“Benjamin, naging asawa mo ako sa loob ng tatlong taon ngunit ni isang beses ay hindi mo man lang ako nagawang hawakan! Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. Ito na ang tamang panahon para bumawi sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa piling mo bilang asawa mo at bilang babaeng minahal ka ng napakatagal! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” Tumutulo ang mga luha ni Lunabella habang sinasabi iyon sa nakahiga at nakataling asawang si Benjamin Alvarez sa kanilang kama. “Huwag mong gawin ito, Luna. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kita magawang mahalin? Na si Astra lang ang tanging tinitibok ng puso ko?!” Walang pusong turan ni Benjamin, puno ng galit ang mga mata. “Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito, talagang mapapatay kita!” Pilit itong kumakawala sa pagkakatali ngunit mahigpit ang ginawang pagkakatali rito ni Lunabella rito. ******* Mula pa nang highschool ay minamahal na ni Lunabella Cruz si Benjamin Alvarez. Wala siyang ibang nais kundi ang makasal dito. Kaya nang ipagkasundo silang dalawa dahil sa horoscope na pinaniniwalaan ng naghihingalong matandang Alvarez ay hanggang langit ang ligaya niya. Subalit ang sayang iyon ay kapalit ng tatlong taong paghihirap niya bilang asawa ni Benjamin Alvarez. Mahal na mahal niya ang lalaki ngunit may iba ito minamahal.
view moreLihim na inalala ng kambal ang kabuuan ng babaeng iyon at saka tahimik na ikinumpara iyon sa kanilang ina. Kahit na saang anggulo nilang tingnan, walang panama ang babaeng iyon sa kanilang ina. Talagang nagawa silang abandonahin ng kanilang ama para lang sa babaeng iyon? Napakababa naman ng standard niya!Pagkatapos ng ilang sandaling panghahamak sa walang kuwentang desisyon ng ama ay nag-angat ng tingin si Levy nang may maalala. "Momma, nabanggit po ninyo kanina na may ginawa ang babaeng iyon sa inyo? What is it?" Bakas ang kuryusidad sa boses nito nang maalala ang naging usapan ng mga ito kanina sa restaurant. Ayaw ng idamay pa ni Lunabella ang mga anak sa ganoong usapan kaya naman kalmado niya itong sinagot. "That was nothing, darling. It was about work but mommy has resolved it already." "Of course not, Mommy! It is not just nothing!" Ang pirming boses ng anak ang umigting sa tainga ni Lunabella pagkatapos niyang magsalita. "Ano po ang nangyari? Come on mommy, tell me quickly!"
Pinanood ng dalawa ang papalayong pigura ng tatlo. Nang tuluyan ng nawala sa kanilang paningin ang mga ito ay saka pa lang sila naupo sa may bandang bintana. "Ate Astra, what's going on between you and Dr. Cruz? It seems that you look like you knew each other, but your relationship seems a bit off..." Maingat na tanong ni Andrea sa babaeng kaharap. Nagngitngit ang mga ngipin ni Astra sa galit. "Of course! Sinong hindi magagalit? That damn woman is none other than, Lunabella Cruz, Benjamin's ex-stupid-wife!" Kung hindi dahil sa babaeng iyon ay matagal na sanang naganap ang kanilang kasal! Edi sana hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya ngayon sa lalaki, edi sana ay siya na ang ilaw ng tahanan at nagkaroon na sila ng maraming anak, edi sana ay matagal na niyang inilibing sa lupa ang bastarda nito! Napakurap-kurap si Andrea, gulat na gulat. "Ang babaeng... Ang babaeng iyon ay ang dating asawa ni Kuya Benjamin?"Hindi naman isang sekreto ang pagpapakasal ni Benjamin anim na taon na
Nang marinig ang sinabi ni Andrea Fuentabella, kumislap sa mga mata ni Astra Soledad ang klase-klaseng emosyon. Dahil sa pangre-reject ni Benjamin Alvarez sa kanya noong nakaraang araw at sa kaalamang nakabalik na sa bansa ang babaeng matagal na nilang kinalimutan, hindi na siya nag-aksaya ng panahon pa. Magmula no'n ay ginawa na niya ang lahat para lang magkaroon sila ng maayos at solidong relasyon ng lalaki. Maaga siyang nagtungo siya sa bahay ng mag-asawang Alvarez upang personal na anyayahan ang mga itong pumunta sa bahay ni Benjamin, ng sa ganoon ay mayroon siyang matibay na alas nang sa ganoon ay hindi na makatanggi pa su Benjamin sa nais nilang gawin.Ngunit sa hindi inaasahan ay nagawa pa rin siya nitong tanggihan, kung noon ay silang dalawa lang sa kanyang opisina, ngayon ay harap-harapan niya iyong ginawa sa harapan ng kanyang mga magulang. Inis na inis siyang makita ang mukha ng bastarda nito subalit wala siyang magawa, hindi siya maaaring magpakita ng kahit anong ugali
Hindi pa ganoong kapamilyar si Lunabella sa mga restaurant malapit sa kanila kaya naman tinawagan niya si Zarina upang magrekomenda, nang sa ganoon ay hindi na siya maghanap pa at diretso na lang niyang dadalhin ang mga anak doon. Kasalukuyan silang kumakain nang makatanggap si Lunabella ng mensahe galing kay Ashton Fuentabella. From Ashton Fuentabella: Dr. Cruz, makakapunta ka ba para sa treatment ni Grandpa? Nang maalala ni Lunabella na hindi pa nga pala niya naipaliwanag dito ang proseso ng gamutan at kung tuwing kailan lang ito, agad siyang nagtipa ng sagot. To Ashton Fuentabella: Good evening, Mr. Fuentabella. I apologize for not informing you as soon as possible about the process of acupuncture. I will not be treating the old man's condition tonight because his body is too weak for the continuous treatment, he has been receiving acupuncture for two consecutive days, let his body rest for a day. I will be back tomorrow. From Ashton Fuentabella: Oh, is that it? Okay,
Sandaling natigilan si Sanrico Alvarez, itinagilid niya ang kanyang ulo, pilit na sinusubukang intindihin ang sinasabi ng apo. Ngunit kahit anong isip niya, hindi niya talaga maintindihan. Brion Auxley and Leviticus Azure... Dalawang pangalan ng lalaki. Sino naman ang mga iyon? "Sweetheart, may I know who these people are and why do you want to practice their names through calligraphy?" Hindi na mapigilan ni Sanrico ang magtanong sa apo. Tinitigan ni Blueberry Lucille ang kanyang Lolo, kapagkuwan ay nagbaba siya ng tingin sa kanyang notebook at nagsulat doon; 'Friends.' Bagama't mayroon pang nais itanong si Sanrico ngunit itinikom na lamang niya ang kanyang bibig at tumango na lamang sa apo. Inutusan na lamang niya ang isang kasambahay na kumuha ng mga materyales ng kanilang gagamitin sa pagsisimula ng pag-aaral nito ng kaligrapiya. Natagpuan ni Benjamin ang kanyang ama at anak na nasa dining table, abala ang mga ito sa kung ano kaya naman lumapit siya rito at sandaling pinapano
Sa tanghali ay napagpasyahan ng mag-asawang Alvarez na roon muna manatili sa bahay ng kanilang anak nang sa ganoon ay makasama pa nila ng matagal ang apo. Nakahanap rin si Astra ng irarason para manatili rin doon. Sa hapag-kainan, panay ang pag-aasikaso ni Astra Soledad sa matatandang Alvarez. Maya't-maya niyang nilalagyan ng masustansiyang sabaw ang kani-kanilang mangkok at pinaghihimay si Blueberry Lucille ng mga hipon. Pinagsalin din niya si Benjamin ng orange juice, sa sobrang pag-aasikaso niya, hindi na siya halos makakain. "Come on, Berry, here's your favorite shrimps. Auntie peeled a lot for you because Auntie knows that little girl likes shrimps so much," mahinhin niyang sinabi, may motherly-smile na nakaguhit sa kanyang mga labi. Si Blueberry Lucille na tutok sa kanyang cereal ay isang beses lamang na sinulyapan ang platong punong-puno ng hipon at saka walang pakialam na bumalik sa pagkain. Ang kamay ni Astra na kasalukuyan pa ring nakahawak sa plato ay natigilan, naging
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments