walang katao-tao ngunit natigilan s'ya ng may marinig na parang halinghing at mga ungol.Nanayo ang kan'yang mga balahibo at biglang nangatog ang kan'yang mga tuhod. Hindi n'ya alam kung bakit kinakabahan s'ya ng sobra.Parang kung may anong nagtulak sa kan'ya na sundan at hanapin ang pinanggalingan ng mga ungol at halinghing na naririnig.Kahit nangangatog ang mga tuhod ay pinilit n'ya ang sarili na maihakbang ang mga paa para hanapin kung saan nanggaling ang mga naririnig na tunog.Natagpuan n'ya ang sarili na nakatayo sa isang pinto. Mas lalong lumakas ang naririnig n'ya habang nakatayo sa labas ng pinto kaya napagtanto n'ya na dito galing ang mga ungol.Nanginginig at namamawis ang kan'yang mga palad na hinawakan ang seradura at pinihit iyon. Sobrang lakas ng kaba ng kan'yang puso habang dahan-dahan na pinihit ang seradura.Maingat n'yang itinulak ang pinto at mas lalo pang naging malakas ang tunog at may kakaibang tunog pa na dumagdag sa naririnig n'ya. Tunog na parang nagsasalpukan na kung ano.Itinulak n'ya pa ang pinto para makita ang loob ng kwarto at ganon na lang ang pamumutla n'ya ng bumungad sa kan'ya ang dalawang tao na hubot-hubad na nasa ibabaw ng kama at mariing umuulos ang lalaki sa ibabaw ng babae na s'yang malakas na umuungol.Ngunit ang mas lalo pang nagpaguho sa kan'yang mundo ay ng makilala ang lalaking hubot-hubad, pawis na pawis at marahas na umuulos sa ibabaw ng babae na malakas na umuungol sa tuwing sinasagad ng lalaki ang katawan rito.Mas lalong sumikip ang kan'yang pakiramdam at nanigas ang kan'yang buong katawan sa nasaksihan."D-David!" nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng kasintahan. Mukhang narinig naman s'ya nito at nabaling sa pintoan ang tingin ng kasintahan at ganon na lang ang gulat na rumehistro sa mukha ng lalaki ng makita s'ya."H-Honey," nauutal na tawag nito sa kan'ya at agad na umalis sa ibabaw ng babae para lapitan s'ya ngunit umiling s'ya rito habang paatras na humahakbang palayo.Hilam sa luha ang kan'yang mga mata at halos himatayin s'ya dahil sa sobrang sakit ngunit nilabanan n'ya ang lahat at pinatatag ang sarili. Hindi s'ya pwedeng bumigay sa lugar na ito dahil magiging kawawa lang s'ya."Honey wait! Let me explain," tawag sa kan'ya ni David at akmang hahabulin s'ya ngunit mabilis n'yang nahamig ang sarili at mabilis na kumaripas ng takbo paalis ng hotel.Paglabas n'ya ay may isang sasakyan na huminto sa harapan. Wala sa huwesyo na pumasok s'ya rito habang hilam sa mga luha ang mga mata."Manong pahatid po sa bar na malayo rito," umiiyak na sabi n'ya sa driver. Hindi man lang s'ya nag-abala na tapunan ito ng tingin kaya hindi n'ya nakita ang pagsalubong ng noo nito at pag-igting ng mga panga na sinilip s'ya salamin."Please manong, ilayo n'yo po ako rito. Ayoko po dito, please ilayo n'yo po ako," pakiusap n'ya sa driver habang umiiyak.Walang imik naman nitong minaniubra ang sasakyan at nilisan ang hotel. Inilabas n'ya ang lahat ng sakit sa dibdib sa pamamagitan ng pag-iyak. Hindi n'ya inakala na mauuwi ang lahat sa ganito.Kailan pa s'ya niloloko ng kasintahan? Dahil lang ba sa hindi n'ya naibigay dito ang bagay na matagal na nitong hinihingi? O kaya siguro nakaya nitong hindi s'ya galawin sa loob ng apat na taon dahil may iba naman itong babae na sinisipingan.Napahagulhol s'ya ng iyak ng maisip ang lahat. Ang akala n'ya ay totoo ang lahat ng ipinapakita ni David sa kan'ya. Ang akala n'ya ay mahal s'ya nito ngunit puro pagkukunwari lang pala ang lahat. Niloko s'ya ng kasintahan at sobrang sakit para sa kan'ya ang ginawa nito.Sa araw pa mismo ng engagement nila. Hindi man lang ba nito naisip na masasaktan s'ya? O baka matagal na itong ginagawa ng lalaki at ngayon n'ya lang nahuli. Matagal na rin s'yang nakakarinig ng mga hindi maganda tungkol sa binata ngunit patay malisya lamang s'ya at hindi naniniwala sa mga usap-usapan ng iba tungkol sa nobyo n'ya.Napahagulhol s'ya ulit ng iyak dahil sa sakit. Naging mabuti naman s'yang kasintahan. Hindi naman s'ya nagkulang rito maliban na lamang sa isang bagay na hinihiling nito sa kan'ya na hindi n'ya naibigay rito hanggang ngayon.Hindi n'ya na napansin ang panaka-nakang pagtingin ng driver sa kan'ya at ang pag-igting ng panga nito sa tuwing sinisilip s'ya sa salamin. Masyado s'yang nasaktan sa natuklasan at nakita kanina para mapansin pa ang ibang bagay.Hindi n'ya rin alam kung gaano katagal ang naging byahe nila. Nahimasmasan na lang s'ya ng tumigil na ang sasakyan na sinasakyan n'ya at ng silipin n'ya ang lugar ay nakita n'yang nasa harapan s'ya ng isang bar.Kumuha s'ya ng pera sa kan'yang purse at inabot sa driver."Salamat manong," pasasalamat n'ya sa lalaki without looking the face of a man na s'yang naghatid sa kan'ya dahil nahihiya s'ya rito ng maisip ang kan'yang pag-iyak sa buong byahe.Dali-dali s'yang bumaba at naglakad patungo sa entrance ng bar. Hindi n'ya na napansin ang mariin na tingin ng lalaking naghatid sa kan'ya.Dumiretso s'ya sa bar counter at naupo roon. Hindi alintana ang mga tingin ng mga tao sa kan'ya.Sino ba ang hindi? Eh naka gown lang naman s'ya na pumasok sa naturang bar at parang wala sa sarili. Ang gusto n'ya lang ay ang makalayo sa lugar kung nasaan ang kan'yang manloloko na fiancee.Nag order s'ya ng inumin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumasok s'ya sa ganitong lugar. Tanging trabaho at bahay lang s'ya madalas at paminsan-minsan ay lumalabas naman sila ni David ngunit sa mga matitinong lugar sila pumupunta at hanggang sa pagkain lang ang ginagawa nila.Never n'ya pang naranasan na pumasok sa bar o makatikim ng alcohol sa tanang buhay n'ya.Ngunit dahil sa nangyari ay ito s'ya ngayon. Handang magpakalunod sa alak para lamang matakasan at makalimutan ang sakit na nararamdaman n'ya ngayon dahil sa pagkahuli sa panloloko ng kan'yang nobyo sa kan'ya.Nasusuka s'ya sa tuwing naalala ang nakita kanina. Hindi naman s'ya inosente sa mga ganitong bagay ngunit hindi n'ya pa naranasan na makakita ng mga ganito kahit sa internet lamang.And how she wished na sana sa internet lamang ang nakita n'ya kanina at hindi sa totoong buhay.Hindi totoo na ginagawa ito ng kan'yang fiancee kasama ang ibang babae dahil parang sasabog ang dibdib n'ya dahil sa sobrang sakit.Sunod-sunod na tinungga n'ya ang alak sa baso at maya-maya pa ay nakaramdam na s'ya ng pag-ikot ng kan'yang paningin at pagkahilo.HAILEY ROMESHELL..."Ahhhhhh!" malakas na hiyaw n'ya habang mahigpit na nakakapit sa gilid ng kama ang mga kamay. Sobrang sakit ng kan'yang t'yan at halos mawalan na s'ya ng boses sa kakasigaw.Pawis na pawis din s'ya at parang panawan na ng ulirat dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi n'ya inakala na ganito pala kasakit ang manganak.Nasa delivery room s'ya at kasalukoyang umiere para mailabas ang kanilang panganay ni Henry. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay naglilihi pa s'ya ngayon ay ilalabas n'ya na ang kanilang panganay.Hindi n'ya pinasok ang asawa sa delivery room dahil baka mawalan na naman ito ng malay katulad sa nangyari dito noong malaman nila na buntis s'ya.Matapang na agent ng FBI pero hinimatay ng malaman na buntis s'ya. Pinagtatawanan ito ng pamilya nila lalong-lalo na ang nga pinsan nito ng malaman ang nangyari rito."Isang ere pa Hailey," utos sa kan'ya ni Lucy na s'yang doctor n'ya ngayon. Ayaw ni Flinn ng lalaking doctor at gusto pa nitong magwala
HENRY FLINN..."Henry lumayas ka rito, ang baho-baho mo!" sigaw ng asawa sa kan'ya habang pinagbabato s'ya ng mga unan at pinapalayas sa kanilang kwarto. Hindi n'ya alam kung bakit bigla na lamang ito naging ganito sa kan'ya.Ayaw s'ya nitong makita sa bahay at ayaw din s'ya nitong nasa malapit lalo na kapag maamoy nito ang kan'yang amoy. Wala naman s'yang putok o amoy sa katawan pero pakiramdam ni Hailey ay masusuka ito kapag nasisinghot ang amoy n'ya."Baby ano ba ang nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong n'ya rito."Get out! Huwag mo akong bwesitin Henry, lumayas ka!" naiiyak na taboy nito sa kan'ya. Gusto n'ya man itong lapitan ngunit nag-aalala s'ya na baka mas lalo pa itong magalit kaya lumabas na muna s'ya at bumaba.Pabagsak s'yang naupo sa sofa at inihilamos ang palad sa mukha. Hindi n'ya na alam ang gagawin. Limang araw ng ganito si Hailey at hindi n'ya alam kung bakit. Wala naman s'yang ginawang kasalanan rito.Baka ganito talaga ang ugali ng mga babae. Sa una lang sweet sa
HAILEY ROMESHELL...Natapos ang kanilang kasal na masaya ang lahat. Dumiretso din agad sila sa reception kung saan ay nakakalula na naman ang garbo ng mga dekorasyon.Hindi n'ya napansin kanina na sobrang elegante pala ng kasal nila ni Flinn dahil nasa asawa ang kan'yang buong atensyon.Wala s'yang alam na ikakasal na pala sila at ang lahat ng preparasyon ay ang kan'yang mga magulang at ang mga magulang ni Henry ang nag-ayos dahil ayon nga sa asawa n'ya ay surprise wedding daw sana ngunit nabuko n'ya ito ng minsang nag galit-galitan s'ya rito.Napaamin ito ng wala sa oras dahil sa takot na baka tuloyan s'yang magalit dahil sa hindi nito pag-uwi ng ilang araw kung saan ay nasa bahay pala nito para tumulong sa preparasyon sa kanilang kasal.Ito din ang pumili ng gown na isusuot n'ya at muntik pa s'yang himatayin ng malaman ang presyo. Parang ayaw n'yang isuot dahil sa takot na baka masira n'ya ito.Inilibot n'ya ang tingin sa buong reception at napailing na lamang s'ya dahil sa hitsura
HAILEY ROMESHELL...She was holding her tears while walking in the aisle. Looking at the handsome man in front na nagpapahid din ng kan'yang mga luha habang nakatingin sa kan'ya na naglalakad palapit rito.The man who has a very long patience sa pag-uugali n'ya. The man who chose to stay with her kahit pa ang sama ng trato n'ya rito simula pagkabata. The man who understands her and the man who loves her the most.Ang nag-iisang lalaki sa buhay n'ya.Henry Flinn Sanchez Carson her man and her soon to be husband. Parang kailan lang ay puro galit pa ang nararamdaman n'ya rito. Ngayon ay napalitan na ng sobra-sobrang pagmamahal sa lalaki.Henry is her karma— a good and the best karma indeed! Ang karma na hinding-hindi n'ya pagsisisihan, ang karma na pinakagusto n'ya sa lahat.The wedding song he picked for her entourage is the same song that he sang when he asked her if he could be his girl.Kaya memorable sa kan'ya ang kantang ito dahil ito ang kauna-unahang kanta na ipinarinig sa kan'ya
HAILEY ROMESHELL...The proposal day had passed at parang nasa cloud nine pa rin ang pakiramdam n'ya. Malapad ang ngiti at panay ang tingin n'ya sa kan'yang daliri kung saan kumikinang ang suot na singsing.Hindi n'ya inaasahan na gagawin ni Henry ang pag propose sa kan'ya sa mismong anniversary nila. Limang taon silang naging magkasintahan at hindi n'ya pa naman naisip na magpo-propose si Henry dahil masaya naman sila pareho sa kanilang relasyon.At isa pa ay pareho din silang busy sa buhay na hindi na nila namalayan ang paglipas ng mga taon. No dull moment sa relasyon nila at masasabi n'yang isang ulirang kasintahan si Flinn.Never s'ya nito binigyan ng sakit ng ulo at never nito pinaramdam sa kan'ya kahit minsan na nawawalan ito ng gana. Simula ng maging opisyal na sila ay walang nagbago sa pakikitungo ni Flinn sa kan'ya bagkus ay mas lalo pa s'yang minahal nito at mas naging sobrang maalaga pa ng binata sa kan'ya.They are already engaged and soon ay magiging legal na mag-asawa na
HAILEY ROMESHELL..."Ms. Hailey our western distributors are asking if we could increase the production of our products for next month release," tanong ng kan'yang sekretarya."No! We are not going to exceed on the quantity that we are going to market every month. Bigyan n'yo lang sila ng nasa kota nila and don't give extra for them to hoard and sell it sa mas mataas na presyo kapag nagkaubosan. Ang lahat ng gumagawa ng hoarding will be banned for being our distributors. Be fair to everyone dahil hindi lang sila ang mga distributor natin, unfair sa iba na kumukuha lang ng tamang stocks every month para sa market quota," seryoso at puno ng otorisasyon na utos n'ya rito."Copy ma'am! Masusunod po," magalang na sagot ng kan'yang sekretarya. Palagi n'ya itong naririnig mula sa mga distributor nila na mahilig mag hoard ng mga stocks."Tell me kung may magreklamo Eivenn at ako ang haharap sa kanila," dagdag n'ya pa. Tumango ito at magalang na nagpaalam sa kan'ya.Parang kailan lang ay isa l